Sunshine Dizon, kumpirmadong Kapamilya na

Sunshine Dizon’s manager, Perry Lansigan (inset), did not confirm nor deny the rumor. He simply said on his IG live that:  “Alam niyo, kapag fan o gusto o sinusuportahan niyo ang isang artista, dapat kung nasaan siya, kung ano ang gusto niyang gawin, dapat susuportahan pa rin. Kasi, yung artista naman talaga ang sinusuportahan o iniidolo.”

Photos: @m_sunshinedizon

Sunshine Dizon’s manager, Perry Lansigan (inset), did not confirm nor deny the rumor. He simply said on his IG live that: “Alam niyo, kapag fan o gusto o sinusuportahan niyo ang isang artista, dapat kung nasaan siya, kung ano ang gusto niyang gawin, dapat susuportahan pa rin. Kasi, yung artista naman talaga ang sinusuportahan o iniidolo.”

Marami ang nagulat nang lumabas ang balita na ang kilalang loyal Kapuso na si Sunshine Dizon ay Kapamilya na.

Lumalabas nga na si Sunshine pala ang isa sa tinutukoy sa blind item tungkol sa dalawang Kapuso actresses umano ang magiging Kapamilya. At tila kumpirmasyon ng balitang ito, as far as Sunshine is concerned, ang presence niya sa naganap na story conference para sa kauna-unahang seryeng pagbibidahan ni Janine Gutierrez bilang isang Kapamilya na. May naka-amoy kasi present doon ang magaling na aktres.

Si Janine, na isa ring homegrown Kapuso ay lumipat din sa ABS-CBN nitong Enero lang. Ang magiging leading man pa ni Janine sa nasabing Kapamilya teleserye ay ang dati ring Kapuso na si Paulo Avelino. Kasama rin sa cast ang nanay ni Janine na si Lotlot de Leon at si Cherry Pie Picache.

Twenty-five years ng Kapuso si Sunshine simula nang gawin niya ang Anna Karenina noong 1996 kasama sina Kim delos Santos at Antoinette Taus. Ang huling project niya sa GMA-7 ay ang hit afternoon teleserye na Magkaagaw na nagtapos lang nitong Marso 2021.

Sa ngayon, tahimik lang si Sunshine at wala pang inilalabas na statement. Hindi pa rin ito nagpapa-interview o nagpo-post ng kahit ano sa kanyang social media.  Wala rin inilalabas pang statement ang kanyang talent management, ang PPL Entertainment, Inc. ni Perry Lansigan.

Gulat at pagtataka ang karamihang nababasa naming komento sa social media. Kasabay rin kasi ng balitang paglipat ni Sunshine ay ang diumano’y hindi na ito binigyan ng renewal of contract ng GMA-7.

Isa sa mga comments ng netizen na may Twitter account na @PinaysInShowbiz, “Sandali lang... may ingay na hindi ire-renew ng Kapuso si Sunshine Dizon? Have they totally lost their mind? What kind of sorcery is this? PASHNEA talaga if true. In short, katangahan pag hindi sya i-renew!”

Ang manager naman ni Sunshine na si Perry ay nag-Instagram Live noong April 19 at habang naka-IG Live ito, ang daming nagtanong dito kung totoo ang balita na lilipat na si Sunshine sa ABS-CBN.

Walang binanggit na pangalan si Perry pero nagbigay ito ng mensahe na: “Alam niyo, kapag fan o gusto o sinusuportahan niyo ang isang artista, dapat kung nasaan siya, kung ano ang gusto niyang gawin, dapat susuportahan pa rin. Kasi, yung artista naman talaga ang sinusuportahan o iniidolo.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sunshine Dizon, nag-level up as associate director sa bago niyang project

Sunshine Dizon, nagsisilbing inspirasyon ngayon ng kanyang mga Ecuadorian fans

Ate Gay has recovered after hospitalization from pneumonia

Contents ng VIVAMAX, available na sa mga kababayan natin sa Middle East

Nikki Valdez talks about return to work after COVID-19 bout

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.