Sunshine Cruz, pumalag sa fake news na nabuntis umano siya ni Cesar Montano at magpapakasal silang muli

Bago pa lumala ang sitwasyon at bilang respeto na rin daw sa partner ni Cesar Montano ay inunahan na ni Sunshine Cruz ang paglilinaw na hindi totoo ang balitang nagkabalikan sila ni Cesar at siya’t buntis umano sa ika-apat niilang anak.  “Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband. #fakenews,” saad ni Sunshine.

PHOTOS: @sunshinebcruz0718 on Facebook

Bago pa lumala ang sitwasyon at bilang respeto na rin daw sa partner ni Cesar Montano ay inunahan na ni Sunshine Cruz ang paglilinaw na hindi totoo ang balitang nagkabalikan sila ni Cesar at siya’t buntis umano sa ika-apat niilang anak. “Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband. #fakenews,” saad ni Sunshine.

Madiing pinasinungalingan ng seasoned actress na si Sunshine Cruz ang mga nagsilabasang tsika tungkol sa kanya at sa dati n’yang mister na si Cesar Montano sa social media, partikular na sa YouTube.

Sa magkasunod n’yang Facebook post yesterday, October 24, tinawag n’yang fake news ang mga nakalap n’yang inimbento at malisyosong balita about her and Cesar.

Nagtaka daw s’ya kung bakit may mga bumabati at nagko-congratulate sa kanya. Iyon pala, naglipana na ang mga pekeng balita na buntis umano s’ya with her fourth baby at ang ama nito ay walang iba umano kundi ang kanyang former husband.

“FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sakin,” pahayag ni Sunshine sa kanyang FB post kalakip ang isang YouTube link na may edited thumbnail.

Makikita dito ang photo ni Cesar na tila na-interview ito ni Boy Abunda habang naka-inset ang kanyang larawan kung saan naman ipinapakita n’ya ang suot n’yang singsing.

Meron din itong mga “verbatim” umanong quote mula sa interview kung saan sinabi daw ni Boy Abunda ang mga katagang: “Congratulations to both of you.”

Naroon din ang naging pahayag umano ni Cesar na “Niyaya ko agad siya magpakasal baka magbago pa ang isip eh!”

Kaya naman aakalin nga ng mga makakakita nito na nagkabalikan silang dating mag-asawa and that they are expecting their fourth child! 

At bago pa lumala ang sitwasyon at bilang respeto na rin daw sa partner ni Cesar ay inunahan na ito ni Sunshine at sinabi n’yang hindi totoo ang balitang ito.

“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband. #fakenews,” saad n’ya.

Sa kasunod n’yang FB post ay inilatag ng aktres ang ilan pang screenshot photos ng mga YouTube videos na naglalaman ng pekeng balita tungkol umano sa pagbubuntis n’ya sa anak nila ni Cesar.

Matatandaang ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2010 at biniyayaan ng tatlong anak – sina Angelina, Samantha, at Angelica – ang kanilang pagsasama.

However, nauwi sila sa hiwalayan at tuluyang napawalang-bisa ang kanilang kasal noong 2018.

Sa ngayon ay masaya na ang aktor sa piling ng partner nitong si Kath Angeles. 

Lumabas naman ang fake news about Sunshine at dati n’yang asawa ilang araw matapos mabalita ang umano’y hiwalayan nila ng boyfriend n’yang si Macky Mathay.

Nagkataon din na na nakita ng publiko na magkasama sa isang larawan sina Sunshine at Cesar na kuha sa debut ng anak nilang si Sam. 

Isa marahil ito na nag-udyok sa mga fake news peddlers na gumagawa ng pekeng anggulong mapanira at mapang-gulo.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.