Sunshine Cruz, muntik nga bang atrasan ang kanyang mainit na Vivamax movie?

Pangalawang pagpapa-sexy na si Sunshine in recent times ang Vivamax movie niyang An Affair To Forget. nauna na nyang ginawa ang Malamaya noong 2019, kung saan gumanap siyang cougar (o yong middle-aged lady an nakikipag-relasyon sa mas nakababatang lalaki). At ayon sa kanya, suportado siya ng tres marias niya then and now.

PHOTOS: @sunshinebcruz0718 on Facebook

Pangalawang pagpapa-sexy na si Sunshine in recent times ang Vivamax movie niyang An Affair To Forget. nauna na nyang ginawa ang Malamaya noong 2019, kung saan gumanap siyang cougar (o yong middle-aged lady an nakikipag-relasyon sa mas nakababatang lalaki). At ayon sa kanya, suportado siya ng tres marias niya then and now.

Buo raw ang suporta ng mga anak ni Sunshine Cruz na sina Sam, Angelina, at Francheska sa pagpapa-sexy niya sa pelikula.

Iyan ang sinabi ng aktres sa virtual media conference nila kamakailan para sa kanilang Vivamax movie na An Affair To Forget.

Nabanggit ito ng magaling na actress matapos siyang matanong ng entertainment press hinggil sa lumabas na tsika na tatanggihan daw sana niyang gawin ang pelikula kung nalaman niya kaagad na sa Vivamax ito ipalalabas.

Kilala kasi ang streaming platform ng Viva sa pagre-release ng matatapang at sensitibong sexy movies.

Ani Sunshine, oo nga't hindi raw agad nasabi sa kanya na sa Vivamax ire-release ang pelikula nila pero hindi naman daw siya tatanggi dito.

"Wala namang ganu'n. 'Yong sa akin lang... Sabi ko nga, if it's from Vivamax or not, wala namang kaso sa akin kasi when I read the script I fell in love with it kaagad," pagtutuwid ng aktres.

"Natawa lang ako na nagulat na, 'Oh, bakit kailangan n'yong itago?' Wala namang problema sa akin. Trabaho is trabaho. It is a blessing," dagdag pa niya.

May tiwala naman daw siya direktor nilang si Direk Louie Ignacio na hindi siya lalabas na kahiya-hiya sa kanilang sexy-drama-thriller movie.

"Ako naman, malaki ang tiwala ko sa ating magaling na direktor na maiingatan ako. Of course, there are things that I need to protect lalo na tatlo ang mga anak ko na mga dalaga na," pagbabahagi pa niya. 

"Pero I did one sexy movie also. I was a cougar sa Malamaya (2019) na movie. It was for Cinemalaya," she added.

(In street slang, cougar ang tawag sa mga middle-aged women na nakkipag-relasyon sa mas bakababatang lalaki.)

Dito na n'ya naibahagi na suportado ng mga dalagang anak niya ang kanyang pagpapa-sexy sa pelikula. 

"Nagandahan ang mga anak ko [sa Malamaya]. And ito [An Affair To Forget], looking forward na nga sila nu'ng nakita nila ang poster namin ni Angelica [Cervantes]," excited na lahad ng celebrity mom.

"Sabi nila, 'Oh my God. It was hot, Mommy.' Alam mo naman 'yong mga bata. Kahit ako nae-excite na akong panoorin ito."

Natanong din si Sunshine base sa title ng kanilang pelikula kung meron ba siyang affair in real life noon na gusto na niyang kalimutan.

"Wala kasi lahat ng affair that I had, affair or love life, I learned a lot from it," sagot niya.

"Ganu'n naman 'yon, e. kung hindi man nag-work o nag-work, meron tayong natututunan and it makes us a better person, it makes us stronger."

Pero nang mausisa na siya kung maayos ba ang naging separation nila ng long-time boyfriend niyang si San Juan City Councilor Macky Mathay ay tumangging magdetalye ang aktres. 

"I don't want to talk about that. At saka sabi dito [sa media conference na] bawal daw ang personal [question]. Hahaha!" natatawang iwas ni Sunshine.

"For now, I'm really not ready to talk about it kung anuman ang meron o wala. I'm just want to focus right now sa mga ginagawa ko talaga," pagpapatuloy niya.

Tiniyak din ni Sunshine na masaya naman ang puso niya at present dahil tuloy-tuloy ang blessings and projects na natatanggap niya.

"I am very blessed. I am very happy. Kakatapos ko lang ng almost three months lock-in [taping] for Underage. Ipapalabas na kami sa January [2023] sa GMA," pagbibida ng aktres.

"Eto, may ginawa ako, after ng An Affair to Forget, Pamilya sa Dilim, Greatest Performance... I did three films and then I'm starting with one again very, very soon. So, walang dapat ireklamo. I am being blessed as well as my kids. My heart is okay."

Asahan daw na mag-e-enjoy ang mga manonood  sa movie nila dahil mahuhusay na artista ang mga nakasama niya dito.

"Kailangang panoorin n’yo po ang aming pelikula. Napakagaling dito, of course, ang actor natin na si Allen Dizon. And si Angelica [Cervantes] at si Karl [Aquino]. Magagaling sila," pagtatapos ni Sunshine.

Mapapanood ang An Affair To Forget simula mamayang 12 midnight (December 23) sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Cesar Montano and Sunshine Cruz reunite in a photo op for their daughter Sam’s 18th birthday

Pagkanta ni Sunshine Cruz ng “Someone That I Used to Love,” senyales na ba ng breakup nila ni Councilor Macky Mathay?

Sunshine Cruz, pumalag sa fake news na nabuntis umano siya ni Cesar Montano at magpapakasal silang muli

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.