Hindi na maaalala ni Sunshine Cruz kung nakatrabaho na niya before ang mga Lola Magdalena co-stars niyang sina Gloria Diaz, Liza Lorena, at Perla Bautista.
Gayunpaman, sobra raw siyang honored na maka-work ang mga nabanggit na award-winning veteran actresses.
Aminado rin siyang na-intimidate siya noong una nang malamang magkaka-trabaho sila.
"S'yempre, di mawawala iyong nerbiyos, nai-intimidate tapos iyong direktor ko pa si Joel Lamangan. Nakakakaba pero alam ko naman that they will be very supportive and they will help me. Alam ko naman na magsusuportahan kami," ani Sunshine.
Hirit pa niya, dahil sa pagiging welcoming daw ng mga acting heavyweights, nawala ang daga sa kanyang dibdib.
Challenging din daw niyang maituturing ang kanyang role bilang prostitute na first niyang gagampanan.
"Ako iyong favorite ni Tita Glo na binubugaw [sa pelikula]. I am the youngest pokpok dito but unfortunately I'll be terminally ill. Magka-cancer ako rito. Pero mabait siya rito dahil siya iyong breadwinner ng family," k'wento niya.
Hirit pa niya, vulgar at palamurang pokpok daw ang natoka sa kanya. At hindi siya kumportable ay gagawin daw niya ang lahat bilang bahagi ng kanyang trabaho ang mga ganit9ng challenges.
"I am not comfortable [sa pagmumura] but of course, kung kailangan talaga gagawin natin kasi hindi ka naman nagpli-play as Sunshine Cruz. Sa bawat karakter mo, hindi ka naman Sunshine Cruz. You forget being Sunshine Cruz," paliwanag niya.
Samantala, happy ang aktres dahil nagkapatawaran na sila ng ex niyang si Cesar Montano at maganda na ang kanilang relasyon bilang co-parents sa kanilang mga anak.
"So far, so good," nakangiting lahad niya. "Lahat naman naghe-heal in God's time."
Sey pa niya, wala na rin daw "wall" sa pagitan nila ng ex dahil naka-move on na sila sa kanilang mga buhay.
"Pag may special occasions lang naman, of course, di maiiwasang magkasama kasi like Christmas, New Year o birthday ng mga anak ko. It's something that cannot be avoided. Pero iyong parang...my ex-husband has an obligation with my children, so I'm happy that they go out together. Pero with me, wala silang obligasyon sa akin. It's just that kapag may okasyon, walang choice kundi magsama kami.
"I'm very happy that we are good, we are civil and that is what matters," deklara niya.
All praises din siya sa bagong partner ni Cesar na si Kat.
"I find the partner Kat mabait and very nice. Mahal ng mga anak ko iyong partner ni Cesar ngayon at mahal din ni Kat ang mga anak ko. It's all that matters. Iyon ang importante," bulalas niya.
Nag-react din si Sunshine sa sinabi ni Cesar Montano sa isang panayam na game itong makatrabaho ang actress.
As for Sunshine, willing din daw siyang maka-work si Cesar whether as a director or an artist.
"Kung meron naman talagang maganda [na project], who would not want to work with Cesar Montano? Napakahusay na artista. But for now, he's busy. I'm also busy. But given a chance o magkaroon ng pagkakataon in the future, why not?," ani Sunshine.
Agree din siya sa biro ni Cesar na kung gagawa man sila ng project in the future, dapat ay walang love scene.
"Di na dapat. Respeto na lang din. Forty-five na ako," natatawang lahad niya. "Kung maaari nga, wala na iyong kissing scenes. But when I did this movie with Allen Dizon in Pamilya sa Dilim and in Vivamax, that's needed lang kasi asawa ko siya so we're just professional about it," paliwanag niya
Sa ngayon, nananatiling loveless si Sunshine after her breakup with former boyfriend Macky Mathay.
Aniya, kumpleto na raw siya at hindi na naghahanap ng love life maliban na lamang kung itadhana ng Diyos na may dumating pa na tamang lalake para sa kanya.
Si Sunshine ay tampok sa pelikulang Lola Magdalena, isang dramedy tungkol sa buhay ng mga prostitutes.
Mula sa produksyon ng Hero Hito Productions ni Amilyar Oatur, sa direksyon ni Joel Lamangan at sa iskrip ni Dennis Evangelista, tampok din sa pelikula sina Joonee Gamboa, Pia Moran, Jim Pebanco, Angel Guardian, Angela Cortez, Marcus Madrigal, at Carlos San Juan.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sunshine Cruz cites loss of trust as reason for her breakup with Macky Mathay
Sunshine Cruz, muntik nga bang atrasan ang kanyang mainit na Vivamax movie?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber