Sunshine Cruz cites loss of trust as reason for her breakup with Macky Mathay

“Sa edad kong ito, I’m 45 years old, hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give chances… Masarap magkaroon ng second chance. Of course, you give your second chance, third chance, hanggang tenth pa nga na beses magbibigay ka, e. Pero at the end of the day, you wake up one day at mare-realize mo na walang patutunguhan ’yong relationship.”—Sunshine Cruz on her breakup with Macky Mathay

PHOTOS: @sunshinecruz718 on Facebook & @mackymathay on Instagram

“Sa edad kong ito, I’m 45 years old, hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give chances… Masarap magkaroon ng second chance. Of course, you give your second chance, third chance, hanggang tenth pa nga na beses magbibigay ka, e. Pero at the end of the day, you wake up one day at mare-realize mo na walang patutunguhan ’yong relationship.”—Sunshine Cruz on her breakup with Macky Mathay

 

Nagbigay ng kaunting detalye ang aktres na si Sunshine Cruz sa dahilan ng breakup nila ng kanyang long-time boyfriend na si San Juan City Councilor Macky Mathay. 

Naganap ito ngayong araw, February 2, sa celebrity talk show na Fast Talk With Boy Abunda sa GMA-7.

Matatandaang umugong ang bali-balitang on the rocks ang kanilang five-year relationship ni Konsehal Macky noong September 2022 lalo't nahalata ng mga netizens na kapwa hindi na sila nagpo-post ng mga larawan nilang magkasama sa social media.

Lalo namang pinatunayan ito ni Sunshine sa pagpo-post n’ya ng mga quotes na may kinalaman sa “letting go.”

Kasunod noon ay ang kanyang pananahimik kaya’t hanggang ngayon ay palaisipan sa publiko kung ano ba ang puno’t dulo ng kanilang hiwalayan.

Paliwanag ng aktres sa show ni Boy Abunda, pinili daw n’yang manahimik para sa kapakananan ng mga anak n’ya at mga anak ni Macky sa past relationship nito.

“I chose to be quiet because merong mga bata na involved, mga anak n’ya na napamahal sa akin at mga anak ko na napamahal kay Macky,” lahad ni Sunshine. 

Bukod pa doon, ayaw na daw n’yang isali pa ang publiko na wala naman daw kinalaman sa breakup nila. 

Nag-decide ako na maging quiet na lang kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano ’yong pinagdadaanan namin o kung ano ’yong pinagdaanan ko. Parang ang feeling ko, Tito Boy, hindi na dapat talaga ma-involve ang publiko dito,” dugtong pa n’ya. 

Pero kung may natutunan man daw s’ya sa mga nangyari, iyon ay ang pagpapanatili sa tatlong importanteng bagay sa isang relasyon: love, trust, and respect.

Pero Tito Boy, ang na-realize ko lang dito sa relationship... and even with my ex-husband Cesar [Montano], tatlo ang importanteng bagay sa relationship. 

Hindi lang love, dapat nandu’n ang trust, nandu’n ang respect. Pag merong isang nawala doon it’s not going to work,” pagbabahagi ng Underage actress.

Hindi naman daw s’ya nagkulang sa pagpapatawad nang paulit-ulit. However, umabot na raw s’ya sa puntong na-realize n’ya na wala ng pupuntahan pa ang kanilang relasyon.

“And sa edad kong ito, I’m 45 years old, hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give chances… Masarap magkaroon ng second chance. Of course, you give your second chance, third chance, hanggang tenth pa nga na beses magbibigay ka, e,” aniya. 

“Pero at the end of the day, you wake up one day at mare-realize mo na walang patutunguhan ’yong relationship.”

Ganu’n man, nagpapasalamat pa rin naman daw s’ya sa masasayang memories na nabuo nila noong sila ay magkarelasyon pa. 

“You just have to be thankful for the years you’ve been together, na maganda ’yong pagsasama n’yo, na nagmahalan kayo, na naging inspirasyon kayo sa isa’t isa,” sey pa ng seasoned actress.

Dahil sa kanya na rin nanggaling ang tatlong important elements sa isang matibay na relasyon ay nausisa s’ya ni Tito Boy kung alin ba sa mga iyon ang nawala kaya’t nag-break sila ni Macky. 

“Trust,” direktang sagot ni Sunshine. 

At sa naging pagsasama naman nila ni Cesar noon…

Dati? Trust din,” aniya.

Paglilinaw ng aktres, hindi naman umano n’ya ginustong mahiwalay sa kanyang mga nakarelasyon before. Wala daw sa kanila ang may kontrol sa mga pangyayari. 

Ako kasi, Tito Boy, ang masasabi ko lang, ’no, kahit anong gawin nating pagpa-plano sa buhay natin… Of course, when I was with Cesar I want to grow old with him. Gusto ko hanggang pagtanda ko s’ya na. Ganu’n din with Macky,” pagtatapat ni Sunshine.

Hindi nga daw n’ya inasahang dadarating sa buhay n’ya noon si Konsehal Macky ilang taon matapos silang maghiwalay ni Cesar.

“After Cesar, I waited. Actually, dumating na lang ’yan. Hindi ko naman inaasahan. Almost four years na separated ako kay Cesar nu’ng dumating si Macky. I wanted to grow old with him as well,” pagre-recall n’ya.

Tila pinatotohanan n’ya rin ang kasabihang kung hindi ukol, hindi bubukol.

Pero may mga…kahit magplano tayo sa buhay natin pero kung hindi talaga ’yon ang destiny natin hindi mangyayari. And I just have to believe, I’m sure merong ibang plano si God para sa akin,” she said. 

Kung anuman ’yon, hihintayin ko. Kung dumating, okey lang. Ang importante nand’yan ang mga anak ko. Mahal ako, mahal ako ng mga anak ko. Doon na lang nagpo-focus ako. Hindi ako nawawalan ng proyekto and that’s all that matters.”

Tanong pa ni Tito Boy sa kanya: “Was there a third party involved?”

Dito na tumangging magbigay ng detalye si Sunshine. 

Parang wala ako sa posisyon na magsalita tungkol d’yan,” sagot n’ya.

Anyway, masaya naman daw s’ya ngayon sa estado ng buhay n’ya at sa pagkakaibigan nila ng dati n’yang mister na si Cesar. Masayang-masaya daw kasi dito ang tatlo nilang mga anak na sina Sam, Angelina, at Francheska.

“Very, very happy ako kasi nakikita ko kung papaano nagsa-shine ang eyes ng mga mata nila. At sila na mismo ang nasabi na ’yong piece na ’yon na lacking sa heart nila, ’yong parang puzzle, nabuo ulit,” paglalahad ni Sunshine. 

At dahil close na rin sila ng partner ni Cesar na si Kath Angeles, s’ya na raw mismo ang nagbanta sa ex-husband n’ya sakaling magluko pa ito. 

Sabi ko nga kay Cesar, ‘Magpakabait ka na d’yan kay Kath. Napaka-ganda, napaka-bait, napaka-suwerte mo. Mag-behave ka.’ Kasi kung hindi, makaka-away n’ya kaming lahat ng mga anak ko,” natatawang kuwento n’ya kay Boy.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Cesar Montano and Sunshine Cruz reunite in a photo op for their daughter Sam’s 18th birthday

Pagkanta ni Sunshine Cruz ng “Someone That I Used to Love,” senyales na ba ng breakup nila ni Councilor Macky Mathay?

Sunshine Cruz, pumalag sa fake news na nabuntis umano siya ni Cesar Montano at magpapakasal silang muli

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.