Kahit eight years na palang single ang dancer-comedienne and TV host na si Sugar Mercado ay wala pa rin daw s’yang balak na muling makipagrelasyon.
Iyan ang sinabi n’ya kay Boy Abunda kahapon, September 18, sa TV show nitong Fast Talk With Boy Abunda.
Natanong kasi s’ya ng King of Talk kung may plano ba s’yang magmahal muli at pumasok sa relasyon. Tulal naman ay annulled na ang kasal nila ng ex-husband n’yang si Kristofer Jay Go at walong taon na s’yang single.
Ayon sa former Sexbomb dancer, nagdesisyon daw talaga s’ya na huwag nang makipagrelasyon pa.
Matinding trauma raw kasi ang inabot n’ya noon sa dati n’yang asawa na umabot pa sa demandahan dahil sa pananakit umano nito sa kanya physically and emotionally.
“Nag-decide po talaga ako na pahinga na muna ako. Yes, eight years single and sa dami ko pong naranasan…. first boyfriend ko, una kong asawa, 22 cases sa sarili kong asawa...” lahad ni Sugar.
“So, four months lang ’yong baby ko, two years old [ang panganay], dala-dala ko sila sa korte. So, ang laki rin ng trauma ko do’n na nangyari sa akin,” dagdag pa n’ya.
Iyon raw ang masasabi n’yang lowest point ng buhay n’ya dahil hindi n’ya umano nakamit ang pinapangarap n’ya na buong pamilya para sa mga anak n’yang sina Gabrielle at Sofia.
Ganu’n pa man, sa kabilang ng masakit na nangyari, natuto raw s’yang magpatawad.
“Lahat ’yon may proseso po. Hindi naman agad agad mapapatawad ko. Pero ngayon po nu’ng pinatawad din lahat ng kasalanan ko ng Panginoon natuto na rin po ako magpatawad sa kahit anong kasalanan sa akin,” saad ng aktres.
“At saksing buhay po sa tuwing may gumagawa ng pagkakasala, kahit kanino pong tao, hindi mo p’wedeng hindi aanihin ’yon, mabuti man o masama,” she added.
Thankfully, in good terms na raw sila ng kanyang dating mister at pareho nang naka-move on sa kani-kanilang buhay.
“Thank You, Lord. Okay kami. Nakuha sa dasal. Okay na kami. May asawa na rin s’ya. Annulled ako. Okay kami, sila ng mga anak ko. ’Yon ’yong importante po sa akin,” pagbabahagi n’ya.
“Ang importante sa akin, e, ’yong may katahimikan ’yong puso ko, lalo na ’yong mga anak ko. Ang una kasi sa akin ngayon mga anak ko bago ako,” dagdag pa ng proud single mom.
Natanong din si Sugar kung ano ang lesson na natutunan n’ya sa buhay na ibabahagi n’ya sa kanyang dalawang anak.
“Hindi masamang magmahal pero wag sobra. Wag mong gawing mundo. Hahaha! Ano ba ’yon? Kainis kayo,” emosyonal pero natatawang sabi ni Sugar.
“Kasi babae pareho ’yong kids ko. Wag nilang gawing mundo kung sino man ’yong magiging kasama nila sa buhay,” pagpapatuloy ng dating Wowowin co-host.
Wala man daw s’yang regrets sa mga nangyari pero sana daw ang may natutunan ding aral mula roon ang kanyang mga anak.
“Like ako, ’yong tatay nila. First ko ’yon so nilaban ko. Ang dami ko ring experience do’n. But hindi ko pinagsisihan. Nagmahal ako nang totoo. Pero sana nakita nila kung paano ko dinaanan ’yong masakit,” aniya.
“And sana, sing-tibay ko rin sila. Kaya every day, [nagbabasa ako ng] Bible para makita nila kung saan ako humuhugot ng lakas,” pagtatapos n’ya.
YOU MAY ALSO LIKE:
EXCLUSIVE: Sugar Mercado resigns from Wowowin, si Hipon Girl ba ang dahilan?
Sugar Mercado’s elder daughter Gab turns 7 and she throws her a unicorn-themed party
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber