Nagbigay ng kanyang speech si Andrea Brillantes sa ginanap na Star Magical Prom 2023 kagabi, kung saan sinabi niyang mahal daw niya ang mga co-Star Magic artists niya kaya gusto niyang mai-share sa mga ito ang kanyang thoughts.
Isa na si Andrea sa maituturing na “ate” or senior ng ibang mga Star Magic artists—not just in age but in terms of the length of her showbiz journey—na karamihan ay ipinapakilala palang sa publiko.
Sa speech ni Andrea na ini-upload sa TikTok account na @unofficialphcrown, nagbigay ito ng mga pointers tungkol sa mga bashers. Masasabi nga'ng “authority” na si Andrea sa aspetong ito dahil isa siya sa mga batang artista na matindi na ang karanasan pag dating sa mga bashers.
“Hinanda ko talaga ang speech na 'to kaya dala ko ang phone ko," panimula ng bibang aktres, na radiant noong gabing iyon. "Kasi, I genuinely care for you guys, bilang isang Star Magic artist.
“At first, dapat ang magiging focus sa speech na 'to is how to handle bashers. Kasi, parang 'yon talaga ang main concern natin. Pero honestly, bilang artista, sa trabaho natin, hindi natin sila matatanggal. There will always be bashers and you cannot please everyone.
“And honestly, ang advice ko lang do’n, just don’t mind them. Alam ko ang hirap no’n, believe me, ang hirap talaga no’n. Pero they don’t really matter. You know what matters? Kung paano kayo bilang tao. Paano kayo bilang artista. Kayo ba ay masipag? Kayo ba ay mabait sa lahat or kayo ba ang artista na nang-aapak ng iba upang maka-angat?"
Bukod sa bashers, pinayuhan rin ni Andrea ang mga kasamahan na hintayin ang moment to shine nila, so to speak.
“Kasi, a lot of us will demand and think kung ano ang deserve natin. Lahat tayo iisipin, ‘Sana ako rin,’ ‘Sana ako na lang,’ ‘Kailan kaya ako?’ ‘E, matagal na ko rito.’ Listen guys, your time will come and you have to believe in God’s timing. Siya lang talaga ang makakapagsabi kung ano ang deserve natin.”
Aniya, siya man daw umabot din ng sampung taon bago niya nabilhan ng bahay ang pamilya niya. Ang mahalaga umano ay nagkatotoo ang pangarap niya.
“Ako, I had to work hard for ten years para mabilhan ko ng bahay ang pamilya ko. It took some time, yes, pero it happened. Alam n'yo, ‘wag kayong masyadong magpadala sa pressure. Kasi, nandito tayo kasi may pangarap tayo.
“Hindi ‘to pabilisan. Hindi para malaman kung sino ang mas mabilis sisikat. Nandito tayo kasi, may goal tayong lahat, ‘di ba? So, we worry so much sa iba’t-ibang bagay when we should be focusing on ourselves.”
Ni-remind din ni Andrea na hindi raw dapat maging mabait lang sa kapwa artista o sa mga boss. Dapat umano ay equal respect din ang binibigay nila sa mga staff at crew.
“It’s really important to be kind to one another, hindi lang sa kapwa n’yo artista. Hindi lang sa mga boss natin, dapat pati sa staff, pati sa crew. You should give equal respect to everyone. You should never feel superior kasi malay n’yo, next project n’yo, sila na ang director, n’yo, ‘di ba? Sila na ang boss ninyo.”
Dugtong pa niya, “Ako kasi, I’m a firm believer na if you do good, good will always come back to you. If you show humility, remain responsible, hardworking, God-fearing and kind, everything will fall into place."
Aminado rin siyang marami na rin siyang nagawang mali along the way pero ang importante daw ay natututo siya.
“If you fall, get back off. If you made a mistake, it’s okay, lahat tayo rito, tao," patuloy niya. "Bata pa nga natin, ‘di ba? Ako nga, I made a lot of mistakes. Pero ang importante, matuto tayo. We learn from it and we do not make the same mistakes twice.
“Bata pa tayo, guys. Let’s enjoy our youth. Let’s enjoy na walang naaapakan na iba. Let’s enjoy our youth while taking responsibility as an actor, kasi, it’s a commitment.”
Anya pa, wala naman daw masamang mag-party, magpakasaya pero pinaalala ni Andrea na dapat, pag dating mo sa trabaho, alam mo ang gagawin mo.
“Make sure na kinabukasan sa taping, memorize n’yo lines n’yo. Make sure kinabukasan sa taping, makikinig kayo sa director n’yo. And if you can’t do that, sacrifice mo 'yung party. Kasi, ginusto natin 'to, 'di ba?
“If you want to be successful, then, you need to prepare some sacrifices. With that being said, magtulungan tayong lahat. Nasa iisang kumpanya lang naman tayo. Lagi nating piliin ang pagmamahal.”
“Good luck sa journey n’yo. Mamaya kayo na ang nagbibigay sa akin ng advice,” masayang pagtatapos niya.
YOU MAY ALSO LIKE:
Andrea Brillantes, aminadong siya ang gumawa ng “first move” kaya sila nagkalapit ni Ricci Rivero
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber