Soon-to-be mommy na si Maja Salvador, “Can’t wait” nang makita ang baby girl nila ni Rambo Nuñez

Kung matatandaan, it was last December 2023 nang inanunsyo ni Rambo Nuñez sa social media na magiging parents na sila ni Maja Salvador. Ang baby umano sa sinapupunan ng aktres ang “best Christmas present” na natanggap nila.

PHOTOS: @maja on Instagram

Kung matatandaan, it was last December 2023 nang inanunsyo ni Rambo Nuñez sa social media na magiging parents na sila ni Maja Salvador. Ang baby umano sa sinapupunan ng aktres ang “best Christmas present” na natanggap nila.

Excitement is real para sa aktres at soon-to-be mommy na si Maja Salvador na makita ang first baby nila ng husband n’yang si Rambo Nuñez.

Ramdam ang pagkasabik ng actress-TV host kung pagbabatayan ang kanyang latest post sa Instagram ngayong araw, April 1.

Ilang buwan na lang daw kasi ay masisilayan na nila sa wakas ang kanilang baby girl kung kaya’t ngayon pa lang ay hindi na raw siya makapaghintay.

“Few more months and we’ll get to see our baby girl already! Can’t wait! [Heart hands emoji] #momtobe [Face holding back tears emoji],” pahayag ni Maja sa social media.

Kalakip nito ang litrato ng sonogram ng kanilang baby, at isang video kung saan ipinakita ng actress ang kanyang dance moves kahit na s’ya ay buntis.

Kung matatandaan, inanunsyo ng mister n’yang si Rambo na magiging parents na sila noong December 2023, at ang baby umano sa sinapupunan n’ya ang “best Christmas present” na natanggap nila. 

Prayers for your safe delivery and healthy baby, Maja.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Maine Mendoza, MJ Lastimosa, and friends throw a surprise baby shower for Maja Salvador

Maja Salvador, Rambo Nuñez are expecting a baby girl

Maja Salvador opens 2024 with new single, "Sugal"

Pika's Pick: Maja Salvador and Rambo Nuñez are now expecting “the best Christmas present we could ever ask for,” their Baby No.1

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.