Sofia Pablo, trip to Singapore ang birthday gift sa sarili; makikipag-date kay Allen Ansay pag balik

Imbes na magkaroon ng malaking party, lumipad si Sofia to Singapore bilang regalo niya para sa kanyang sarili. Sa mga post ni Sofia sa IG, makikitang rumarampa siya sa famous Madame Tussauds wax museum at sa Chinatown Street Market ng Singapore.

Photos: @sofiapablo

Imbes na magkaroon ng malaking party, lumipad si Sofia to Singapore bilang regalo niya para sa kanyang sarili. Sa mga post ni Sofia sa IG, makikitang rumarampa siya sa famous Madame Tussauds wax museum at sa Chinatown Street Market ng Singapore.

Simple lang ang naging celebration ng Sparkle teenstar na si Sofia Pablo when she turned 17 last April 10.

Sinimulan ni Sofia ang preparation for her 17th birthday sa pamamagitan ng isang stylish photoshoot last April 5 kunsaan all-white ang theme.

Sa ipinost niyang reel sa Instagram, inilagay niya ang hashtag na #SofiaAtSeventeen. Naglagay din siya ng mga captions tulad ng "kinda sweet, kinda savage", "born to slay", "I define me", and "young and sweet, only seventeen."

 


Ang kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay ay binati siya at niyaya siya para sa isang special date: “Happy Birthday Aki! Date tayo pag balik mo ah!!!”

Nag-reply naman si Sofia ng: “'Yung first pic!! HAHAHA thank you Aki ko! oo tara!”

Bukod kay Allen, nakatanggap din ng birthday greetings si Sofia mula sa kanyang co-stars sa natapos niyang teleserye na Luv Is: Caught In His Arms na sina Michael Sager, Sean Lucas, and Raheel Bhyria. Binati rin siya ng ilang Kapuso stars na sina Therese Malvar, Jo Berry and Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Nagpasalamat naman si Sofia sa lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan with a message sa kanyang IG: "Before this day ends, I just wanna say thank you for all the birthday greetings! Mahal ko kayo."


Imbes na magkaroon ng malaking party, lumipad si Sofia to Singapore bilang regalo niya para sa kanyang sarili.

Sa mga post ni Sofia sa IG, makikitang rumarampa siya sa famous Madame Tussauds wax museum at sa Chinatown Street Market ng Singapore. 

Caption pa niya: "my Chinese blood is enjoying Chinatown!"

 

 


Mapapanood soon ang loveteam nila Sofia at Allen na AlFia or Team Jolly sa bagong digital series ng GMA Public Affairs titled In My Dreams. Kuwento ito ni Sari na isang business student at NBSB (No Boyfriend Since Birth) at naiba ang lahat nang makilala niya si Jecoy na nagbigay-kulay sa kanyang mundo.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sofia Pablo admits she and Allen Ansay are already in "MU" status; also says: "Sabi po ng Mama ni Allen [sa akin], 'Ikaw lang ang p'wedeng dyowain ni Allen!"

Sofia Pablo, proud sa achievement ni Jillian Ward kahit hindi sila "super duper close"; "I’m proud for the both of us.”

Sofia Pablo, Miguel Tanfelix, and Andrea Torres head pikapika’s Top 10 choices for the best Sparkle Halloween costumes

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.