Sofia Pablo, proud sa achievement ni Jillian Ward kahit hindi sila "super duper close"; "I’m proud for the both of us.”

Aminado si Sofia Pablo that she and former Prima Donnas co-star Jillian Ward never became close.  “Actually, kami po kasi ni Jillian, ever since, hindi po kami gano’n ka-jibe. Kumbaga, magkaiba po kami ng interest. There are issues, pero wala na po 'yon.  Hindi na rin namin siya napag-uusapan and for all of us, it’s all in the past. “And we’re all happy sa success namin and I’m also happy for her kahit na we never got to be besties."

Photos: @sofiapablo / @jillian / Anna Pingol

Aminado si Sofia Pablo that she and former Prima Donnas co-star Jillian Ward never became close. “Actually, kami po kasi ni Jillian, ever since, hindi po kami gano’n ka-jibe. Kumbaga, magkaiba po kami ng interest. There are issues, pero wala na po 'yon. Hindi na rin namin siya napag-uusapan and for all of us, it’s all in the past. “And we’re all happy sa success namin and I’m also happy for her kahit na we never got to be besties."

Level-up na kung tagurian ngayon ang isa sa mga cast members ng naging hit GMA afternoon prime series na Prima Donnas na si Sofia Pablo.

Kasama ng kanyang ka-loveteam na si Allen Ansay, pinagbibidahan nilang dalawa ang bagong GMA primetime series na Luv Is Caught In His Arms na isang collaboration with Wattpad Webtoon Studios.

Among the Prima Donnas cast, siya ang unang pinagkatiwalaan ng Kapuso Networks na magbida na agad sa primetime.

Nahingan ng reaction si Sofia ang tungkol dito sa ginanap na mediacon ng Luv Is Caught In His Arms noong January 11 sa GMA Annex Studio.

At aniya, wala naman daw nagbago sa kanilang ng mga dating ka-trabaho.

“Kami naman po ng Prima Donnas co-stars ko, gano’n pa rin naman po kapag magkikita kami, nagbabatian. And si Elijah (Alejo), nag-congrats ako sa kanya kasi, sabay kami na mag-e-airing, Underage [show niya].

(Ang mga tinutukoy niyang Prima Donnas co-stars ay sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Elijah Alejo.)

“Hayun po, hindi ko na rin po sila mawawala sa puso at isip ko kasi, 'yon ang show na naipakita ko po na kaya ko pala. Prima Donnas naman po, nasa puso ko na po siya, forever and ever,” saad pa ng bagets.

Si Sofia kasi ang pinakabata sa kanilang apat sa Prima Donnas (she's only 17), pero heto't sya ang unang naka-tuntong sa primetime at bida pa.

“Of course, grateful din po pero para sa amin naman po kasi, ang mahalaga po sa aming lahat, kaming apat, including Elijah, lahat kami may trabaho. 

“Lahat po ng projects namin ay magaganda. Merong doctor [Jillian Ward in Abot Kamay na Pangarap], merong  back-to-back na Arabella [Althea Ablan], meron din naman Underage. So, I’m proud for all of us. After po ng Prima Donnas, nandito na kaming lahat at napatunayan namin na kaya naming maging next-generation type [of artists].”

Kinumusta rin namin kay Sofia si Jillian Ward. Inalam namin kung nagpahatid din ba ng pagbati sa kanya ang aktres ngayong may bago siyang serye at sa primetime pa nga.

Dito na inamin ni Sofia na sa kanilang lahat, hindi raw talaga sila masyadong close ni Jillian.

“Actually, kami po kasi ni Jillian, ever since, hindi po kami gano’n ka-jibe. Kumbaga, magkaiba po kami ng interest. There are issues, pero wala na po 'yon.  Hindi na rin namin siya napag-uusapan and for all of us, it’s all in the past.

“And we’re all happy sa success namin and I’m also happy for her kahit na we never got to be besties, pero happy ako dahil isa siya sa mga artista na nakatulong sa akin...na tatlo kaming magkakapatid [sa Prima Donnas].”

“And we know that Jillian is a big star and I’m really proud of her," dagdag pa niya. "And even if hindi kami gano’n ka-super duper close and may issue, I’m proud for the both of us.”

Matatandaang na-involve sa social media parinigan ang dalawang bagets noong 2020 at bagama't hindi napatunayan ay naakusahang binu-bully umano ni Jillian ang mas nakababatang si Sofia.

Samantala, matagal na ring nagawa nina Sofia at Allen na kilala sa kanilang loveteam as “Team Jolly” ang Luv Is Caught in His Arms. At sa Lunes, January 16, pa lang ito magpa-pilot. Dahil dito, aminado ang aktres na kinabahan siya sa magiging kapalaran ng kanilang show.

“S'yempre, I’m really thankful po na pinagkatiwalaan na kami ni Allen for a primetime series. Thank you po Ms. Helen (Sese), Ms. Cheryl (Ching-Sy), Ms. Lilybeth (Rasonable) at sa lahat po ng mga bosses na binigay po sa amin ang projects na 'to.

"Pero no'ng medyo matagal at wala pang balita sa airing, napapa-isip ako, 'Bakit kaya? May problema kaya?'"

Nakahinga na raw siya nang maluwag nang ibalita sa kanyang may time slot at airing date na ito at primetime pa nga.

Samantala, pinaghandaan daw maige ni Sofia ang serye sa pamamagitan ng pag-aaral na ng pagluluto. Isang mahusay na chef-to-be kasi ang karakter na ginagagampanan niya.

“Nag-aral po akong magluto online, kasi in real-life, hindi naman ako gano’n ka-expert. Pero sabi ko, gusto kong maibigay ang best ko. Kaya 'yung mga cooking scenes, ako po talaga 'yon, wow,” natatawang k'wento niya.

Aminado naman si Sofia na dahil bida na nga sila sa primetime series, may pressure raw talaga itong kasama.

“Opo, may pressure po,” pag-amin niya.

“Kasi po from Start-Up na sina Ms. Bea Alonzo at si Kuya Alden Richards, and now, Mano Po—sila Ms. Aiko (Melendez), Ms. Beauty (Gonzalez) and now kami naman nina Allen...ang saya-saya po namin pero may halong pressure kasi,  ‘Kaya na ba natin, ‘to?’  Makakakapagpakilig pa ba tayo ng gano’ng karaming tao kung gaano magpakilig sina Ms. Bea at Kuya Alden?

“So, 'yun po, very thankful and I hope na makapagpakilig kami ng bonggang-bongga.”

At kung meron daw bagong nadiskubre ngayon si Sofia sa kanyang ka-loveteam na si Allen (na tila reel at real na), ito ay ang pagiging bihasa na nito sa pagsasalita ng English.

“Kasi, noong nakilala ko po si Allen, very promdi siya. Noong nakilala ko po siya, parang nahihiya siyang mag-English.  Kinakausap ko po siya ng english kapag off-cam. Sasabihin niya, ‘Ano ang ibig sabihin no’n?’

“Noong binigay po sa amin ang role, medyo kinabahan din naman po ako kasi, 'Paano si Allen?' Pero natuwa po ako na noong nagpa-practice kami ng script, talagang word by word, nakikita ko na talagang nagpa-practice siya sa YouTube kung paano ang pronunciation ng word and every time, bago kami mag-take, tinatanong niya kung 'Tama ba ang pronunciation ko?'

“So, natuwa ako kasi ngayon, mas nakakapag-English na siya,” tila nanunuksong saad niya.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.