Handa na raw ang lahat para sa 18th birthday celebration ng Sparkle teen star na si Sofia Pablo this coming Saturday, April 20 sa Raffles Hotel in Makati City.
Ang theme ng debut ni Sofia ay Hawaiian Tropical Paradise at naging hands-on siya sa preparations nito since February.
Mula raw sa kanyang isusuot, disenyo ng venue, at pati na rin sa ihahandang mga pagkain.
Hiling ng debutante na maging kumportable ang kanyang mga iimbitahan at hindi rin siya ma-stress sa kanyang sariling party.
“Lahat po talagang dine-detail ko. Then 'yung guest list, ako po 'yung nag-RSVP nu'n with the help of team Labelle. Lahat po na nagko-confirm sa akin, tina-type ko talaga," k'wento ng excited na si Sofia during her pre-debut media conference na ginanap sa pool area ng Citadines Roces in Quezon City noong April 17.
"Then, ako rin po ang nag-ayos ng table arrangement, then 'yung music, may revision, pinapakinggan ko siya. Then, lahat ng lineup, inayos ko po talaga.
"Like, everything is basically me. Hindi po 'yung, 'Kayo na ang bahala, okay na yan.' Even po 'yung food, ako rin ang namili na, 'Ito, bagay ito sa theme.' Ganu'n po.
“Inaayos ko po 'yung tropical flowers...Kasi very hands on po ako, like, ilang revisions 'yung pinagawa ko du'n sa final mix ng flowers, kasi gusto ko talaga fun for the guests din.
Dagdag pa niya kung bakit Hawaiian ang napili niyang theme: “Malapit po ang heart ko sa dagat. Hindi rin po ako fan ng ball gown. Gusto ko lang po talaga comfy even for the guests.
“Hindi rin ako magpe-perform. Mag-enjoy lang po talaga. Kung ano 'yung shortest program na kaya para lahat makapag-enjoy na after,” patuloy ni Sofia.
Imbes nga raw na 18 roses, 18 tropical flowers ang ihahandog sa kanya ng labing-walong lalaki na naging malapit sa puso niya.
And instead of the traditional debutante dance, iba’t ibang TikTok dances daw ang gagawin nila.
“There will be different types of flowers. Lahat po na 18 tropical flowers na boys, they have their own songs ng TikTok.
“So, in a way, it’s special to me kasi they chose their songs na parang 'yung friendship namin ay nag-symbolize du'n. So, I’m very excited,” ngiti pa ng tinaguriang Next Gen Leading Lady ng GMA.
Sa 18 Candles naman, kasama rito sina Carla Abellana, Ysabel Ortega, Katrina Halili at ilang close friends niya sa afternoon drama series na Prima Donnas.
Noong April 10 pa nag-turn 18 si Sofia at sinalubong niya ito sa set ng top-rating GMA weekly sitcom na Open 24/7.
“Sinalubong ko po 'yung birthday ko with the cast of Open 24/7 kasi may taping kami .
"Nu'ng afternoon ng birthday ko, I had lunch with my father and 'yung family ko po sa side ng father ko. Then dinner, nag-samgyup lang ako with Mommy and Aki (Allen Ansay),” sey ni Sofia.
Nabigyan din si Sofia ng advanced birthday celebration last April 7 sa All-Out Sundays kunsaan sinabi ng kanyang ka-loveteam na si Allen ang birthday wish niya para rito.
“Ako naman, tulad ng lagi kong sinasabi sa'yo ang wish ko lang talaga is maging happy ka. Many times ko nang sinabi sa'yo, deserve mong maging masaya. At katulad nang sinabi ko kanina, kahit ano'ng mangyari nandito lang ako lagi para sa'yo,” sey ni Allen na niregaluhan si Sofia ng 200 stems of roses.
Nasa social media na ang naging pre-debut shoot ni Sofia na ginanap sa Fulong Beach in Taipei, Taiwan.
Si Sofia ang naging creative director ng kanyang shoot sa tulong ng kanyang stylist na si AJ Javier at ng Nice Print Photo.
"Exploring Taipei followed by her official debut hashtag, #SofiasTropicalJourneyTo18,” caption ng Nice Print sa IG.
At bilang regalo para sa kanyang sarili, bumili si Sofia ng brand-new car na nagkakahalaga ng isang milyong piso. Ito raw ang first big-girl purchase ni Sofia na ilang beses daw niyang pinag-isipang bilhin.
On IG, pinost niya ang kanyang special gift sa sarili na may caption na: “Passenger princess era almost over. Happy birthday indeed.”
Mag-aaral na raw mag-drive si Sofia dahil nasa legal age na siya at isang paraan daw ito para maging independent na siya.
“It’s one of my wishes na maging independent, meaning I will take on more responsibilities.
“Simula pa po noong bata ako, lagi akong naka-depend kay Mommy. This time, I will do more and gusto kong maging relaxed na lang si Mommy. Ako na 'yung driver at passenger naman siya,” sey ni Sofia na isang bagong bahay naman ang susunod na pag-iipunan.
Pagkatapos ng mga pinagbidahan nilang projects ni Allen sa GMA na Prima Donnas: Book 2, Luv Is: Caught In His Arms, Raya Sirena, Daig Kayo Ng Lola Ko, In My Dreams at Sparkle U #Ghosted, naghahanda na ang Team Jolly na magbida sa bagong teleserye na may title na Prinsesa Ng City Jail.
Ito raw ang first mature teleserye ng dalawa at makakasama nila sina Beauty Gonzalez, Dominic Ochoa, Will Ashley, Al Tantay, Ayen Laurel, Ina Feleo, Radson Flores, Keempee de Leon, Joyce Ching at marami pang iba. Mula ito sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.
Kukunan nga raw ang serye sa loob mismo ng isang city jail kunsaan gaganap si Sofia bilang si Princess na lumaki sa loob ng city jail at tutulungan siya ng isang inmate na si Xavier (Allen Ansay) para hanapin ang tunay niyang pamilya.
“Excited ako na ma-experience 'yung kung paano mag-taping sa loob ng kulungan kasi it's something new and hindi lahat nae-experience po 'yun," sey ni Sofia sa magandang regalo sa kanya ng GMA.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika's Pick: Sofia Pablo is now back to school as a senior high school student
Sofia Pablo, trip to Singapore ang birthday gift sa sarili; makikipag-date kay Allen Ansay pag balik
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber