Single na si Martin Del Rosario, ayaw ng girlfriend na taga-showbiz: "Napapraning ako kapag may showbiz na love life."

PHOTOS: @martinmiguelmdelrosario on Instagram

PHOTOS: @martinmiguelmdelrosario on Instagram

Balik-trabaho na ang award-winning Kapuso actor na si Martin Del Rosario matapos ang mahabang lockdown due to the coronavirus disease [COVID-19] pandemic. 

Sa online show na Tonight With Allan D hosted by showbiz writer Allan Diones last September 26, kung saan naka-reunion ni Martin virtually ang kanyang mga The Panti Sisters co-stars na sina Paolo Ballesteros at Christian Bables, nagk'wento ang aktor ng mga ganap n'ya sa buhay ngayong balik-trabaho na s'ya. 

Katapos lang daw ng taping n'ya for GMA drama anthology na Magpakailanman few days ago kung saan nakakapanibago daw sa set dahil nga may mga safety protocols na kailangang sundin.

"Nakakapanibago kasi konti lang kami [sa set]," k'wento ni Martin kay Allan. "Tapos sa lahat ng department nabawasan ng tao so sa buong set 50 lang kami. Tapos 'pag nagre-rehearsal naka-mask. Parang ang hirap pa mag-adjust pero still nairaos namin.

Bukod pa dito, may nakalatag na daw na big teleserye si Martin pero hindi muna s'ya nagbigay ng detalye tungkol dito. Pero ang tiyak daw ay magiging lock-in taping ang ganap nila. 

"Sa teleserye [naka-lock-in taping]. Doon sa upcoming... May gagawin akong teleserye. 'Yun 'yong ila-lock-in daw kami. 

"Pero 'yong mga episode-episode lang naman tulad ng Magpakailanman, hindi na. Parang ipapa-swab [test] lang kami before, tapos 'pag nag-negative kami [sa coronavirus], p'wede na kami mag-taping.

"Secret pa po [ang teleserye]. Basta malaking soap [opera] po. Basta bawal pa po [ipamalita ang detalye].

Noong quarantine period naman, para daw ma-maintain ang kanyang katawan, ibinuhos ng aktor ang kanyang oras sa pagwo-workout. 

"Ano lang po, disiplina. Tsaka 'yong pagkain..." sey ni Martin. "Itong quarantine nagtaka nga ako dahil naging mas disiplinado ako, 'yong utak ko mas naka-focus.”

Dagdag pa n'ya: "Tsaka wala akong ginagawa kundi mag-workout nang mag-workout. S'yempre hindi pa rin nagsa-start ng taping naman [that time] so, ayon lang po. Workout lang nang workout everyday."

Hindi naman daw kasi mahilig sa gimikan at barkada ang aktor. Katunayan, wala nga daw s'ya gaanong ka-close sa showbiz. 

"Marami akong friends," paliwanag n'ya. "Usually, 'yong mga nakakasama ko sa taping sila 'yong nagiging friends ko. Pero kapag natapos na 'yong taping... 

"Kasi kung tanungin n'yo sina Pao at Christian, 'di ba tahimik lang ako? Hindi naman ako masyado nagsasalita talaga. 

"Hindi naman sa hindi ako friendly pero hindi rin po ako sumasama-sama sa mga grupo-grupo. Pero marami akong friends sa showbiz hindi lang siguro 'yong barkada."

Ilan daw sa mga naging close friends n'ya ngayon ay ang mga nakasama n'ya sa GMA teleserye na The Gift

"Actually, naging close kami nina Alden, nina Mikee Quintos. Actually, 'yong buong cast," pagbabahagi ni Martin. "Ang saya namin. 'Yon nga lang nu'ng natapos na 'yong show... S'yempre, may kanya-kanya na ulit kaming mga trabaho kaya hindi na nasundan ang bonding. Pero kapag nagkasalubong naman sa GMA, close pa rin [kami]."

Isa pa sa natanong kay Martin ay ang current status ng kanyang love life. 

"Wala. Tagal na. Walang love life," pag-amin ng 27-year-old actor sa show. "Parang more than... Magtu-two years na."

Non-showbiz daw ang huli n'yang naging girlfriend at ayaw daw n'ya magkaroon ng karelasyon na mula sa entertainment industry.

"Wala po akong naging girlfriend na showbiz po," paglalahad ni Martin. "Napapraning ako kapag may showbiz na love life. Parang pakiramdam ko naka-magnifying glass. Ganu'n."

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Cristine Reyes on her daughter Amarah: "Gusto ko lumaki s'ya kabaliktaran kung paano ako lumaki."

Kakai Bautista, binalikan ang “traumatized” episode ng buhay niya with Ahron Villena at kung paano sila nagkabati nito

Pika's Pick: Marian Rivera to make theater debut in Tanghalang Ateneo play Oedipus Rex

Pika's Pick: Angel Locsin alerts followers regarding fake news about her running for a Senate seat

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.