Sila Ay Akin actor Victor Relosa, iniwan ng mga magulang at namuhay mag-isa mula dose anyos siya

Maaga raw natutong dumiskarte sa buhay ang binatang aktor na si Victor Relosa para maitawid ang independent life n'ya mula dose anyos siya tulad ng pagtitinda ng mga kakanin sa school, pag-diskarte sa mga computer games, pagwe-waiter, hanggang sa naging call center agent din. This year, natupad na ang matagal na niyang pangarap na maging isang ganap na artista sa pelikula.

PHOTO: @vr.relosa.5 on Facebook

Maaga raw natutong dumiskarte sa buhay ang binatang aktor na si Victor Relosa para maitawid ang independent life n'ya mula dose anyos siya tulad ng pagtitinda ng mga kakanin sa school, pag-diskarte sa mga computer games, pagwe-waiter, hanggang sa naging call center agent din. This year, natupad na ang matagal na niyang pangarap na maging isang ganap na artista sa pelikula.

Bata palang pala ay natuto nang mamuhay mag-isa ang showbiz newbie at Viva actor na si Victor Relosa.

An only child, dose anyos palang daw kasi siya nang iwan siya ng mga magulang niya dahil may kanya-kanya na itong ibang pamilya.

Iyan ang ikunuwento n’ya sa amin kahapon right after ng media conference nila for their upcoming Vivamax movie Sila Ay Akin. During the press conference kasi ay inamin niyang nahirapan siya sa mga dramatic scenes involving his on-screen family. Tila wala raw kasi siyang mapaghugutan.

"Sabi nga ni Direk, 'Ano ka ba, wala ka bang pamilya?' Hindi naman niya kasi alam. Later ko na lang nak’wento sa kanya."

Dahil doon ay na-curious kami kaya inupo namin siya para mas ipa-detalye pa ang kanyang malungkot na kabataan.

Dito na n’ya inilahad sa amin na dose anyos nga s’ya  noong iniwan siyang mag-isa ng kanyang ama't ina,

“Tweve [years old] po, mag-isa na lang po ako sa bahay. At 12, ako na po lahat. Ako na lahat po ang gumagawa ng mga gawain bahay, bumubuhay sa sarili ko,” pagbabahagi ni Victor.

Hindi naman daw s’ya totally pinabayaan ng kanyang nanay nang mga panahong iyon. Pero hindi na umano n’ya ito kasama sa bahay.

“Although, financially, si mama pa rin naman ’yong nagbabayad ng bahay, so hindi naman ako ganu’n ka-struggle sa finances,” saad ng aktor.

“Pero s’yempre, mahirap pa rin kasi bahay lang o kaya allowance [ang sagot niya]. Mga project sa school, lahat ’yon ako na. Tapos academic achiever din po ako noon, e. So mas maraming extracurricular, mas maraming gastos, mas maraming ginagawa,” pagpapatuloy n’ya.

At para magkaroon daw ng ekstrang pera, naranasan umano n’ya noon na dumiskarte sa buhay.

Mahirap talaga [mag-isa]. Naranasan kong magbenta ng mga hotdog sa school, kutsinta, mga ganun,” pagbabalik-tanaw pa ni Victor.

"And then, sa computer games din, naglalaro ako. Sa computer games kasi pag magaling ka puwede s'yang pagkakitaan e. Ganu’n po," dugtong pa niya. 

“And then at 17, nag-apply ako na waiter sa isang maliit na restaurant. And as soon as I turned 18, nu’ng mismong birthday ko, nag-apply ako sa call center. Birthday na birthday ko nag-apply po ako sa call center. Tapos ayon, nakuha po ako. Tapos ayon, okay na okay na po ako.”

Pero dahil hindi n’ya nabanggit kung nasaan ang kanyang ama kaya naitanong namin ito sa kanya. 

May kanya-kanya po kasi silang family. Hindi ko na rin sila ginulo,” pagtatapat ni Victor.

Pero agad na paglilinaw n’ya, hindi raw siya galit sa mga magulang niya.

“Okay na ako na masaya na sila. So, hindi ko na sila ginulo and kinulit na suportahan ako. At 12, kaya ko naman na...nakaya naman."

Pero giit namin, masyado pa ring mura ang edad niyang iyon para magsolo sa buhay.

Naiwan ako sa mother's side siguro ng mga eight [years old]. And then, nu’ng 12 [na ako], hindi na rin umuuwi si mama. So, mag-isa na po talaga ako nu’ng 12 ako,” pag-uulit pa ng aktor.

Isa pa umano sa nagpahirap sa kanya noong mga panahong iyon ay wala raw s’yang kapatid na puwedeng karamay o kilalang kamag-anak na p’wede n’yang malapitan o makasama.

Lumaki po akong walang relatives, parents ko lang. Kasi may issue ’yong mga family nila so nilayo nila ako doon. So, lumaki akong walang kilalang iba bukod sa parents ko,” lahad n’ya.

“So, nu’ng nag-separate sila, wala talaga akong malapitan. Siguro it took me...mga 16 or 17 ako nu’ng ma-meet ko ’yong ibang tita ko. Hinanap ko sila sa Facebook."

At present, open naman daw ang communication n’ya with his parents at masaya naman daw siya na happy ang mga ito sa kani-kanilang pamilya. 

May contact naman but siguro mga once or twice a year lang kami nag-uusap. Pag birthday, ganyan. Hindi naman na-restore ’yong relationship pero masaya naman ako para sa kanila and I think masaya naman sila para sa akin,” he shared. 

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noong kanyang kabataan, never daw siyang nagtanim ng galit sa kanyang mga magulang.

"If you mean po hatred or ano, wala naman. Wala po akong galit sa kanila. Parang I understand naman kung bakit nangyari 'yon," aniya.

Pero siyempre, nakakaramdam daw siya ng lungkot noong nag-aaral pa siya dahil wala siyang kasamang parents tuwing family day. 

"Of course, nandu’n ’yong ano, e, nakakalungkot kapag family day sa school. Ikaw lang 'yong walang parents. Nakakalungkot 'yon," pag-amin ng binata.

"Saka noon, ayokong-ayokong nakakapanood ng mga pelikulang may family scene—kahit horror! 'Yong kunyari yong bata, niyakap ng tatay? Naiiyak talaga ako.

"Nu'ng tumatagal, na-realize ko na, somehow, s'werte pa rin naman ako kasi naturuan nila ako at the early age kung paano mabuhay," pagbabahagi niya.

Kami ang nag-protesta. 

"Paano ka tuturuan, e, wala nga sila?"

"Ewan ko. Basta para sa akin pinili ko na lang na ganu'n s'ya tignan, na parang nu'ng iniwan nila ako, somehow, kaya ko na talaga at 12 na tumayo mag-isa," he went on. 

When asked kung humingi ba ng tawad sa kanya at all ang nanay at tatay niya...

"'Yong tatay ko po, nagkita kami no'ng namatay ang lola ko. Sabi lang niya, 'Pasenya ka na kung napabayaan kita.' Ang nanay ko po, wala po. Hindi po na-verbalize."

Sadly, hindi na raw siya nakatapos ng kolehiyo. Marketing o business administration daw sana ang kukunin niyang kurso kung sakali.

Dahil sa mga pinadaanan niya na kung tutuusin ay malungkot at masakit, natanong namin si Victor kung saan nanggagaling ang pagiging positibo niya sa buhay. 

"Ano naman po kasi, lumaki naman po ako sa church so may emotional support naman akong nakukuha sa ibang tao," sagot niya.

"Bale sa community, meron kaming grupo sa church. Nagba-bible reading, tumutulong pag may misa. Sila ang parang family ko. Kaya nga sabi ko, ngayon nagbi-Vivamax ako. Haha! 'Yong iba, ayaw nila. Pero marami namang nakaka-intindi. Alam nila na bata palang ako, gusto ko nang mag-artista."

"Five years old pa lang ako nag-audition na ako," patuloy na pagbabalik-tanaw niya. "Starstruck Kids Batch 1 ang una kong audition. I was five years old and hindi naman ako tumigil mangarap."

Pero nang kinapos na siya sa budget papunta sa mga auditions ay naging aktibo na lang daw siya sa performing arts sa school.

"Since, ’yon nga, independent ako, wala akong pang-finance for audition so nag-focus ako sa schools, ’yong mga theater, mga declamation. Hilig ko po talaga ang acting since bata pa ako," diin niya.

Nagbunga naman ang pagtitiyaga ni Victor dahil dinala siya ng kapalaran sa showbiz at napadpad sa Viva.

"'Yong sa showbiz, nakapasok po ako this year lang po talaga. February po ako nag-start tas nagtuloy-tuloy naman po," saad niya. "May movie po akong nasalihan na bale binili ng Viva. Hanggang sa kinukuha na nila ako."

Mapapanood si Victor, kasama si Vince Rillon, at ang mga diyosa ng Vivamax na Angeli Khang at Azi Acosta, sa pelikula ni Direk Mac Alejandre na Sila Ay Akin starting October 27.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.