Sigalot sa pagitan nina Janno Gibbs at Kitkat Favia, lumala

PHOTOS: @jannolategibbs & @favkitkat on Instagram

PHOTOS: @jannolategibbs & @favkitkat on Instagram

Tila patuloy na lumalaki ang gulo sa pagitan ng Happy Time co-hosts na sina Janno Gibbs at Kitkat Favia

Nag-ugat umano ang sigalot sa pagitan nila sa taping ng noontime show nila na Happy Time, na umeere sa Net25, noong February 18 kung saan reportedly ay nagka-initan daw ang dalawa. 

Base sa mga naglabasang report, napikon daw at minura ni Janno ang kanyang female co-host habang nagti-tape sila ng segment na “Kantanungan” at nasaksihan daw ‘yon ng mga taong present sa studio. 

Nag-walk out din daw ang 51-year-old singer-comedian matapos nitong ibato ang hawak niyong microphone. 

Wala naman daw noon ang isa pa nilang co-host na si Anjo Yllana kaya naiwan sa pagho-host mag-isa si Kitkat. 

Bugso ng galit, agad na nagpost ng kanyang damdamin si Kitkat sa Facebook noong February 19 pagkauwi n’ya galing taping. 

Narito ang laman ng post ni Kitkat na agad din niyang dinelete. 

“Galit na galit pamilya ko! Lalo ang tatay at asawa ko P€%€·$i*¥ mo din daw! Magharap daw kayo! Kahit kelan wala kang B&?!#G

“Buong mundo suklam na suklam sayo pati sa ginawa mo sa pamilya mo!

“Ngayon pati AKO at pamilya ko damay sa saltik mo! Di kita mapapatawad!

“Bigla kang pipitik ng duro duro pagwawala at pagmumura sa gtao at magwawala? Adik ka???! Sabagay ang lamig lamig lagi ka pawis!

“Kung di ka G@*O ung ginawa mo magagawa mo ba sa asawa mo or pamilya mo?

“At kalalaki mong tao manduduro, maghahamon at magmumura ka sa babae??! wala ka talagang B&$@G!”

SCREENSHOT: @kitkat.favia on Facebook

Agad namang namagitan ang mga taga-Net25 para pag-ayusin sila. 

Payapa na sana ang lahat pero hindi ikinatuwa ni Janno ang panibagong FB post ni Kitkat kahapon February 23, saying in gist, na pinatawad na umano niya ang kanyang “Kuya Janno.”

“Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo..” panimula ng singer-comediene sa kanyang FB post kahapon.

“Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY NAKAPAG PATAWAD NA! sino ba naman ako para hindi magpatawad, ang DYOS pinatawad ako sa mga kasalanan ko , nararapat lamang na ako ay magpatawad... makakagaan sa aking buhay at loob... 

“Opo sa lahat ng nangyari ,,, totoo po lahat yun, pero again AKO PO AY NAGPAPATAWAD NA ... thank YOU LORD for the strength,” pagtatapos n’ya. 

 

Maraming salamat sa suporta at pagmamahal ninyo.. Dahil ako po ay minamahal ninyo at alam kong blessed ako, AKO PO AY...

Posted by Kitkat Kitkat Kitkat on Tuesday, February 23, 2021

However, binuweltahan s’ya ng nakaalitang si Janno sa kanyang FB post ilang oras matapos silang magkabati.

Ani Janno, nagpakumbaba na daw s’ya at humingi ng tawad pero may pahaging na naman daw sa kanya ang kanyang co-host. 

Moreover, tila lumalabas daw na wala man lang pagkukulang sa Kitkat sa pangyayari at tanging siya lang ang may sala gayong he was “provoked” umano.

“Nagpakumbaba napo ako,” panimula ni Janno sa kanyang post. “Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad,kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat. I was provoked.Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio.”

Inakala daw ni Janno na okey na sila pero heto at may panibagong post daw si Kitkat na bagamat wala itong pinapangalanan ay s’ya daw ang pinupuntirya nito. 

“Pinag-ayos napo kami kanina,” k’wento n’ya sa kanyang FB post. “Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya.Pinalalabas na wala siyang kasalanan.”

Sa pagkakataong ito ay kailangan na daw n’yang rumesbak at ipagtanggol ang kanyang sarili at pamilya na nadadamay sa gulo nila ni Kitkat. 

“Hindi ko napo kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan,” pagtatapos ni Janno. 

 

Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad,kahit...

Posted by Janno Gibbs on Tuesday, February 23, 2021

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ian Veneracion, pinasinungalingang hiwalay na sa asawa; bwelta sa mga nang-iintriga: “I don’t need to defend myself from the lies of perverts.”

Kristoffer Martin at ex-girlfriend na si AC Banzon, nagkabangayan sa Twitter

Ogie Diaz, nilinaw na walang "personal na galit" kay Cong. Alfred Vargas

Aiko Melendez, aminadong bwisit—pero hindi galit— sa ex-husband na si Jomari Yllana

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.