Ang pagiging patas daw ang dahilan kaya pumapayag na mag-frontal nudity sa movie ang versatile and 2023 FAMAS best supporting actor awardee na si Sid Lucero.
Sinabi n’ya ’yan sa virtual tsikahan nila ng veteran showbiz news writer and host na si Cristy Fermin at ka-tandem nitong si Romel Chika kahapon, August 16, sa radio and online show na Cristy Ferminute.
Natanong kasi sa programa ang aktor kung pina-practice ba muna nila ng co-actor n’ya ang mainit na eksena bago ito kunan o kung diretso take na sila.
“Depende po sa direktor kung paano po nila idi-direk ’yong eksena,” sagot ni Sid.
Iba-iba raw kasi ang style ng bawat direktor.
“Minsan simple lang. Ang sasabihin lang ng direktor is movement lang, blocking. Kailangan ng direktor dito, tapos dadaan sa kama, tapos kailangang tumihaya… Hindi naman namin ginagawa ng rehearsal pero pag-uusapan namin,” pagbabahagi pa n’ya.
Importante raw kasi na swak sila ng sino mang ka-love scene n’ya lalo na kung meron silang mga hindi dapat ipakita sa camera.
“At kailangan naming pag-usapan nu’ng [ka-partner kong] artista kasi may mga kailangan kaming itago, kung ano mang restrictions nu’ng babae o nu’ng sinumang artista,” saad pa n’ya.
“’Yong plaster o ’yong ‘medyas’... kailangan naming itago ’yon, e. Kunwari, iikot kami sa kama, hindi p’wedeng hindi kami sync. Para s’yang sayaw,” pagkukumpara ng aktor.
Kasunod nito ay nahingi na ang reaksyon n’ya sa sinasabi ng mga tao na meron umano s’yang “malaking maipagmamalaki.”
Natawa na lang si Sid dito at sinabing, “I’m a grower, not a shower. Hahaha!”
Kung matatandaan kasi, matapang na ipinasilip ng aktor ang kanyang pagkalalaki sa Vivamax movie na Virgin Forest noong June 2022.
Naa-appreciate naman daw ng mahusay na aktor na “nabibigyang halaga” ang ino-offer n’ya sa ginagawa n’yang pelikula.
“Nakakatuwa s’ya. Nakakatawa rin,” natatawang pag-amin ni Sid.
Nagiging game lang naman umano s’ya sa frontal nudity kung naramdaman n’yang kailangan ’yon sa eksena kahit na hindi ito nakalagay sa script o hinihingi ng direktor.
“Pag ginagawa ko kasi ’yong mga ganu’ng bagay, kung magde-decide ako kung magpo-full frontal [nudity] ako, nasa feeling ko na lang. Hindi na s’ya hinihingi or anything,” he said.
Gusto rin daw n’ya maging fair sa kanyang mga co-stars na babae na nagpapakita naman ng kanilang mga dibdib sa eksena.
“At saka, I guess, I feel safe pag ginagawa ko ’yon. Hindi talaga ako nahihiya lalo na since I’m working with mga babae,’di ba? Sa kanila pinapakita ’yong taas. E, ang sexualized sa babae is the breast, pinapakita sa big cinema,” paliwanag ni Sid.
“E, pag ako nag-topless, lugi [ang mga babae]. Like I said I’m being sport so kung sila nag-aalangan [na maghubad, p’wede ko sabihin], ‘Paano ka pa mahihiya? Ako nga wala nang suot, ano ba?’ ’Di ba?” dagdag pa n’ya.
Ibinibigay naman daw n’ya ang freedom sa mga manonood kung ano ang gusto nilang maramdaman kapag napanood nila ang kanyang ginawa sa movie.
“Kung ano man ’yong reaksyon ng tao doon, bad or good, bahala na ’yan. Ganu’n ako gumawa ng pelikula,” pagtatapos n’ya.
Muling matutunghayan ang tapang ni Sid sa mga maiinit at mapangahas na eksena, pati na rin ang husay n’ya sa pag-arte, ngayong bibida s’ya sa pelikulang Kahalili.
Kasama n’ya rito sina Stephanie Raz, Victor Relosa, Mercedes Cabral, Millen Gal, at marami pang iba.
Available na for streaming ang Kahalili simula bukas, August 18, sa Vivamax.
Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.
Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.
You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.
Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).
Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.
YOU MAY ALSO LIKE:
Ayanna Misola, nabosohan si Sid Lucero; "May dragon akong nakita.”
Get to know more of the talented EIGENMANNS through SID LUCERO
Sid Lucero, ginawa palang tulay noon si Drew Arellano sa panliligaw niya kay Iya Villania
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber