Si Janine Gutierrez at ang mga peke sa online world

Photos: TBA Studios

Photos: TBA Studios

Very relatable ang lahat ng characters at instances sa pelikulang Dito at Doon na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos.

Ang Covid-19 pandemic lockdown ang mismong setting ng pelikula at nakapaloob sa k’wento ang lahat ng klase ng feelings of uncertainties na nararadaman ng sinuman sa mga panahong ito.

Pero dahil rom-com ang treatment, kaya’t magaan naman siyang panoorin—at least sa simula. Kaswalan ang pag-atake ng buong cast, especially nila Janine at JC, kaya sakay na sakay mo ang batuhan ng linya. May special participation pa ng Dalgona coffee at mga e-numan sesh. It’s a good representation of the time dahil na-mirror ng pelikula ang maraming lockdown realities na nangyayari talaga.

But it’s basically a “love story” between a ma-hanash na political science graduate na si Len (Janine) na makakatalakan online ang frontliner na si Caloy (JC) dahil opposing ang views nila sa mga social issues. Unknown to them, may common friends sila at magkikita sila sa isang e-numan sesh. From frenemies, magkakapalagayan sila ng loob at dito na sila magsisimulang maghatid ng kilig sa mga viewers.

In fairness, malakas ang onscreen chemistry nina Janine at JC. Masarap silang babaran ng tingin pag magka-eksena. It helps na ang huhusay din kasing umarte. Magagaling din ang support na sina Victor Anastacio at theater actress na si Yesh Burce bilang k’welang mag-dyowang taga-urot doon sa dalawa.

Type din namin ang naging atake ni Direk JP Habac (of I’m Drunk, I Love You fame) na “laruin” ang imahinasyon ng mga characters at gawing magkakasama sila sa eksena kahit “in reality” ay naka-video call lang sila. It helps for the film to not feel cold dahil binura ang elemento ng physical distance.

Pero sa huli, babalik at babalik ka sa realization na ang kausap mo ay malayo sa’yo. At magtatanong ka kung lahat ba ng pinagsamahan n’yo sa inyong constant online togetherness ay mata-translate ba sa labas nito?

And speaking of online, noong, March 28, ay nagkaroon ng online “premiere night” ang Dito at Doon at noon lang din napanood nang buo ng bidang si Janine Gutierrez ang pelikula. 

Right after ay napa-isip daw siya about the beauty and ugliness of the online world.

“Watching the movie yesterday, mare-realize mo na minsan mas madali magsinungaling online, diba? Whether it be a like white lie or saying na okey ka lang kung hindi ka talaga okay...parang mas madali siyang mailusot online,” pag-a-analyze ng Urian at Famas best actress awardee duriong the Zoom conference last March 29.

“And ’yon ’yong mahirap, e, kapag hindi ka din honest sa kausap mo. Parang do’n nagkakagulo-gulo yong communication. And I really feel like communication is everything, diba? Parang matagal rin bago ko natutunan na dapat sabihin mo talaga ’yong nararamdaman mo.

“And I think mas madali napepeke ’yon online kaya din minsan nagkakalabuan kapag online lang ’yong relationship n’yo.”

Kung naiintriga ka sa musing ni Janine, you can now catch Dito at Doon in the following major online platforms: KTX, Cinema76@Home, iWant TFC, Upstream, and Ticket2me.

Dito at Doon is produced by TBA Studios, in association with WASD Films.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Janine Gutierrez voices out against PH gov’t’s COVID-19 response: “Napaka-walang malasakit naman.”

Pika's Pick: Film director JP Habac reveals new movie in the works starring Janine Gutierrez and JC Santos

Sarah Lahbati, action ang gustong maging come-back movie

Kakai Bautista's camp responds to demand letter of Mario Maurer

Andrea Torres, aminadong may pinanghihinayangan sa taong 2020

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.