Sharon, pinaiyak si Tommy Esguerra

PHOTOS: Anna Pingol

PHOTOS: Anna Pingol

Kung tutuusin ay hindi first movie ng Pinoy Big Brother 737 Second Big Placer na si Tommy Esguerra ang Three Words to Forever, ang reunion movie ng tambalang Richard Gomez at Sharon Cuneta.

 

Nakalabas na siya sa Foolish Heart ng Regal Films last year at naging parte na rin siya ng teleseryeng Langit at Lupa ng ABS-CBN.

 

Pero tila tumatak nang husto sa kanya ng latest project na kinabibilangan niya dahil una, hindi naman basta-basta ang mga nakasama niya at markado kahit paano ang role niya dito bilang kasintahan ni Kathryn Bernardo.

 

But more than that, naging napakabuti raw ng trato sa kanya ng lahat ng co-stars niya dito particular na si Megastar Sharon, who treated him like a son daw. Tila ayaw pa ng model-turned actor na matapos na ang pelikula.

 

Kaya naman nang tanungin si Tommy sa presscon ng pelikula kamakailan—na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN—tungkol sa pagta-trabaho niyang kasama ng mga beterano ay hindi napigilan ng binatang laking-California ang mapaluha.

 

 

Agad namang tumayo si Sharon para yakapin ang binata na galing sa isang broken home at mag-isang hinaharap ang adulthood sa Pilipinas, malayo sa pamilya niyang nasa Amerika.

 

Nauna na rito ang pagsasabi ni Sharon na kung hindi lang masyado na itong matanda at 24 years old ay malamang inampon na niya ito.

 

Narito ang kabuuang video ng pagluha ni Tommy ng dahil kay megastar:

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.