Sharon, lagi daw may baong pangontra-demonyo

(Right Photo: Sharon [third from left] with her Kuwaresma family (L-R) newcomer Kent Gonzales, John Arcilla, and Kent’s real life sibling, Pam Gonzales.)

PHOTOS: Anna Pingol

(Right Photo: Sharon [third from left] with her Kuwaresma family (L-R) newcomer Kent Gonzales, John Arcilla, and Kent’s real life sibling, Pam Gonzales.)

Aminadong fan ng mga horror movies si Sharon Cuneta kaya na-excite siya nang i-offer sa kanya ang Kuwaresma na tungkol sa isang pamilyang plagued by demonic possessions.

Pero kahit alam niyang movie set lang ang pupuntahan niya, naniniwala si Sharon na may mga possibleng evil forces na p’wedeng sumabotahe, or worse, ay mang-harm sa kanila during the shoot.

Kaya bukod sa dasal, may baon daw lagi si Sharon ng mga Catholic medallions na pinaniniwalaang kontra-demonyo.

K’wento ng megastar: “Kasi Christian ako pero alam ko na sa dami ng documentaries and interviews na napapanood ko—kunyari when Melissa George was shooting with Ryan Reynolds ’yong sequel…parang re-make rather ng The Amityville Horror —ang dami daw nangyari sa set nila. 

“On YouTube there is an documentary on The Omen of Gregory Peck, ’yong original it’s called The Curse of the Omen na tinamaan ng kidlat ang eroplano ni Gregory Peck at ’yong isang… ibang eroplano ng producers. Parang sinusundan sila. 

“So ako, you know I was raised naman Catholic pero noong 1987 I became a Christian, but I still, you know I honor…it’s the same God diba? So, we all honor the same God. So, nagdala ako for everybody sa set ng ’yong cross tapos St. Benedict and St. Michael the Archangel na mga medals… pinamigay ko sa kanila kasi maraming Katolikong kasama pero ako basta magdadasal kami—me at saka ’yong team ko, ’yong aking talagang make-up artist, assistant—bago mag-shoot. Everyday yan nagdadasal kami for protection.”

It’s also a good thing na hindi raw tunay na haunted house ang pinag-shootingan nila gaya nang nakagawian nang gawing location set ng ibang horror movie makers. Kaya never daw silang nakaranas ng anumang kakatwang paramdam.

“Wala. Napakagaan pati noong bahay,” bulalas ni Sharon. “Actually pina-dilim namin, pinadilim lang sa pelikula pero gusto kong bilhin. Kaya lang mahal! Hahaha!”

Kung may maituturing man daw siya kakaiba ay ’yon ay ang pagba-buckle niya sa dialogues na tila may kumokontra. 

“Ang nahalata ko lang, meron akong isang eksena—s’yempre may evil forces obviously diba sa eksena—parang… hindi ako buma-buckle,e… bihira ako buma-buckle sa…parang hindi naman kahirapan ’yong dialogue nagba- buckle ako. 

“Sabi ko, ‘Sandali, Direk, sandali...’ Kasi ayaw na ayaw… kaya kino-curse ’yong sets ng horror movies—’yon ang pagkaka-intindi ko sa dami ng pinanood ko pati behind-the-scenes at documentaries? Ang YouTube ang dami niyan even the background of exorcisism…everything was there—ayaw kasi ng demonyo na pinag-uusapan siya kasi gusto niya bolahin ang tao…his biggest lie is that he doesn’t exist para maraming magkasala diba? 

“So, pag meron ganito ayaw niya yan. So, ako ’yon ang inaano ko…may protection lahat. Ayoko ng may aksidente kasi ’yong mga interviews na napapanood ko laging merong parang sinunsundan sila ng kung anu-anong malas.”

Even in her everyday life, naniniwala si Sharon that evil spirits do exist. Kaya nga raw bukod sa matatag na faith, kailangan din daw na matatag din ang will ng isang tao para talikuran ito.

“They’re just there, you know. Minsan ’yong parang ang saya- saya mo, papasok ka sa worship…pupunta kami biglang antok na antok na antok ako. Biglang magre-rebuke ako doon ng: ‘NO, I will watch my…’ biglang gising na gising na ako. Talagang merong kumukontra. So, eto I just prayed every single time bago mag-shooting nagdadasal kami.”

And it’s a good thing na natapos sila ng shooting na wala isang ispiritu na naglaro sa kanila.

“Ako? Takot lang nila. Hahaha!” natatawang biro pa ni Mega.

Incidentally, showing na bukas, May 15, ang Kuwaresma, ang first collab project ni Sharon at Direk Erik Matti under Dondon Monteverde’s Reality Entertainment productions.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

For Sharon, dream come true ang mag-horror film

Sharon, lagi daw may baong pangontra-demonyo

Sharon, na-trauma sa reunion movie with Gabby

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.