Sharon gave Regine a diamond ring after their duet

“It’s the most expensive gift I’ve ever given anyone,” say ni Sharon tungkol sa singsing na biglaan niyang hinubad at iniregalo, right there and then onstage, kay Regine.

PHOTOS: Anna Pingol

“It’s the most expensive gift I’ve ever given anyone,” say ni Sharon tungkol sa singsing na biglaan niyang hinubad at iniregalo, right there and then onstage, kay Regine.

Si Megastar Sharon Cuneta ang special guest ni Regine Velasquez sa second night ng kanyang three-night concert na Regine at the Movies sa New Frontier Theater sa Quezon City noong Sabado (November 24).

 

(Si Piolo Pascual ang guest sa first night noong Biyernes at si Daniel Padilla naman noong Linggo, November 25.)

 

Sa kanyang introduction kay Sharon, sinabi ni Regine na matagal na niyang idolo si Sharon—na inihalintulad pa niya later on—sa isa pang idol niya, ang iconic singer na Barbra Streisand.

 

“I just have to say that this is a dream come true,” say ni Regine onstage. “Oh, my goodness, because I have been a fan of this wonderful, beautiful, superstar…I really am a big fan and I don’t know what else to say but…  just to say I love her, that I’m so grateful that she’s here tonight.”

 

Pagkatapos noon ay nag-duet sila ng mga classic songs ni Sharon—na “Bituing Walang Ningning” at “Pangarap na Bituin”—na mga naging theme songs din ng mga pelikula nito.

 

Nagyakapan sila after ng duet at sinabi ni Regine na “ang ganda ng boses” ng Ate Sharon niya. At sinabi naman ni Sharon—na may concert pa sa HongKong kinabukasan—na para sa kanya, si Regine ang pinakamagaling na female singer sa Pilipinas ngayon.

 

Bago umalis si Megastar ay biniro ito ng Regine. Anya Regine: “Gusto kong halikan ’yong kamay mo pero baka sumama ’yong diamonds.”

 

Pero agad nalihis ang kwentuhan nang mapunta kay Richard Gomez—na noon ay nandoon sa audience kasama ang asawang si Lucy at anak na si Juliana—ang topic. Leading man kasi ni Sharon si Goma ngayon sa upcoming reunion movie ilang Three Words to Forever at ipinaalala ni Regine na mag-promote ito. Agad naming pinuri-puri ni Sharon si Goma at ang asawa’t anak nito at nag-pokus pa si Sharon sa pagpuri kay Goma dahil sa pagiging efficient mayor nito ng Ormoc City.

 

Mabilis na kumambiyo si Megastar. Hindi pala nakaligtas sa kanya ang biro ni Regine at biniro niya rin ito, habang hawak ang kamay ni Regine, na ang ganda raw ng singsing nito at paminsan-minsan naman daw ay si Regine naman ang dapat magregalo.

 

Pagkatapos noon ay itinuro ni Regine ang isa ding singsing ni Sharon at sinabing: “Mas Malaki ’yan.”

 

Saway naman ni Sharon: “Ay, hindi, wag yan, pinaghirapan ko yan…forty years na ako [sa showbiz]…”

 

Ang mga sumunod na pangyayari ay ikina-windang ni Regine dahil hindi niya akalaing huhubarin ni Sharon ang isa sa mga suot niyang alahas, isang multi-studded Jul B. Dizon diamond ring na isasalin niya sa mga daliri ni Regine—MGA dahil sadyang dalawang daliri ang kailangan pag-suotan nito dahil sa laki nito at ayon na rin sa disenyo.

 

Kinuwento pa ni Sharon kung ano ang back story ng singsing at ayon sa kanya ay “pinakamahal na regalong nabigay ko sa buong buhay ko.”

 

Pina-kopya niya pala ito ayon sa nakita niyang singsing sa isang scene ng Sex & the City. Nagandahan daw kasi siya kaya nagpa-gawa siya ng sarili kay Candy Dizon ng Jul B. Dizon Jewelry.

 

Bago lisanin ang stage ay muling nagbiro si Sharon. Kinuha ang niya ang kamay ni Regine, kung saan nakasuot ang iniregalo niyang singsing at nagpa-alam siya sa singsing: “Mami-miss kita. I love you.”
Sa mga sumunod na numbers ni Regine ay suot na nito ang singsing ni Sharon at panay ang biro na: “Ang ganda ng singsing ko, ano?”

 

Hindi pa natapos doon ang palitan ng biro. Humirit si Sharon ng kapalit na souvenir from Regine. Palitan daw sila. Pero ayon  kay Regine, hiram lang daw ang mga alahas na suot niya that night kaya hindi niya p’wedeng ipamigay. “P’wede ba asawa ko nalang?” banat ni Songbird na ikinahagalpak ng audience. Hinanap niya ang asawa sa audience sabay sabi na: “Hon, kay Ate Sharon ka muna uwuwi, kahit one week lang.”

 

Sinabi rin ni Sharon na taon-taon daw ay may bonggang regalo sa kanya ang Diyos and this year daw, si Regine iyon.
“Because every year God is so good to me, He gives me a gift. This year he give me a few. Not just one. But there was a year, He gave me Ogie [Alcasid, Regine husband] and Ogie now is my best friend. I open up my heart to him, telling everything …this year, He gave me you kasi we don’t have time to be close before, e.”

 

Ayon kay Mega, hindi raw for show ang pagre-regalo niyang iyon kay Regine. Naramdaman lang daw niya basta. “Sometime you feel, you just wanna give.”

 

Dagdag pa ni Sharon: “Redge, it’s my honor to sing with you. For me you’re the best singing voice we ever had and please remember when you look at this ring, it’s from the bottom of my heart.”

 

Bago tuluyang umalis ay muling nagpa-unlak ng isang solo number si Sharon and this time, kinanta niya ang hit song niyang “To Love Again.”

 

Here’s an excerpt video of that scene that Regine will probably remember for the rest of her life.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.