Sharon Cuneta sa potential bashers ng collab nila ni controversial director Darryl Yap: “Who you?”

Photos: @reallysharoncuneta | Photograbs from Revirginized Zoom conference

Photos: @reallysharoncuneta | Photograbs from Revirginized Zoom conference

Fan mode si Direk Darryl Yap a month ago nang makatsikahan namin siyang saglit sa promo-material pictorial ng controversial movie niyang Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar. Nabanggit niya kasing baka si Megastar Sharon Cuneta ang next na artistang maidi-direk niya.

At that time, tila may initial na pag-uusap na si Boss Vic [del Rosario] at si Mega at naka-stand by si Direk Darryl sa magiging development.

Aniya at that time, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang megastar. Kinakabahan daw siya. Tila ang impression niya ay mahirap itong barubalin, unlike ang mga stars ng Pornstar na agad niyang nakalapatan ng loob.

Fast forward to last night, February 28, magkatabi at sabay na humaharap sa entertainment press sina Direk Darryl at ang Megastar—along with Rosanna Roces—for their film’s story conference. It turned out, nagkasarahan na ng usapan at nasa location na sila (sa Subic) at sasabak na sa shooting kinabukasan.

Fan mode pa rin si Direk Darryl at that point. In fact, bago magsimula ang Zoom storycon, pinaharana muna niya sa isang choir si Mega with her own hit song na “Sana’y Wala Nang Wakas” na ikina-touch nang labis ng very appreciative na si Sharon.

Technically, noong araw ng storycon ang first time nilang pagkikita ng pisikal. 

Pina-recall namin kay Direk Darryl ang mga circumstances leading to the February 28 story conference.

“Ngayon lang kami nagkita pero sa totoo lang po...diba sinabi ko sa’yo Miss Anna, nu’ng tayo ay nagpi-pictorial for Pornstar pa, sabi ko hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko...parang magpi-pitch ako for Sharon Cuneta. Then lahat sila Maui [Taylor], Alma Moreno, Ara Mina, and Osang... ‘Kaya mo yan.’ Even you and Kuya Butch Francisco... “

Dahil aware din daw ang mga Viva bosses na kabado siyang kausapin si Sharon kaya sinet-up nalang daw siya ng mga ito.

“Ang nangyari was binigyan ako ng Zoom link ng mga bosses, hindi ko alam nandoon si Miss Sharon [sa Zoom meeting]. Sabi nila sa akin napa-aga ’yong pitching ko—dapat 7pm, 5pm magpi-pitch na ako. Unahin ko daw ’yong dalawang ipi-pitch ko. Nagulat po ako, sa isang tile ng Zoom, nandoon si Sharon Cuneta. Sabi ko [sa sarili ko], ‘P----a, ba’t nandito si Miss Sharon Cuneta?’ Sinend ko kay Osang ’yong ano [text], sabi ko ‘Na-set up ako nila boss.’ 

“I was with cold feet nu’ng nag pitch ako,” patuloy na k’wento ng controversial director. “Sabi lang sa akin ni Boss Vincent [del Rosario] was, ‘Direk, you just have to pitch kung paano ka nagpi-pitch sa amin...kung ano’ng gusto mong gawin.’ 

“So, nu’ng sinabi ko po kay Mega... sabi ko, ‘Hindi ko po alam kung papaano ko sasabihin ’yong title sa kanya.’ So, nu’ng sinabi ko na po ’yong title, tumawa naman silang lahat pero nu’ng tumawa sila mas kinabahan ako, e. Para po yatang hindi yata nila naiintindihan ’yong gagawin. Nu’ng sinabi ko po ’yong Milf, ang tumawa lang was Shawie, some of her team, tapos po sila Boss Vic, tahimik lang sila.

“Sabi ko, ‘Boss [Vic], alam ninyo ba ’yong Milf?’ Pinaliwanag ko po. And after po no’n...will I share my thoughts? Kasi as you all know, I market my own film. So, I told Shawie if we will continue this, if we will have this as a project, then she has to work with my formula. Of course, with a little collaboration because her experience...with her power, of course, I can also learn.”

[Ang Milf ay isang English slang word that pertains to a sexually attractive middle-aged woman. Along the way, naging Revirginized ang titulo ng movie na ang ibig sabihin naman ay someone who has not had sexual intercourse for three years o kaya naman ay nagpa-surgery para pasikipan ang ari.]

After daw ng Zoom meeting na iyon ay naging textmate na ni Direk Darryl ang Megastar—na hindi pa rin niya mapaniwalaan up to now.

“I cannot believe it, si Sharon Cuneta nag-a-iMessage sa akin 8:30 in the morning... kaka-wiwi ko lang.”

[Maaga daw kasing nakakatulog si Sharon, paliwanag niya, kaya nagigising siya pag madaling araw at nadi-distract na, saka matutulog ulit pag umaga na.]

“Hindi po ako makapaniwala na si Miss Sharon Cuneta gagawan ko ng pelikula at ka-text ko. Ako po ganu’n ang level ko ngayon, e. So, hindi pa po ninyo ako makukuhanan ng ibang reaction kasi  pa-fan-fan [mode] pa ako sa ngayon.”

More than thrilled si Direk Darryl sa panibagong blessing na ito sa kanyang buhay at career. San ka pa naman, megastar na ang ididirek mo, willing pang magpa-barubal, so to speak sa’yo?

Pero kay Sharon na mismo nanggaling na nagandahan siya sa istorya ng Revirginized. Maaaring may mga shocking at unexpected scenes sa script pero kinurot daw ang puso niya sa dulo na istilong Darryl Yap naman talaga.

“Kagaya nga ng sinabi ko, when people around me believe that I can do... especially the bosses, they believe na kaya ko and when I meet Sharon very, very, very supportive. Ito ’yong sinasabi nila na you are very close to the star and mind you this is not just an ordinary star—she is Megastar. So, I’m really, really... it’s not hot, it’s not burn, but the warmth, it’s very empowering. So, I’m very, very blessed.”

Tumaba nang husto ang puso ni Megastar sa mga sinabi ng young director, pero ayon sa kanya, never naman siyang tumingin sa estado o achievement ng isang tao, even director man na hahawak sa kanya. It doesn’t matter kung baguhan basta’t maganda ang inilatag sa kanya.

“Ang sabi ko sa kanya, Anna...’yong ibang direktor ko naman, alam nila like Direk Mark Meily... Crying Lady was his first movie directorial job kasi sa advertising siya. And sinurprise din siya ni Mr. Tony Gloria of Unitel Pictures before na hindi niya alam kung sino ’yong lead [star] niya na tumanggap na nu’ng lead [role]. 

“Nu’ng na-meet ko siya, I said, ‘Direk, it doesn’t matter to me...’ which I told Direk Darryl [also]. Sabi ko, ‘I just wanted you to know one thing, Direk... when I work on a movie, I always consider my director to be the captain of the ship.’ Siya ’yong boss. It doesn’t matter to me kung first time director or the director is younger than me or whatever else or a new director. What’s important is that he knows what he’s doing. Obviously, from the story alone at napanood ko ’yong movie nila with Osang, I already knew that he knows what he’ doing.”

Ani pa ni Mega, Direk Darryl has her complete trust and respect.

“Sabi ko, ‘I just want you to know, you have my respect, Direk.’ Pag dating sa set... kasi I’ve never been naman a diva on the set. I think throughout 60 movies, I think all my coworkers can attest to that. I’m just one of the workers on the set. I’m a better follower than a leader actually. I like being told what to do. At the same time, respectfully suggesting if anything else na makaka-ganda or kung magugustuhan ni Direk, ganu’n o ng co-star ko. 

“I really had to clear to him na the megastar title is something I remember when I’m working because I have to live up to a certain standard that people have set for me na and expect to live up to. Kasi nga binigay ninyo sa akin ‘yon—press ang nagbigay sa akin n’un e, noong 80’s.

“Pero once I’m working, there’s no star complex because you’re a worker in a movie and you are working with fellow actors. Kasi kung ’yon ang gusto mo, magpaka-star ka, e, di mag-shooting kang mag-isa mo. Hahaha! Diba?  Wala ka ng co-stars. Solohin mo na lahat—ikaw na magdirek, ikaw na mag-produce, ikaw na starring, ikaw na kontrabida. Para kang luka-luka. 

“So, I like to be on happy sets. That’s a well-known fact. And this  [set of Revirginized] is a very happy one. To be on happy set, you have to be happy with your co-workers. So, the first palang Zoom meeting with Direk, when you told me best friend ko si Osang, ‘Ay!’ napa-ganu’n ako diba? Totoo! Sa harap nila Boss Vic... so parang excited ako talagang gawin.

“So, I told him that I made it clear to him and this is even for the future for other director who might want to submit a story for me or direct me or maybe intimidated by the title... they really shouldn’t be because I appreciate people that know what they were doing and I always remember those that gave me a break.”

Nakita rin daw niya ang sarili niya kay Direk Darryl in the sense na kung walang nagbigay ng break at pagkakataon sa kanya noong nagsisimula siya ay wala namang magiging Sharon Cuneta.

“Sine Silangan and Danny Zialcita and Tito Ernie Roxas...they both gone but if they didn’t give me a break with Dear Heart—same as you Direk,” pagto-throwback ni Sharon. “Direk Danny wrote a story for me. What he told my mom was, ‘If you won’t allow Sharon to do this, I will never do this movie because the April [in Dear Heart] is basically Sharon.

“So, from then on...after that my dad called Boss Vic and said, ‘Mag-produce tayo.’ And Viva was born. And then you know, that’s history. So I always remind myself I was also new and if no one gave me a break, pa’no ako umabot ng 40 years [in showbiz] diba? If you want someone with experience, how do you expect a person na bagong graduate sa film school or ang ganda-ganda ng istorya pero walang kilala pag di mo bigyan ng pagkakataon? Pa’no magkaka-experience ’yong tao? So, I’m very respectful of Direk Darryl and everybody that is passionate about making movies.

“So anybody who wants to work with me please paki-announce na it doesn’t matter to me kung sinong direktor ka...basta maganda ang istorya at magaling ka, okey ako.” 

At this point, pabirong sumingit si Direk Darryl ng “Kahit pa naba-bash na director, okey lang sa’yo?”

Ipinaliwanag sandal ni Direk Darryl kay Sharon na currently under fire na naman siya dahil sa pelikula niyang Tililing [na showing na on March 5], which first poster and overall theme ay bina-bash dahil sa umano’y ginagawang katawa-tawa ang mental health issue.

We asked Sharon the same thing...kung ready ba siyang ma-bash din by her mere association with Darryl Yap na nag-a-almusal ng bashing. 

“E, project namin ito, e, so it’s either they like it or not,” kibit-balikat na say ni Mega. “And the way I see it, just like any another project I’ve done in the past, kung ayaw nila, ayaw nila; kung gusto nila, gusto nila, diba?

“Kasi I’ve had  movies na kahit ’yong super Sharonian ko hindi pinanood kasi hindi maganda—kahit ako nga ayaw ko nang panoorin uli, e, sila pa  diba?

“Kung meron naman sense ’yong movie mo lalo na sa bagong henerasyon—itong henerasyon nila Direk...’yon din ang nakakatuwa sa movie na ito, feeling ko at least maabot ko sila kahit paano. 

“So, kung mangba-bash sila, ’yong may sense lang. Hahaha! Sana may sense. Hindi baseless at sana p’wera ’yong politika.

‘Uy, pero ready na ’yong mga trolls diyan,” panunukso ni Mega. “Mga political [trolls]...na-budgetan na yan. Naka ready na, naka-linya na ang mga cellphone, ready na sila dahil sa asawa ko. Hahaha! At dahil sa mga personal kong experience.

“So, I’m really more concerned about our movie and the audience than I am about them because I have been bashed throughout 40 years and noong nauso ang social media, I was still being bashed. But my movies are doing well and I’m still here. I still don’t know who they are but a lot of people still know who I am. Hahaha!  Sila, who you pa rin sila! Hahaha! Ako, I’m me. Hahaha!”

Ang Revirginized, by the way, ay tungkol sa isang middle-aged woman na hindi na-enjoy ang pagka-dalaga dahil sa maagang napasabak sa responsibilidad ng pagpa-pamilya. Dito, ipapakita kung paanong ang isang babae ay magkakaroon ng second chance to experience life bilang single. In short, pa-party si Mega! 

His co-stars include Albert Martinez, Kring-Kring Gonzalez, and Marco Gumabao.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sharon Cuneta on stars allegedly involved in disseminating fake news for pay: “Kinahihiya ko na kasama ko sila sa industriya.”

Vin Abrenica and Sophie Albert are expecting a baby girl!

Netflix drama series The Crown won the most awards at the 78th Golden Globe Awards virtual ceremony

Bea Alonzo, pinayuhan ni Ian Veneracion na mag-anak na lang kahit walang boyfriend o asawa

Kaye Abad is pregnant with her second child

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.