Sharon Cuneta, masamang-masama ang loob sa pangta-trinaydor diumano ng isang malapit na tao sa kanya

PHOTO: @reallysharoncuneta on Instagram

PHOTO: @reallysharoncuneta on Instagram

Sa social media idinaan ni Megastar Sharon Cuneta ang nararamdamang sama ng loob at matinding hinanakit sa isang tao na tila malapit sa kanya pero hindi n'ya pinangalanan na diumano ay nag-betray sa kanya.

Sa kanyang Instagram account ngayong araw, January 27, nag-upload si Megastar ng isang face palm emoji, isa itong cartoon na may wangis ng isang babae habang nakalagay ang isang kamay nito sa mukha. Ang 'face palm' ay isang guesture na maraming pwedeng ipakahulugan gaya ng hindi makapaniwala, nahihiya, matinding inis o pagkadismaya. 

Kung pagbabasehan kasi ang post ng 54-year-old showbiz icon, mukhang matinding iritasyon o galit ang nararamdaman n’ya sa ngayon sa taong pinatatamanan n’ya sa post. Diumano ay trinaydor s’ya nito at tila may involved na pera sa gusot

Aniya sa kanyang post: "My Mommy used to say: 'You lose your money, you lose a lot. You lose your friends, you lose more. You lose your name, you lose everything.’ Now I add: 'If you lose your name over money, you’re worse. If you lose your name over the money of someone who loved, trusted, and protected you, you are the worst.' God please help me to forgive." 

Sa paglalarawan ng Megastar sa nararamdamang sakit ay naihalintulad niya ito sa level na nagpipigil na makapatay ng isang tao o kaya nama'y hilingin na s’ya na ang mawala para matigil ang sakit na nararamdaman. Pero iniisip n’ya syempre ang kanyang pamilya. 

"Such a betrayal," patuloy ni Sharon. “The kind na ayaw mo makapatay, pero kung wala akong asawa at mga anak, idadasal ko na lang kunin na ako ng Panginoon sa sakit."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

In-emphasized ni Mega na hindi nya empleyado o co-worker ang nasabing tao, pero dahil walang name dropping sa naturang post, kaya naging palaisipan sa kanyang followers kung sino ang tinutukoy ni Sharon.

Ang iba naman ay naka-relate at sinabing may nanloko na rin daw sa kanila before with money involved. 

Dinagsa din ng supporta si Sharon sa comment’s section ng kayang Instagram post mula sa mga kaibigan sa industriya gaya nina Judy Ann SantosNeri Miranda, at Cherry Pie Picache.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Sharon Cuneta gets a surprise simple “breakfast party” on her 54th birthday

Sharon Cuneta, imbes na mag-retire, lalong sinipag; pati teleserye papasukin na?

Pika’s Pick: Sharon Cuneta goes on a sentimental throwback journey as her NY-based daughter Kakie turns 19.

Sharon Cuneta disproves Duterte’s remark that she wants Kiko Pangilinan out of the house

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.