Sharon, binalikan ang panahong pinag-bida siya ni Mother Lily kahit “mataba” siya

Sharon,  binalikan ang panahong pinag-bida siya ni Mother Lily kahit “mataba” siya

Straight from the grand finals of Your Face Sounds Familiar, held at the UP Theater in Quezon City last night, ay dumirekta agad si Megastar Sharon Cuneta sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde sa Crowne Plaza Manila Galleria hotel para magbigay-pugay sa birthday girl. Kasama niyang dumating doon ang asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang message, binanggit ni Sharon na habang panahon niyang tatanawing utang na loob kay Mother ang pagkuha sa kanya para gumanap na bida sa iconic na Mano Po series noong panahong “mataba” pa siya at si Mother lang ang naglakas-loob na bigyan siya ng project. Nagbiro pa siyang payat na siya ngayon kaya ready na muling mag-pelikula sa Regal.

Ang Mano Po 6: A Mother’s Love, which was shown in 2009, ang pelikulang tinutukoy ni Megastar.

Here’s Megastar Sharon’s full message to Mother Lily last night.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.