Shaira Diaz, pinagpipilitang break talaga sila ni Edgar Allan

PHOTOS: GMA-7 Corp Comm. & @ea_guzman on Instagram

PHOTOS: GMA-7 Corp Comm. & @ea_guzman on Instagram

Anim na taon ang naging relasyon nina Shaira Diaz at EA (Edgar Allan) Guzman na nabuo noong kapwa pa sila nasa poder ng TV5.

Naging kapwa mailap sila sa pagbibigay ng detalye tungkol sa relasyon nila. In fact, maging sa social media ay hindi sila pala-post ng couple photos gaya ng ibang mga showbiz couples. Pero hindi pa rin naging lingid sa press ang estado nila noon bagama’t noong 2017 ay napabalitang tinuldukan na ng dalawa ang relasyon nila.

Pero marami ang naniniwalang hindi talaga nag-break ang dalawa lalo pa’t naging kaduda-duda na kapwa sila nasa New York para magbakasyon in February last year. Kahit wala silang “couple pics” ay halata sa mga hiwalay na solo posts nila sa Instagram that time na nasa iisang lugar sila.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Shaira Diaz (@shairadiaz_) on

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

Earlier this year naman nang magpa-alam si EA na aalis na sa poder ng long-time manager niyang si Noel Ferrer (mananger din ni Ryan Agoncillo at Iza Calzado). Pagkatapos ay lumipat ito sa kampo ng ALV na pinamumunuan ni Arnold Vegafria na siya ring manager ni Shaira.

Marami tuloy na nag-speculate na may kinalaman si Shaira sa naging move na ito ni EA. An even earlier, naakusahan din si Shaira na tila hindi ito magandang impluwensya kay EA dahil naging pabaya diumano ito sa trabaho mula nang ma-in love kay Shaira.

Kapwa nila pinabulaanan ang mga usap-usapang ito, lalo na ni EA, na isa sa bida ng Dragon Lady  ng GMA-7, na sinabing gusto lang niya sumubok naman ng iba.

Nito lamang March 20, ang hindi pala-post ng tungkol sa lovelife na si EA ay bigla na lamang nanggulat sa Instagram when he posted two photos of Shaira na may kasamang pa-cute na caption saying “I have a crush on you.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA Guzman (@ea_guzman) on

Ikina-kilig ito ng mga common friends nila sa showbiz. At nagsimula ito ng bagong espikulasyon na it’s either hindi totoong nag-break ang dalawa or baka nanliligaw ulit si EA kay Shaira.

Isa ang pikapika.ph sa naki-usyoso sa estado ng puso ng Shaira sa after-presscon interview ng rom-com na Love You Two, ang latest primetime offering ng GMA-7 kung saan major role ang gagampanan ni Shaira bilang karibal ng ate niya (played by Jennylyn Mercado) sa isang older guy (played by Gabby Concepcion).

Ayon kay Shaira, “break” pa rin sila ni EA. At sana raw ay iba nalang muna ang mapag-usapan.

“Ako kasi personally, ayoko na ’yong mga topic na ganyan…” bungad ni Shaira. “’Yong mapag-uusapan ako na about lovelife. Gusto kong mapag-usapan about work. So parang sa akin, Saka nalang ’yong ano pag medyo naka-angat-angat na tayo… na nakagawa na tayo ng pangalan.”

Besides, wala raw siyang panahon sa lovelife ngayon dahil bukod sa pagte-taping ay tinatapos din niya ang pag-aaral niya sa [University of] Perpetual Help sa Las Piñas kung saan kumukuha siya ng kursong Marketing Management.

“Basta ako naniniwala ako na kahit naman kunyari mag-break muna for awhile, kung kayo talaga, kayo.”

Pinagtanggol din ni Shaira ang sarili tungkol sa patuloy na mindset na siya ang dahilan ng paglipat ng management ni EA at sa diumano’y kakayahan ni EA na talikuran ang career para sa kanya.

“Hindi rin. Hindio totoo ’yon,” firm pero mahinahong say ng dalaga. 

“May mga ibang problema na sila na ’yon…pero hindi niya..im sure hindi siya gano’n na mawawala…na love over career? Kasi ako career ako, e, over love, e.

“Hindi. Akala n’yo lang ’yon kasi nga ’yon na ’yong laging napa-publish, di ba? Kasi hindi naman talaga kasi napaka-hardworking din no’n.”

Bukod sa Love You Two, na itinuturing niyang biggest break niya so far, ay mapapanood din si Shaira sa upcoming romantic movie na Because I Love You ng Regal Films kung saan leading man niya ang inili-link sa kanya ngayong si David Licauco.

Love You Two premiere on GMA Telebabad on April 22.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Mark Herras on breakup with Winwyn Marquez: “Walang third party”

Lovi Poe and Chris Johnson spark breakup rumors

Arjo Atayde, break na sa girlfriend; Maine Mendoza, kaibigan lang daw

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.