#ShaGoms reunion, go na go na!

#ShaGoms reunion, go na go na!

Tuloy na tuloy na ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Richard Gomez, reportedly titled Three Words To Forever. Ito ang handog ng dalawa sa kanilang mga fans para sa 30th anniversary ng kanilang loveteam. Naunang nagtambal ang dalawa noong 2003 sa pelikulang Walang Kapalit under Viva Films.

 

Nag-story conference na sila kahapon, August 12, sa opisina ng Star Cinema at kasama rin nila sa storycon ang magiging director nilang si Direk Cathy Garcia-Molina at ang co-star na si Kathryn Bernardo.

 

Hindi first time na makaka-trabaho ng tatlo si Direk Cathy, lalo na ni Kathryn dahil tila naka-pakete sa KathNiel loveteam nila ni Daniel Padilla ang lady director.

 

Meanwhile, nakatrabaho saglit ni Richard si Direk Cathy whe he did a special role in She’s Dating the Gangster in 2014 with the KathNiel tandem; habang si Sharon naman ay na-handle na ni Direk Cathy sa reunion movie naman nila ni Robin Padilla last year na Unexpectedly Yours kasama ang JoshLia (Joshua Garcia-Julia Barretto) tandem.

 

 

 

Ayon kay Megastar Sharon, the #ShaGoms reunion movie is slated for a a November release.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.