Sexy newbie na si Apple Dy, desididong patunayan ang sarili sa entertainment industry

Sakaling mabigyan ng chance, gusto raw maka-tandem ng baguhang si Apple Dy sa isang project ang Viva hunk na si Gab Lagman. “Crush ko s’ya!” natatawang pag-amin n’ya. “S’yempre, lahat naman nagkaka-crush kay Gab. Sobrang pogi n’ya. Mabait s’ya.”

PHOTOS: @pantaxagirl_appledy on Instagram

Sakaling mabigyan ng chance, gusto raw maka-tandem ng baguhang si Apple Dy sa isang project ang Viva hunk na si Gab Lagman. “Crush ko s’ya!” natatawang pag-amin n’ya. “S’yempre, lahat naman nagkaka-crush kay Gab. Sobrang pogi n’ya. Mabait s’ya.”

Bata pa lang daw ang showbiz newbie na si Apple Dy ay alam n’yang sa entertainment industry s’ya dadalhin ng kanyang kapalaran.

Sinabi n’ya ’yan sa exclusive interview n’ya with pikapika.ph kamakailan matapos naming matanong kung ang pag-aartista ba talaga ang pangarap n’ya sa buhay.

“Yes! Since before, since bata pa ako gusto ko na mag-artista talaga,” sagot n’ya sa amin.

Nagsimula raw s’ya bilang ramp and print ad model bago nabigyan ng non-speaking role sa isang teleserye noon.

“Actually, hindi po masyadong visible [sa screen]. Extra lang talaga…sa Tween Hearts [nina Barbie Forteza and Bea Binene]. Nasa elementary or high school pa yata ako noon.”

Mailap pa ang showbiz sa kanya noon, kaya mas binigyang-oras niya ang mga ganap niya sa modelling. But at the back of her head, naroon pa rin ang kanyang showbiz aspirations.

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

An opportunity knocked nang may mag-encourage sa kanyang talent manager na mag-audition sa erotic reality show na Pantaxa Laiya ng Vivamax. Dahil sanay naman magpa-sexy sa modelling job niya, kaya sinubukan daw niya.

“Before kasi nag-try na ako mag-sexy ramp [modelling]. ’Yong talagang body paint lang [ang naka-cover] sa katawan. So, nu’ng nagse-sexy na ako sa mga pictures, sa ramp modelling, naisip ko rin na why not try ko ang Vivamax? Na magpa-sexy rin doing erotic roles,” kuwento ni Apple.

Nu’ng nag-audition ko sa Pantaxa, sabi nila all-out. So, ini-expect ko na din naman na ’yon ’yong gagawin and na-convince ko din naman ’yong sarili ko na kaya ko.” 

Pumabor naman kay Apple ang tadhana dahil isa s’ya sa mga aspiring sexy stars na napiling contestants. However, hindi s’ya pinalad na manalo sa dulo ng kompetisyon. 

Nandoon ’yong feeling ko na, s’yempre, kaya ka sumali hoping na manalo. Pero ’yon nga, nandoon sa sarili ko na tanggap ko s’ya, na 'Okay, next time, I will do better.' I accept din na ’yong mga pinakita ko, lalo na du’n są last challenge namin, may kulang talaga,” pag-amin n’ya.

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

Nabigo man sa reality show, masaya naman daw s’ya para kina Angelica Hart at Aiko Garcia na mga itinanghal na winners dahil deserved naman umano ng dalawa ang kanilang pagkapanalo.

Sobrang proud ko sa kanila. Parang sisters ko na silang lahat… Happy ako for every one and nu’ng nanalo sila sobrang proud ko din sa kanila,” patuloy ni Apple.

Kasi simula nu’ng episode one, feel ko na talaga na hindi ako mananalo. Hahaha! Na-bottom three ako agad sa isang challenge namin. Kaya nu’ng in-anounce na nanalo sila, ayon, mas deserve nila ’yon. So, I feel good and I feel so proud sa kanila."

And now that the reality show is over, mas malaking challenge na ang kinakaharap ni Apple dahil mas competitive na di hamak ang mundong pinasok n’ya, ang showbiz. Bagama't hindi kasi pinalad manalo ay nabigyan pa rin ng pagkakataon si Apple na maging artista ng Vivamax. Katunayan ay isa siya sa pina-pirma ng kontrata ng Viva.

Dahil dito, desidido si Apple na mas i-improve pa ang sarili ngayong may nagtitiwala na sa kakayahan niya.

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

Kung may hinahangaan man daw s’yang artista na gusto n’yang tularan in terms of career path, ito ay sina Marian Rivera, Maui Taylor, at Katya Santos. Kabilang din daw sa kanyang iniidolo ang mga Vivamax stars ding sina AJ Raval, Azi Acosta, at Angeli Khang.

Seryoso si Apple na may mapatunayan sa showbiz. In fact, isa sa ultimate dream niya ang magka-acting award kahit pa sa pagpapa-sexy siya nagsimula.

Kaya naman thankful ang aktres na nabigyan agad s’ya ng opportunity na patunayan ang kanyang sarili sa pagkakasali n’ya bilang isa sa lead stars ng digital sexy series na High [School] On Sex 2.

Ani Apple, napanood at nagandahan daw s’ya sa first season nito at nakadagdag daw iyon sa pressure na naramdaman niya.

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

Nakita ko na ’yong [Season] OneAng ganda, sobra. Na-pressure ako kasi sa sobrang ganda nu’ng one, parang sabi ko, ‘My God! Ito kayang [Season] Two papanoorin ba?” natatawang balik-tanaw niya.

Kasi, sana maganda ’yong kalalabasan, ganu’n. Sobrang pressure kasi sobrang ganda nu’ng tingin ko doon sa [Season] One. S’yempre, hindi maiiwasan na maikumparam,” punto pa ni Apple.

But of course, thankful siya na napasali siya sa series.

Natuwa ako and sobrang thankful na nagkaroon ako ng ganyang project after ng Pantaxa. Tapos nagulat din ako na, ‘Oh my God! Paano kaya itong expectation dito sa [Season] Two?’”

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

E, paano naman kaya n’ya naitawid ang kanyang character?

In-internalize ko na s’yempre, parang high school student lang ’yong character. Tapos kung ano ’yong attitude ni Gee… Kasi ang character ni Gee, may crush s’ya tapos hindi s’ya crush [ng crush n’ya]. So, parang nagkaroon s’ya ng rebound na guy para kalimutan n’ya ’yong crush n’ya. Doon tumatakbo 'yong story ng character ko,” pagbabahagi ni Apple. 

“More on inisip ko ’yong before, ’yong ginagawa ko nu’ng high school ako, kung ano'ng attitude ko before. Parang more on pinagsama ko lang sila,” dagdag pa n’ya. 

FRIENDS' AND FAMILY’S REACTIONS

Hati daw ang reaksyon ng kanyang friends nang malaman ng mga ito na nagpapa-sexy na s’ya ngayon sa mga Vivamax projects.

“Friends ko, natutuwa naman sila, ’Yong iba naman na parang, ‘Bakit? Bakit? Bakit ka nag-ganyan?’”  kuwento n’ya.

Hindi naman daw s’ya affected dahil para sa kanya form of art ang pagpapa-sexy. 

Parang ano for me… Kasi it's still acting. It's art. It's  being sexy and being confident. Doon s’ya pumasok. Pero sa mga side comments naman nila, it’s fine din. Naka-support din naman ’yong family ko."

As in? Balik-tanong namin. Ano'ng say nila?

Wala naman kasi hindi naman nakikita ng mama ko. Hahaha!” may pagka-pilyang sagot n’ya. “Hindi pa alam [na matindi]. Pero sinabi ko naman na I’m doing sexy… I think hindi n’ya alam kung ano'ng klase ’yon,” she went on.

Pero kasi, s’yempre, Vivamax…Hindi naman na nila panahon, e. Hindi nila alam ’yong mga ganu’n. Baka pag sinabi kong bold movie [maintindihan nila].”

At dahil kahit papaano ay naka-penetrate na si Apple sa showbiz, natanong namin ang baguhang aktres kung handa na ba siya sa mga bashers gaya ng ibang artista. 

“Normally naman I accept naman everything. And s’yempre, kung hindi naman totoo parang sabihin mo lang na hindi totoo. No hard feelings, no personal grudge. Parang hindi kailangan mamersonal sa mga ganu’ng bagay. I mean, hindi ka dapat maapektuhan,” katwiran ni Apple.

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

DREAM LEADING MAN  AND LOVE LIFE

Kung mabibigyan ng chance, gusto raw ni Apple na maging leading man sa isang project ang Viva hunk na si Gab Lagman

“Crush ko s’ya!” natatawang pag-amin n’ya. “S’yempre, lahat naman nagkaka-crush kay Gab. Sobrang pogi n’ya, mabait s’ya.”

Wala naman daw magagalit if ever lalo pa’t single daw s’ya at present. Kinumusta rin kasi namin ang lagay ng puso n’ya sa ngayon. 

“Empty. Char! Hahaha! Wala. Ano s’ya, lonely. I’ve been single na for one year mahigit na and wala pa [nagpapahiwatig] until now.”

Kahit naka-focus s’ya sa career ngayon, hindi naman daw n’ya isinasara ang kanyang puso kung sakaling may magparamdam.

Pag may kumatok, welcome. Pero s’yempre, dapat career first. Kung may love life man, he has to understand, ’di ba, and support,” aniya.

PHOTO: @pantaxagirl_appledy on Instagram

“Normally, ganu’n naman dapat. Career, pero kung may kakatok na love life, okay, ‘Welcome!’ Pero, ‘You have to understand my career,'" pagtatapos ni Apple.

Sa ngayon ay available na for streaming ang first two episodes ng High On Sex 2 habang ang third episode naman ay mapapanood starting July 14 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.