Seth Fedelin, umaming in love kay Andrea Brillantes sa IG Live!

PHOTOS: @imsethfedelin & @blythe on Instagram

PHOTOS: @imsethfedelin & @blythe on Instagram

Umamin ang aktor na si Seth Fedelin na in-love s’ya sa ka-love team n’yang si Andrea Brillantes

Matagal itong hinintay ng kanilang mga fans mula ng magtambal sila sa top-rated Kapamilya drama series na Kadenang Ginto kung saan nabuo ang SethDrea love team. 

Naganap ang pag-amin sa Instagram live ni Andrea kahapon, November 30, kung saan kakulitan n’ya si Seth sa kabilang linya. 

Noong una, nagbiro pa ni Andrea sa mga viewers—na nasa mahigit 8,000 na that time—na magkaka-d’yowa daw ang mga ito kapag umabot silang lahat sa sampung libo. 

Dito na nagbitiw ng salita si Seth na aamin s’ya kung sakaling umabot nga ang viewers nila ni Blythe (nickname ni Andrea) sa 10K. 

Mukhang mapapaamin ako, a,” saad ng aktor. “Aamin na ako? Pag nagsampung libo ito [viewers], aamin na ako.” 

Wala namang idea ang aktres sa kung ano ba ang aamin ni Seth. Dahil doon, unti-unting tumaas ang bilang ng viewers nila sa Instagram Live. 

Nangulit na rin si Andrea sa kung ano ba ang aaminin ng aktor sa kanilang lahat.

Malapit na tayong mag-9K,” pahayag pa ng Aktres. “Maghanda ka na. May aamin mamaya.

Kaya naman nang umabot na sa 10K ang viewers, nagpatikim na ang aktor sa kanyang aaminin. 

Makinig kayong mabuti,” panimula ni Seth. “Sina mama ang kinakabahan, hindi ako. Makinig kayo ha. Dahil meron akong sinabi at meron akong isang salita, aamin na ako.

O, ano nga?” pangungulit naman ni Andrea na kanina pa nabibitin sa mga sinasabi ni Seth na noon naman ay uma-acting pa na tila nagla-lag sa kabilang linya. 

Hindi. Gusto ko ding malaman, e. Ano ba ‘yong gusto mong sabihin? Ali, eto na ‘yong chance. Ano na? [Eleven thousand] na [‘yong viewers], o.

Pangongonsensya pa n’ya sa pambibitin ni Seth, baka daw bumaba ang kanilang viewers at layasan sila dahil mukhang magiging paasa lang ito sa sinasabing aaminin. 

Ano ba kasing aaminin mo? [Kapag hindi ka nagsalita,] bababa ‘yan,” sey ni Blythe.

Teka, nape-pressure ako sa mga comment, e, o. Nape-pressure ako, e,” tugon naman ni Seth. 

Bakit kasi sinabi mong aamin ka?” pa-sweet na kastigo ng young actress sa kanyang love team partner. “Ikaw nagbitaw ng salita, e. ‘Kapag umabot ng 10K aamin na ako.’ Nainip na ako. I-end ko na lang ‘tong live. Seryoso. Hindi na ako natutuwa. Ano ba ‘yon?

Nagpasikot-sikot na naman ang young actor na tila naghahanap ng bwelo para masabi ang kanyang niloloob. 

Eto na,” sey n’ya. “Brace for impact. Pakinggan n’yo ‘tong mabuti. Bawal na ‘tong [ulitin]. Secret lang natin ‘to, a, sa 11 thousand na nanonood…”

Dito sumingit si Blythe dahil bilang umakyat sa twelve thousand ang viewers nila that time. 

O, 12K na,” pahayag n’ya. “Paaalala lang sa lahat ng 12K na ‘to, kung anuman ang aaminin ni Seth Fronda Fedelin, hindi makakalabas. What stays in this [Instagram] Live, stays here.”

Dahil mas dumami pa ang viewers, muling tinablan ng hiya si Seth at nagdahilan na naman ng kung ano ano. 

Ang dami mong ebas,” komento ni Andrea sa mga palusot n’ya. “Dali. Magpakalalaki ka naman.

Hanggang sa umabot sa 13K ang viewers nilang dalawa. 

Sige, didiretsuhin ko na, a,” sey ni Seth. “Aaminin ko sa inyo… Ang aamihin ko sa inyo… Nahiya ako, Ali (call sign nina Andrea at Seth). Shy-type ako, e. Ang aaminin ko sa inyo…

Naiinip na ako, a,” ani Andrea. “Maghuhugas pa ako. Marami pa akong hugasin sa baba. Bilis na. Malo-lobat na [ang phone ko]. ‘Yong iba [viewers], gagawa pa ng module. Seth Fronda Fedelin, ano na? Salita na. Ano pa bang tinatago mo? Ano pa ba ‘yong hindi mo masabi?

Mauubos na load nila,” pagpapatuloy n’ya para konsenyahin si Seth. “Ano pa ba? Ayoko maging katulad ng iba na pinapaasa…ang mga umaasang puso. Ang dami nang nag-aabang. Ang dami nang nag-a-adjust para sa’tin. Mahiya ka naman. 

“Fourteen thousand na ang nag-aabang para umamin ka. Alam mo, Ali, kung hindi ka aamin ako na lang ang aamin.

Ang tinutukoy na panakot ng aktres ay ang mga sikreto ni Seth na naik’wento nito sa kanya. 

Eto na,” sagot ni Seth. “Aamin na ako…

Katahimikan.

Ang tagal,” reklamo ni Andrea. 

Muli na namang tinakasan ng tapang si Seth.

Paraan ko na rin ‘to para masabi ko sa’yo, Ali,” aniya. “Aaminin ko na sa inyo, sa lahat ng 14, 200 [viewers] na… Ali, help. Mag-lag na ang internet mo. Ibaba mo na lang ‘yong live.”

Hindi naman pumayag ang aktres dahil sa mabilis na sandali lang umabot na sila sa 15K ang viewers nila at muli niyang pinilit si Seth na sabihin ang kanyang dapat kanina pa inamin.

Kaya naman, para masabi lang ang gusto n’yang aminin, nautal-utal sa pagpapaliwanag si Seth.

Aaminin ko, mas… Mas or… Out of one, mga two percent… Ay, out of ten, two percent… Two… Mga one and half. Mga two, mga ganu’n. Round off… In love ako kay Andrea,” sabi n’ya.

Hala,” nabulalas naman ng aktres. “End ko na nga ‘to. Ba-bye na nga. Umalis ka na.

Matapos mabigkas ang kanyang dapat aminin ay tila nakakuha na ng lakas ng loob si Seth para ulit-ulitin ang mga nasabi n’ya.  

“O, umamin na ako. ‘Yon ang inamin ko,” sey n’ya. “Gusto ko mabasa sa Twitter na, ‘Umamin na si Seth.’ In love ako kay Andrea. 

“‘Wag ka na magsalita,’ baling n’ya kay Andrea na nagrereklamo sa kabilang linya dahil hindi daw nito maintindihan . “In love ako kay Andrea ng mga dalawang prosyento out of ten. ‘Yon ang inaamin mo. Okey ba kayo du’n? Hindi ako scammer ha. Malay n’yo madagdagan pa ‘to after five years, umabot ako ng ten percent na. Hahahah!

Alam n’yo ba ‘yong dahilan? Saka na. Ayoko magsalita nang patapos… Narinig n’yo na? Sino bang hindi mai-in love?

Ali, tama na. Itigil na natin ‘to,” natatawang sabi ni Andrea nang marinig ang mga inamin ni Seth.

Ngayon papatigilin mo ako nagsasalita ako?” sabi ni Seth na tila nakakuha ng kompiyansa. 

Tugon ni Andrea. “Alam mo, Ali, nagpadala ka lang yata sa pressure ng 15K, e.

Paliwanag naman ni Seth, inunahan daw s’ya ng kaba. At gusto n’ya, kung gaawin n’ya ang pag-amin ay kapag buong-buo na ang love n’ya sa dalaga. 

Kinakabahan kasi ako,” pag-amin ng aktor. “Iniisip ko na… Gusto ko kapag umamin ako, buo na. Ano pa lang kasi, e, on the way pa lang, e. Alam mo ‘yon?” 

“On the way? So may balak kang i-one hundred percent ‘yan?” tanong naman ni Andrea kay Seth. 

Meron. Gusto ko kung aamin ako one hundred percent, ‘di ba?” pagtatapos ng binata.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

FOCUS | Singer-actor Martin Venegas returns to Viva; admits crushing on Andrea Brillantes (“Attractive ’yong kilay niya...ang ganda ng smile niya.”)

Pika's Pick: Andrea Brillantes shares ways to be productive amidst community quarantine in her Tiktok video

Si Seth Fedelin na ba ang pumalit kay Naruto sa puso ni Andrea Brillantes?

Andrea Brillantes shares a sneak peek of her future home

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.