Maraming nag-aabang sa karakter ni ex-PBB Otso teen housemate na si Seth Fedelin sa Kadenang Ginto dahil magiging bahagi na ito ng tinaguriang Gold Squad kasama sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Francine Diaz.
Sa Thanksgiving press conference ng program last May 17 na ginanap sa ABS-CBN, sinagot ng young star ang tanong ng press kung sino ba ang crush niya ngayong nagsisimula na siya sa mundo ng showbiz.
Hindi nangiming sinabi ng young star, “Aminin ko po sa inyo nong hindi pa po ako nag-PBB, kilala ko po si Blythe.”
Blythe ang nickname ni Andrea Brillantes na siya ring gamit nitong Instagram handle.
Natatawang dagdag pa ni Seth, “Sino naman pong hindi makaka-ano kay Blythe? Makakakilala? Gusto ko din po yung kilay niya.”
K’wento pa ni Seth: “Nakakagulat po no’ng mas lalong nakilala ko siya...kasi sa picture po parang iba ‘yong dating sa’kin, parang ang sungit-sungit niya tapos parang di ko makakausap kasi ako jologs ako tapos makulit”
“Nong nakilala ko siya [Andrea] sobrang mabait po talaga, kalog at makulit. Si Andrea naman po kasi siguro naman kahit tanungin natin ‘yong ibang mga bata basta ka-edad ko kilala po siya.”
“Humahanga po talaga ako sa kanya kasi bata pa lang po siya, magaling na po siyang umarte sa teleserye.”
Hiling din ni Seth na sana tumagal ang loveteam niya with Andrea na parang KathNiel, o ang tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.