Senator Robin Padilla, nag-200/150 ang blood pressure sa Espanya; “Nagdilim ang paningin ko, hilong-hilo ako.”

Kahit daw bumaba na ang BP ni Robin Padilla ay hinikayat pa rin daw siya ni Ambassador Philippe Jones Lhuillie— ang ambassador ng Pilipinas sa Spain na isa sa mga nakalampag niya noong nagpa-panic na siya—na pumunta sa ospital para ma-check mabuti. “Parang Pilipinas din, kailangan ang deposito,” lahad niya ukol sa hospital service. “May mga test ang ginawa sa akin. Blood test, X-ray, urine, lahat ay normal. Binigyan lang ako ng gamot sa high blood good for 5 days.”

Photos: Robin Padilla Facebook

Kahit daw bumaba na ang BP ni Robin Padilla ay hinikayat pa rin daw siya ni Ambassador Philippe Jones Lhuillie— ang ambassador ng Pilipinas sa Spain na isa sa mga nakalampag niya noong nagpa-panic na siya—na pumunta sa ospital para ma-check mabuti. “Parang Pilipinas din, kailangan ang deposito,” lahad niya ukol sa hospital service. “May mga test ang ginawa sa akin. Blood test, X-ray, urine, lahat ay normal. Binigyan lang ako ng gamot sa high blood good for 5 days.”

Simula nang nangampanya si Robin Padilla sa pagka-senador hanggang sa manalo ay hindi pa siya nagkaroon ng sapat na tulog at pahinga dahil sa naginbg kaliwa’t kanan nitong lakad, panayam, at kung anu-ano pang campaign-related activities.

In fact, nang umalis ang mag-iina niyang sina Mariel, Isabela, at Gabriella Padilla noong May 9 ng gabi patungong Spain para sa isang buwang bakasyon ay hindi agad nakasama si Robin dahil marami pa siyang inaasikaso.

May 24 na nang makasunod siya para makapiling ang mag-iina at makapag-bonding na rin sa mga ito bago siya magsimula sa kanyang bagong tungkulin bilang mambabatas.

Pag dating naman sa nasabing bansa ay hindi rin nakapagpahinga nang husto ang aktor na politiko na ngayon dahil siyempre kailangan niyang samahan kapag namamasyal ang kanyang mag-iina. At kitang-kita naman a mata ng dalawang bata kung gaano nila natse-cherish ang presensya ng ama.

Marahil hindi na kinaya ng katawang lupa ni Robin ang pagod kaya naman tumaas ang blood pressure niya habang naglilibot sila.

Ito ay base na rin sa pinost niya sa kanyang Facebook account nitong Miyerkules ng hapon, June 1 (oras dito sa Pilipinas) kalakip ang mga larawan na kuha sa ospital at isang medical name tag kung saan naka-printang pangalan niya.

“Napakahirap intindihin ng nangyari sa akin,” pagnimulang paglalarawan niya sa FB ukol sa biglaang pagkahilo. “Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang nawalan ng lakas ang tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno.

“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako.

“May Espanyol ako na naririnig ko sa paligid ko. Kinakausap ako, parang nais niya ako alalayan. Ilang sandali ay lumiwanag ang paningin ko, nanumbalik ang lakas ng tuhod ko.

“Dahan-dahan ako tumayo. Inalalayan ako ng Espanyol. Hindi ko siya naiintindihan kaya sabi ko lang, salamat Señor.

“Hinanap ko kung nasaan ang asawa ko. Nakita ko ang dalawa naming kapamilya kasama si Gabzy (bunso nila) na himbing na himbing sa kanyang stroller.

“Wala si Mariel kasama si Isabela na nakasakay sa isa sa mga rides.

“Nahihirapan na ako huminga. Bumibigat ang dibdib ko. Kailangan ko na pumunta sa ospital.”

Wala na umanong oras para tawagin ang asawa dahil hilong-hilo na siya kaya’t pinilit niyang tumayo, pumara ng taxi, at magpapahatid sana sa ospital pero wala umano siyang mahanap. Buti nalamg at may presence of mind pa siyang makapag-text sa mga kaibigan doon.

“Nag-message ako sa kababata ko na sunduin ako at magdala ng taxi. Nag-message din ako kay Sir Ambassador Lhuillier (Philippe Jones Lhuillier, ambassador ng Pilipinas sa Spain) tulungan ako na makapunta sa ospital.

“Nararamdaman ko na naman na nawawalan ng lakas ang tuhod ko. Parang babagsak na naman ako.

“Pagtingin ko sa kaliwa ng entrance gate, nakita ko ang clinic. Pinuntahan ko agad ito, pumasok at sinalubong ako ng nurse na marunong mag-Ingles.

“Sinabi ko sa kanya ang nangyayari sa akin. Pinaupo niya ako kinunan ng blood pressure, 200/150.”

Ikinagulat daw ng nurse ang resulta ng BP kaya;t I ulit ito. Nang ganoon pa rin ang lumabas ay ito na raw ang tumawag ng ambulansya.

“Ilang saglit, dumating na si Mariel at si Isabela. Nagkaroon ako ng ngiti at nakabawas ng pagkagulo ng isip,” pahayag ng bagong halal na senador.

Dagdag pa niya: “Pinainom ako ng pampababa ng blood pressure pero walang ipinagbago. Dumating ang ambulansiya, sinaksakan ako ng dextrose/ECG. Unti-unting umepekto ang gamot, naging 140/104 (bp). Napanatag ang lahat, dahilan para alisin na ang mga aparato ng ambulansiya. Babayaran sana ni Mariel pero libre pala ang emergency service.”

Pinuntahan naman si Robin ni Ambassador Lhuiller at sinabihang dalhil ito sa hospital para ma-check mabuti.

“Parang Pilipinas din, kailangan ang deposito,” lahad niya ukol sa ospital. “May mga test ang ginawa sa akin. Blood test, X-ray, urine, lahat ay normal. Binigyan lang ako ng gamot sa high blood good for 5 days,” saad pa rin ng hubby ni Mariel.

Matapos noon ay nai-conclude nalamng ni Robin na marahil ang naranasan ay dala ng matinding pagod at stress na ngayon lang nag-manifest sa kanya at nagkataong nasa ibang bansa pa siya.

Sa kasalukuyan ay okay na raw si Robin. At bilang pasasalamat sa pag-aalaga ng asawang si Mariel ay binigyan niya ng red tulips na pinost naman nito sa kanyang Instagram account bilang balik pasasalamat kay Binoe.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.