Senator Bong Revilla, binigyan ng grand “welcome home” treat ni Mother Lily at Manay Ichu Maceda

PHOTOS & VIDEOS: Anna Pingol & Melo Balingit

PHOTOS & VIDEOS: Anna Pingol & Melo Balingit

Isang get-together lunch ang inihanda ng dalawang showbiz matriarchs na sina Mother Lily Monteverde ng Regal Films at Manay Ichu Maceda ng Sampaguita Pictures para saglit na makapiling at personal na mai-“welcome home” si Senator Bong Revilla na apat na taong nakulong sa Police Custodial Center sa Camp Crame Quezon City dahil sa paratang na diumano’y pagkakasangkot niya sa pork barrel or PDAF (Priority Development Assistance Fund) scam.

Ngunit nito lamang December 7, 2018, ilang linggo bago mag-Pasko ay in-acquit ng Sandiganbayan ang senator-actor sa kasong kinasangkutan nito.

Ayon sa dalawang movie producers, wala silang ibang ibig pakahulugan sa paghahatag ng welcome-home lunch para kay Senator Bong, kundi gusto lang talaga nilang maramdaman ng senador that he is still very much welcomed sa showbiz na siya diumanong tunay niyang tahanan.

Marami-rami ring nagawang pelikula si Senator Bong under Regal Films (na pawang co-production sa Revilla-owned Imus Productions) gaya ng Dugo ng Panday at Adan Ronquillo noong 1993 at Kung Marunong Kang Magdasal, Umpisahan Mo Na at Yes, Darling: Walang Matigas na Pulis 2 noong 1997; habang ang tatay naman ni Senator Bong, ang dati ring senador na si Ramon Revilla, Sr., ay dati namang artista ng Sampaguita Productions ng mga Vera-Perezes na pag-aari ng pamilya ni Manay Ichu Maceda.

Ayon kay Manay Ichu, na biyuda ni dating Senator Ernesto Maceda, gaya ni Senator Bong ay sanay din siya sa buhay showbiz at pulitika kaya’t mapapatotohanan niyang ang mas totoong mga kaibigan ay matatagpuan sa showbiz at hindi sa pulitika.

Narito ang kabuuang mensahe ni Manay Ichu:

“Sanay ako sa mundong ginagalawan niya. Galing ako sa showbiz at pulitika. Ang masasabi ko lang ang tunay na pamilya at kaibigan matatagpuan mo sa showbiz at hindi sa pulitika. So, in welcoming Bong back personally is a long history… his father used to work in Sampaguita Pictures—si Mang Ramon Revilla. Si Mang Ramon ang first visitor sa hospital no’ng pinanganak si Gina [De Venecia, nakababatang kapatid ni Many Ichu]. Marami kaming pinagdaanan at…

“…Bong ikaw sinasabi nila ang lakas ng appeal mo sa babae. Balewala ka sa tatay mo. Matindi… si Lilybeth ’yong kapatid ko, in charge sila ni Mang Ramon no’ng bumisita sila sa Europe. Walang masabi lahat ng tao sa kanya… pero ang gusto ko dito kay Bong ang hindi ninyo alam marami siguro sa inyo ang nakalimot na si Bong ang pinaka-author no’ng ating batas na amendment…hindi yata amendment…amusement tax—ibaba from 30% to 10%. Utang na loob natin ’yon kay Bong. Marami na naman problema ang industriya… Bong, sana sa pagbalik mo sa senado matulongan mo ulit ang industriya. We love you.”

Samantala, iginiit ni Mother Lily that she’s not making a stand by hosting a lunch get-together. Gusto lang daw niyang malaman ng senador na anuman ang mga naganap ay may kaibigan pa rin ang senador in her person.

Narito rin ang kabuuang speech ni Mother Lily:

“Good afternoon, friends.

“People will always say what they want to say. And especially nowadays, people ALWAYS have something to say. Everything we do is always given some shade or colour. I feel we have lost the joys of being spontaneous. We have lost the right to make choices without people having opinions about them.

“But this afternoon, I do not care. I do not care what people may think or what motives they think I have for this gathering. As far as I am concerned and from the bottom of my heart, I am simply welcoming home a dear friend who we have missed. That is all there is to this luncheon that gathers us all together this afternoon.

“We are all friends welcoming back in our arms somebody who was not with us for reasons beyond our control or explanation. And we are not here to make a stand except for one important statement: Bong Revilla, you are our dear friend. . . and we are happy that you are back.

“There is no greater treasure than appreciating the blessing of friendship that has been given to us. Have a good afternoon.”

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bong Revilla, ayaw maki-alam sa bagong lovelife ni Jolo; Lolit Solis, Team Jodi daw siya

"Welcome Home, Bong!"

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.