Sen. Bong Revilla, sumagot na sa issue with Janine Gutierrez: “Wala na sa akin ’yon.”

Ang masasabi ko lang, mahal ko kayong lahat na nasa industriya ng telebisyon... ’yong sinimulan natin sa industriya, ’yong pagtulong natin...parang magkakapatid lahat, sana ipagpatuloy natin ’yon.”

Photos: Anna Pingol & Instagram

Ang masasabi ko lang, mahal ko kayong lahat na nasa industriya ng telebisyon... ’yong sinimulan natin sa industriya, ’yong pagtulong natin...parang magkakapatid lahat, sana ipagpatuloy natin ’yon.”

Earlier today ay nagpa-imbita ng isang thanksgiving salu-salo si Senator Bong Revilla, kasama ang kanyang maybahay na si Bacoor Cavite mayor Lani Mercado, sa Quezon City na nagsilbi na ring pagbibigay update sa nalalapit niyang pagbabalik sa acting.

Nagsisimula na kasing gumiling ang TV series niyang Agimat ng Agila sa GMA-7 na ayon sa senator-actor ay weekly fantasy series pala na pambata s’yempre at may special effects. Target nila itong maipalabas ng March or April daw. Ayaw pang sabihin ng senador kung sinu-sino ang cast members, although balita namin ay pasok si Kapuso actress Sanya Lopez.

Natanong ang nagbabalik-TV’ng aktor kung may hand daw ba siya sa mamili ng mga guests sa said TV show pero ang sagot niya ay bahala na ang GMA-7 doon.

S’yempre, may sumundot kung okay lang daw ba kung i-guest ng GMA-7 si Janine Gutierrez? First time kasing sasagutin ng senador ang issue tungkol sa kanila ni Janine na pumutok in December last year.

“Oo,” sabay tawa na nagpa-singkit lalo na kanya. “Oo naman. Walang problema sa akin ‘yon.”

Nang hingan ng pahayag kung ano talaga ang naging saloobin niya sa isyu... 

“Ang masasabi ko lang, mahal ko kayong lahat na nasa industriya ng telebisyon... ’yong sinimulan natin sa industriya, ’yong pagtulong natin...parang magkakapatid lahat, sana ipagpatuloy natin ’yon.”

Hindi nga ba talaga sumama ang loob niya kay Janine bilang kasamahan niya ito sa showbiz?

“Wala na sa akin ’yon...karapatan nila ’yon...basta mahal ko sila,” maikling pahayag niya.

Kung makasalubong daw ba niya ang young actress sa studio ng GMA-7 ay babatiin niya ba ito?

“Wala na sa akin ’yon, e,” ulit niya. “Balewala sa akin ’yon. Kilala n’yo ako. You should know me better.

Matatandaang bago mag-Pasko last year ay naging kontrobersyal ang two-word “Oh God” tweet ni Janine Gutierrez bilang reaction sa tweet din ng GMA-7 announcing  the TV comeback ng senator-actor after maabswelto sa kasong plunder.

Hindi ito pinalampas ng manager at nanay-nanayan ni Bong Revilla na si Manay Lolit Solis na tinira si Janine sa Instagram naman.

Bahagi ng talak ng Insta talak ni Lolit noon kay Janine: "How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won't be where she is today?”

But that’s all water under the bridge now. Hindi ito naka-apekto sa samahan nina Manay Lolit Solis at sa nanay ni Janine na si Lotlot de Leon

Malalaman natin in the future, pag nagkita-kita na ang mga direktang sangkot sa issue sa isang lugar, kung paano nila iha-handle ang sitwasyon.

Bilang pagtatapos, nagpasalamat ang senator-actor sa pagbibigay ng chance sa kanya ng GMA-7 na muling makabalik sa acting despite ng mga pinagdaanan niya.

“Ako nagpapasalamat sa GMA, sa pamunuan ng GMA sa suporta nila na talaga hindi nila ako pinabayaan eversince...at nakita naman nila ang pagiging loyal ko sa kanila.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.