Maria star Cristine Reyes just turned 30 last February 5 and admittedly, iba na ang pananaw niya ngayon sa buhay.
“Ngayong thirty na ako iba na…iba na. Iba na ang outlook mo sa buhay, hindi ka na naghahanap ng kasiyahan sa buhay. Ang hinahanap mo na ngayon kung ano ’yong. . . actually wala akong hinahanap sa buhay. Ano lang for me… dati kasi noong bata pa ako, parang ayoko magtrabaho noon…gusto ko lang… ba’t ba ako nagta-trabaho? Ganyan. Ngayon, thirty na ako…No, I need to work. Wala ng fun for me ha. Gusto ko na umuwi. Gusto ko na makita daughter ko. Gano’n na lang.”
Pero alam niya na gustuhin man niya ay may mga pagkakataon pa ring hindi niya p’wedeng makasama araw-araw ang anak na si Amarah dahil working mom siya.
“Pero ine-explain ko naman sa kanya, e. ‘Mommy really has to work, baby, so that mommy can pay for our hotel.’”
Kapag daw kasi naglalakwatsa silang mag-nanay, kagaya noong nag-Boracay sila kamakailan, ang una raw tanong ng bagets ay kung may hotel sa pupuntahan nila.
At isa nga raw ito sa dahilan kung bakit patuloy siyang ratsada sa trabaho. Dahil gusto niya ng “comfortable and happy life” para sa kanila ni Amarah.
Nakapanayam ng pikapika.ph at ng iba pang entertainment press si Cristine sa media conference ng action movie niyang Maria sa Playhub Events Place sa Quezon City kaninang hapon, Marso 6.
Wala ni isang pagkakataon sa interbyuhan na nabanggit ni Cristine ang pangalan ng diumano ay estranged husband na niya ngayon si Ali Khatibi. Kaya nang naglakas-loob si DZRH showbiz reporter na si Gorgy Rula kung siya nalang ba ang nagtatrabaho ngayon for her kid, ipinaliwanag niyang ever since naman ay self-made na talaga siya.
“Ever since naman ako lang naman talaga nagwo-work for myself and I can really say that I’m self-made,” makahulugang sagot ni Cristine. “And ever since I started working… for 15 years ever since 2003, I also help my family. Nobody really helps me financially.”