Dalawang beses palang inalok ni Sef Cadayona ng kasal ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Nelan Vivero.
Nanggaling mismo ’yan sa Kapuso actor na idinaan n’ya sa kanyang Instagram post kagabi, August 30.
Bale, late announcement n’ya ito na he’s now officially “off the market” na, ika nga.
Kuwento ni Sef, last Valentine’s Day (February 14, 2023) daw nang alukin n’ya ng kasal si Nelan kahit na wala s’yang hawak na singsing para dito.
Gumawa na lang umano s’ya ng singsing na gawa sa papel that time, na buong puso naman daw na tinanggap ng kanyang girlfriend.
“Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang matamis mong OO! Biruin mo.. sa hindi inaasahang pangyayari nag propose ako gamit ang gawa kong papel na singsing,” paglalahad ni Sef sa kanyang IG post.
Parang may nag-push daw kasi sa kanya noong mga panahong ’yon na mag-propose na ng kasal.
“May iba doon eh.. lahat tama parang lahat ng nararamdaman ko eh inuudyok nako itanong sayo kung pwede ba kitang makasama habang buhay,” saad pa n’ya.
“Kahit hindi magarbo o engrande.. umoo ka. Napaka swerte at saya ko nung gabing yun (patugtugin ang PAPER RINGS NI TAYLOR SWIFT) wow Swiftie,” he added.
Ganu’n pa man, hindi umano naalis sa isip n’ya na kailangan n’yang mabigyan nang maayos na engagement ring si Nelan.
“Dumaan ang ilang buwan tuloy ang ating buhay.. pero nakatatak sa isip ko, ibibigay ko ang galak at saya na para sayo,” he wrote.
Hanggang nitong nakalipas na August 13 naganap ang kanyang marriage proposal 2.0 para dito.
Sa pagkakataong ito, dala na ni Sef ang singsing na may bato. Pero kinabahan daw s’ya.
“Kabang kaba ako! Panay memorya ng linya na sasabihin ko pag nasa harap na kita,” pag-amin at pag-a-aadress ng komedyante sa kanyang kasintahan.
Kinausap na rin daw n’ya ang parents ni Nelan para pormal na hingin ang kamay nito sa kasal.
“Pumunta [ako] sa bahay niyo para magpaalam sa magulang mo… masabi ko sa kanila na masaya tayo at gusto ko sana ganun tayo hanggang sa tumanda na tayong dalawa. Na magkasama. Mapalad ako na pumayag sila!” pagpapatuloy pa n’ya.
“Humingi ako ng tulong kay Ate A paano diskarte sa pag dating mo.”
At nang makauwi nga si Nelan ay doon na raw n’ya ito tinanong sa ikalawang pagkakataon.
“Kaya pag pasok mo sa bahay niyo.. nakahintay nako… Para itanong ulit sayo, ‘Will you marry me?’ aniya.
S’yempre, muli itong umoo kay Sef. Patunay riyan ang isa sa kalakip na mga photos kung saan suot na n’ya ang singsing na bigay ng aktor.
“Mahal kita, Nelan! My Lemoine [Face with tears of joy emoji] wag moko papuntahin sa malayo,” pagtatapos ni Sef.
Congratulations, Sef and Nelan!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/