Sean Lucas, natulala nang makita si Heart Evangelista for the first time

Maganda rin umano ang naging epekto ng pag-attend ni Sean Lucas sa thanksgiving gala ng GMA Network dahil mas naging inspirado daw s’ya sa pag-aartista ngayong nakita na n’ya in person ang iba pa n’yang iniidolo gaya nina Alden Richards at Bea Alonzo. 

PHOTOS: @seanlucas__ & @iamhearte on Instagram

Maganda rin umano ang naging epekto ng pag-attend ni Sean Lucas sa thanksgiving gala ng GMA Network dahil mas naging inspirado daw s’ya sa pag-aartista ngayong nakita na n’ya in person ang iba pa n’yang iniidolo gaya nina Alden Richards at Bea Alonzo. 

Hindi umano napigilan ng showbiz newbie na si Sean Lucas ang ma-starstruck nang makita n’ya ang iniidolong si Heart Evangelista sa kauna-unahang pagkakataon. 

Inamin n’ya ito sa exclusive interview n’ya with pikapika.ph kamakailan matapos naming kumustahin ang naging experience n’ya seeing Heart for the first time. 

Naging very vocal kasi itong si Sean sa mga nakaraang media conferences ng kinabibilangan n’yang Sparkada, ang youth-oriented group ng GMA Network’s talent arm na Sparkle, na dream leading lady n’ya umano si Heart. Ito ay kahit pa never pa n’yang na-meet in person ang Kapuso actress and fashion icon.

At natupad nga ang inaasam n’ya na makita ito in person dahil present si Heart, kasama ang husband nitong si Senator Chiz Escudero, sa GMA Thanksgiving Gala last July 30.

Pag-amin n’ya ni Sean, natulala daw s’ya at tinablan ng hiya nang makita n’ya si Heart. 

Natulala po ako. Hindi ko po s’ya nakausap, hindi rin po ako nakalapit. In-admire ko lang s’ya from afar,” natatawang pagre-recall ng baguhang aktor. 

Hindi po [ako nakapag-selfie]. Hindi ko kinaya. Nahiya ako nang sobra. Sana, next time, siguro. Sana magkalakas ako ng loob,” dagdag pa n’ya. 

Overwhelming rin daw for him ang event na ’yon dahil first time n’yang maka-attend sa isang star-studded formal event.

’Di ko po talaga in-expect na ganu’n s’ya, as a first timer, lalo na po nu’ng sa red carpet. Sabi nila, ‘Oh, pagdating mo sa dulo pi-picture-an ka.’ Tapos pag dating ko, ‘Uy, parang pader ito ng mga photographer, ah.’ Medyo nanginig ako doon,” natatawang pagbabahagi ni Sean.

Saka na-starstruck na makita ang mga Kapuso stars. S’yempre, ’yong iba first time mong makita. Ang nakakatabi mo sina Ms. Marian [Rivera], Ms. Heart Evangelista. Medyo maninigas ka talaga pero overall, na-enjoy ko naman po bilang first time ko din. I just really had a great time.”

Natanong pa naming kung may something ba sa pagitan nila ni Tanya Ramos, ang kanyang Sparkada co-member, dahil silang dalawa ang naging partners sa red carpert that night. 

Kuwento n’ya, naghintayan daw sila ng mga kasamahan nila sa Sparkada sa holding area nang matagal kaya sinabihan sila na pumasok na. Kaya naman instantly ay naging mag-partner sila ni Tanya. 

“The plan po kasi talaga was sabay-sabay po kaming Sparkada papasok. Ang problema po hindi kami nagkasundo sa oras. Naghihintayan po kami sa labas ng red carpet…hanggang sa tumagal na. Sinabihan na kami na, ‘Pumasok na kayo. Okey na ’yan.’ Tapos ayon, naghanap kami ng ka-partner,” paliwanag ng showbiz newcomer. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Sean Lucas (@seanlucas__)

At sa tanong kung may special connection ba sila ng daughter ni Wendell Ramos, “Wala naman pero we’re really close friends. Isa siguro s’ya sa pinaka-close ko sa Sparkada.”

Maganda rin umano ang naging epekto ng pag-attend n’ya sa thanksgiving gala dahil mas naging inspirado daw s’ya sa pag-aartista ngayong nakita na n’ya in person ang iba pa n’yang iniidolo gaya nina Alden Richards at Bea Alonzo

Dati pa po gusto kong makatrabaho sina Sir Alden at Ms. Bea Alonzo. Now that nakita ko na sila in person, mas lalong gusto ko silang makatrabaho. Kasi ’yong dating nila iba, e. Kung makakatrabaho ko sila I get to learn from them,” pagtatapos ni Sean.

Anyway, kabilang si Sean sa upcoming TV series na Luv Is: Caught In His Arms, ang adaptation ng Wattpad web novel na Caught In His Arms.

Kinatatampukan ito ng Sparkle love team na sina Sofia Pablo and Allen Ansay, at kung saan kasama rin ang ilan sa kanyang mga Sparkada groupmates na sina Tanya Ramos, Vince Maristela, Michael Sager, Caitlyn Stave, at Cheska Fausto.

Mapapanood ang Luv Is: Caught In His Arms starting this October sa GMA Network.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sparkada member na si Kim Perez, gustong magmarka ala-John Lloyd Cruz; Vince Maristela, open for online coaching para sa mga nangangarap ng hunk bod like his

Showbiz newbies na sina Lauren King at Caitlyn Stave, na-bash sa pagiging mga tisay

Sparkle newbie talents na sina Roxie Smith at Cheska Fausto, tuluyan nang iniwan ang mga beauty pageants for showbiz

SPARKADA boys Anjay Anson, Jeff Moses, at Larkin Castor, inspired kay Alden Richards

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.