Sean de Guzman, may hugot pa rin sa amang nang-iwan sa kanila; “Hindi pa po ako handang harapin siya.”

May kinalaman sa droga ang kuwento ng Fall Guy, ang bagong pelikulang iso-shoot palang ni Sean de Guzman. Dahil dito, natanong ang binata kung nasubukan na niyang mag-drugs at kung ano ang maipapayo niya sa mga lulong dito. “Ang drugs po kasi, wala naman tayong nababalitaang magandang naidulot ’yan,” saad niya. “So, dapat na ma-stop ang ganun’g gawain lalo na sa mga kabataan kasi marami pong nasisirang buhay.” Matapos noon ay ipinagdiinan niyang hindi niya pa nasubukan ito. “Kasi, nandiyan ’yung mga taong tumutulong sa akin para i-guide ako sa mga daan na tatahakin ko,” katwiran niya.

Photos: @seandgman_

May kinalaman sa droga ang kuwento ng Fall Guy, ang bagong pelikulang iso-shoot palang ni Sean de Guzman. Dahil dito, natanong ang binata kung nasubukan na niyang mag-drugs at kung ano ang maipapayo niya sa mga lulong dito. “Ang drugs po kasi, wala naman tayong nababalitaang magandang naidulot ’yan,” saad niya. “So, dapat na ma-stop ang ganun’g gawain lalo na sa mga kabataan kasi marami pong nasisirang buhay.” Matapos noon ay ipinagdiinan niyang hindi niya pa nasubukan ito. “Kasi, nandiyan ’yung mga taong tumutulong sa akin para i-guide ako sa mga daan na tatahakin ko,” katwiran niya.

Nagpapasalamat ang manager ni Sean De Guzman na si Ms. Len Carillo kay Boss Vic Del Rosario dahil ipinahiram siya nito sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions para gawin ang pelikulang Fall Guy na ididirek ni Joel Lamangan.

Exclusive contract kasi ang aktor sa Viva Artist Agency. Pagkatapos ng matagumpay na launching movie nitong Anak ng Macho Dancer noong 2021 ay binigyan na siya ng sunud-sunod na pelikula ng Viva Films—tulad ng Nerisa, Taya, Bekis on the Run, Mahjong Nights, Hugas, at ang Iskandalo mini series —na lahat ay kasalukuyan pa ring napapanood sa Vivamax.

Sa loob lamang ng isang taon ay malayo na ang narating ni Sean at grateful naman ang aktor sa mga taong tumulong sa kanya para maabot niya ang pangarap niya. Una na roon si Ms. Len Carillo na siyang nagdala sa kanya sa Viva. 

Hindi itinanggi ng baguhang aktor na muntikan na siyang mag-apply ng waiter noon sa kawalan ng pagkakakitaan dahil siya ang breadwinner ng pamilya mabuti na lang at dumating ang mga offers ng Viva.

“Dati, walang nakakakilala [sa akin], ganyan. Ngayon, kahit pakonti-konti, may mga nakakakilala, nakaka-acknowledge na,” balik-tanaw ng aktor na naka-face-to-face tsikahan ng press sa nakaraang story conference ng pelikula niyang Fall Guy na ginanap sa Novotel Araneta City, Cubao nitong Linggo, April 17.

Ngayong kumikita na siya kahit papaano ay aminado siyang mas naging kuripot siya. Nag-i-ipon daw kasi siya para makapagpatayo ng bahay para sa pamilya. Moreover, inuna daw niyang mabigyan ng pagkaka-kitaan ang pamilya para in case hindi siya makapag-abot ay may madudukot naman ang mga ito.

Pero nang kumustahin ng media ang relasyon niya sa kanya ama—dahil nabanggit niya noon na may lamat ang kanilang relasyon—ay hindi kaagad nakasagot ang aktor.

“Hindi pa po kami okey,” matapat na lahad niya matapos mag-isip nang malalim. “Hindi kami nag-uusap. Pero nagri-reach out [siya] kaso hindi pa ako handang harapin siya.”

Tila malalim ang sugat na iniwan kay Sean ng pang-iiwan sa kanila ng ama noong bata-bata pa siya.

“Mahirap rin po kasi [magka-ayos] kasi may iba ng family [siya],” dagdag niya.

Samantala, may kinalaman sa droga ang kuwento ng Fall Guy na isinulat ni Troy Espiritu. Dahil dito, natanong ang binata kung nasubukan na niyang mag-drugs at kung ano ang maipapayo niya sa mga lulong dito.

“Ang drugs po kasi, wala naman tayong nababalitaang magandang naidulot ’yan,” saad niya. “So, dapat na ma-stop ang ganun’g gawain lalo na sa mga kabataan kasi marami pong nasisirang buhay.”

Matapos noon ay ipinagdiinan niyang hindi niya pa nasubukan ito.

“Kasi, nandiyan ’yung mga taong tumutulong sa akin para i-guide ako sa mga daan na tatahakin ko,” katwiran niya.

Samantala, nahingan din ng reaksyon ang binata ukol sa mga papuri ni Direk Joel Lamangan sa kanya during the story conference, kung saan  siniguro nito na magkakaroon umano ng award si Sean sa pelikula Fall Guy kapag inigihan nito ang trabaho niya.  

“Siguro bahala na si Lord,” nangingiting sambit niya na halatang nape-pressure.

“Pero, gagawin ko ang lahat para magka-totoo ang sinabi ni Direk. Hahaha!  Actually, good pressure `yon sa akin. Parang motivation ko na rin. Kabado rin siyempre, pero sana talaga maibigay ko ang gusto ni Direk. Basta pangako ko, gagawin ko lahat.”

Nasambit din ng binata na gusto niyang mag-shift sa drama at babawasan na ang pa-sexy sa mga pelikula niya.

“Ako naman hindi ko tinatalikuran ang pagpapaseksi. As a new actor, gusto kong ma-explore lahat ng puwedeng maging role, mapa-sexy, action, drama... kahit ano pa ang ibigay nila, p’wede pa rin ako.

“Pero dito sa movie na ito [Fall Guy], acting piece ito kumbaga, at makikita siguro ang improvement sa akin.  Gusto kong makita ako ng mga tao na aktor na ako, hindi lang basta artista. Gusto kong mahanay sa mga aktor na sobrang gagaling talaga, pero still learning pa rin,” paliwanag niya.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sean De Guzman, na-totoo nang pananakal kay Jay Manalo sa isang shooting; Jay, nilektyuran si Sean

Sean de Guzman, feeling awkward pag sinasabihang siya ang papalit kay Jay Manalo

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.