Sean de Guzman, masidhi ang pangarap na makatrabaho ang idolo n'yang si "Sir Coco [Martin]."

Para kay Sean de Guzman, memorable ang pelikulang Fall Guy dahil ito ang nagbigay sa kanya ng dalawang international best actor awards sa CHITHIRAM International Film Festival sa India at Anatalian Film Awards sa Turkey. “Masasabi ko pong isa siya sa milestone ng career ko kasi hindi ko talaga ini-expect na mananalo po ako ng award sa movie,” aniya.

Photos: Archie Liao and @cocomartin_ph

Para kay Sean de Guzman, memorable ang pelikulang Fall Guy dahil ito ang nagbigay sa kanya ng dalawang international best actor awards sa CHITHIRAM International Film Festival sa India at Anatalian Film Awards sa Turkey. “Masasabi ko pong isa siya sa milestone ng career ko kasi hindi ko talaga ini-expect na mananalo po ako ng award sa movie,” aniya.

Pagkatapos magpa-seksi sa Anak ng Macho Dancer; My Father, Myself; at iba sa mga Vivamax movies and series niya, muli na namang nagpapakitang-gilas ang award-winning na ngayong aktor na si Sean de Guzman sa pelikulang Fall Guy.

Para kay Sean, memorable ang nasabing pelikula dahil ito ang nagbigay sa kanya ng dalawang international best actor awards sa CHITHIRAM International Film Festival sa India at Anatalian Film Awards sa Turkey.

“Masasabi ko pong isa siya sa milestone ng career ko kasi hindi ko talaga ini-expect na mananalo po ako ng award sa movie,” aniya.

Dagdag pa niya, utang na loob daw niya sa kanyang director na si Direk Joel Lamangan ang kanyang naging tagumpay sa international scene. 

“Thankful po ako kay Direk Joel kasi siya iyong unang nagtiwala sa akin sa Anak ng Macho Dancer at nagbigay sa akin ng break bilang aktor. Marami rin po akong natutunan sa kanya na nagagamit ko kung paano pa po pagbubutihin ang craft ko bilang aktor at isa na po rito iyong naging guidance niya sa akin noong ginawa ko ang Fall Guy,” lahad ni Sean.

Deklara pa niya, naging motivation din daw sa kanya ang pagkapanalo para mas mahalin pa niya ang kanyang trabaho.

"Para sa akin, inspirasyon po siya para mas mahalin ko pa ang aking trabaho," aniya. "Minsan lang po nakakatakot din na parang ...nag-e-expect sa iyo iyong mga tao kung ano pa ang kaya mong ipakita. Pero ako naman po, ibinibigay ko ang 100 percent ko sa lahat ng ginagawa ko para ma-meet ko po ang expectations sa akin," paliwanag niya. 

Dahil nanalo na ng international best actor awards, hindi raw naman ibig sabihin noon ay magiging mapili na siya sa roles o hihinto na siya sa pagpapa-sexy.

“Ako naman po bilang aktor, open po ako sa mga bagay na di ko pa nagagawa, so I want to be versatile po. Ayoko pong ma-stuck sa isang role o sa isang genre,” bulalas niya. “Sa ibang bansa naman po, hindi naman po tinitingnan kung saan ka galing. Ang tinitingnan nila ay kung ano iyong… o hanggang saan ang kaya mo. Iyon po ang pananaw ko na hindi lang po ako pang-sexy,” dugtong niya.

Sey pa niya, gusto rin daw niyang i-try ang ibang genre tulad ng romance, comedy, action, horror, at iba pa.

"Gusto ko pong mag-superhero. Gusto ko ring mag-horror. Gusto ko rin pong mag-comedy. Actually, mahirap siya. Mahirap mag-comedy, di ba? Akala natin madali lang magpatawa pero iyong ibang tao kasi ang hirap i-please. Iyon iyong challenge sa akin na kailangang maging effective as a comedian," bulalas niya.

Hirit pa niya, gusto rin daw niyang makatrabaho si Coco Martin na isa sa kanyang mga idolo.

"Sana po. Si Sir Coco po kasi , napakagaling niyang artista. Sobrang malayo na ang kanyang narating pero sobrang deserved naman po niya kung ano ang tinatamasa niya ngayon,” ani Sean. “Actually, isa po siya sa mga iniidolo ko rito sa industrya. Sana po magkatrabaho kami ni Sir Coco dahil idolo ko po siya," dugtong niya. 

(Kung babalikan, sa sexy-drama genre din naman nagsimula si Coco via Masahista.)

Sa pelikulang Fall Guy na streaming na sa Vivamax, ginagampanan ni Sean ang papel ng isang caretaker na napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa.

Mula sa produksyon ng Viva Films at 3:16 Media Network ni Len Carillo at sa direksyon ni Joel Lamangan, tampok din sa cast sina Cloe Barretto, Vance Larena, Shamaine Buencamino, Marco Gomez, Glydel Mercado, Tina Paner, Quinn Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Hershie de Leon, Jim Pebanco, at iba pa.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sean de Guzman on his future girlfriend: “Mas gusto ko ng non-showbiz…”

Sean de Guzman, espesyal na ba kung tratuhin sa set dahil sa dalawa niyang best actor awards?

Hamon ni Sean de Guzman sa mga nagdududang prosthetic ang ipinakita niya sa The Influencer: “Panoorin n’yo ulit para makilatis n’yo.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.