Sean De Guzman, inaming tinablan sa isang ka-intimate scene; AJ Raval, binistong siya ’yon

“Isang beses! Haha!” pag-amin ni Sean kung na-turn on ba siya sa mga intimate scenes niya sa Taya. “Di ko na sasabihin kung kanino…” Pero agad na depensa niya: “Parang natural lang naman sa lalaki na ma-turn on kung may ka-partner na nagla-loving-loving o nagme-make love [sa eksena]. Isang beses nangyari, tuloy-tuloy lang [ang take]. Parang hassle lang kung nag-from the top pa kami. So, diretso lang, di ba?”

Photos: Viva Films

“Isang beses! Haha!” pag-amin ni Sean kung na-turn on ba siya sa mga intimate scenes niya sa Taya. “Di ko na sasabihin kung kanino…” Pero agad na depensa niya: “Parang natural lang naman sa lalaki na ma-turn on kung may ka-partner na nagla-loving-loving o nagme-make love [sa eksena]. Isang beses nangyari, tuloy-tuloy lang [ang take]. Parang hassle lang kung nag-from the top pa kami. So, diretso lang, di ba?”

Trailer palang ng Taya ni Direk Roman Perez Jr., kitang-kita nang namumutiktik ito sa mga sizzling bed scenes.

Libidinous kasi ang character dito ni Sean De Guzman as a journalism student na makakatisod ng investigative story about an online gambling and prostitution syndicate.

Pinasok niya ang mundong ’yon para gawing project sa school. Pagnanasahan niya ang isa sa mga prostitutes na “pa-premyo” sa sugal doon pero dahil newbie, mamamali siya ng taya at iba ang babaeng maipapadala sa kanya as prize, si AJ.

His lust for AJ ay mahahaluan ng love at nanaisin niyang magpapaka-hero at alisin ito sa sindikato.

Pero dahil marami ngang maiinit na eksena si Sean with the three sexy leading ladies, natanong ang mga girls—Jela Cuenca, Angeli Khang, and AJ Raval—sa virtual media conference kamakailan kung mapa-flatter ba sila o maiinis kapag halimbawang naramdaan nilang nate-turn on o tinatalaban sa eksena ang lalaking ka-eksena nila. In this case, si Sean.

Si AJ ang unang sumagot.

“Kami po ni Sean, bago pa po namin gawin ’yong eksena nag-usap na po kami na magiging open kami para walang wall,” mahabang preamble ni AJ. “Kung anuman po maramdaman ko o maramdaman ni Sean, tuloy-tuloy lang po basta po alam namin ang mga limitasyon namin.”

“Gaya po nang sinabi ni AJ, hindi na kami nag-ilangan kasi bago pa man, we consult na,” page-echo ni Jela sa sinabi ni AJ. “For me, siguro, ’yong gano’ng pangyayari, hindi po mangyayari sa sarili ko...pero kung ’yong ke-eksena ko po [ma-tun on], tatawanan ko siya. Haha!”

Si Angeli lang ang tumumbok nang diretso sa tanong.

“Kung sakali mang na-turn ’yong partner ko sa movie, mapa-flatter ako kasi dahil na-turn on siya sa akin dahil maybe may nakikita siya sa physical ko...whoever that is,” say ng angelic-looking na si Angeli. “Pero alam ko naman po na kaya siya pumasok sa ganito, is for career at professionalism...so, hindi ako mabubuwisit. Nakikita lang naman niya ako in that way pag nag-su-shooting na. Mas natural ’yon lalabas pag dating sa screen.

“But then after no’n, happy pa rin ako na nakita niya akong maganda o nakaka-turn on.”

Direkta namang natanong si Sean, theoretically, kung possible nga ba siyang tablan lalo pa’t nalilinya siya sa mga daring sexy roles.

“As a professional po, s’yempre kung mangyari man po ’yong ganoong eksena o sitwasyon, diretso lang po [ang acting]...Siguro dala lang po ng eksena o nararamdaman or in character po talaga.

“So, parang hindi ko maisisi ’yong sarili ko kung ma-turn on man ako sa kung sinuman kanila dahil ’yon nga po, naka-in character ako. Sana hindi sila ma-turn off.”

Direktang tanong ulit kay Sean: Nangyari ba ito sa Taya shoot?

“Isang beses! Haha!” pag-amin ni Sean. “Di ko na sasabihin kung kanino...”

Pero agad na depensa niya: “Parang natural lang naman sa lalaki na ma-turn on kung may ka-partner na nagla-loving-loving o nagme-make love [sa eksena]. Isang beses nangyari, tuloy-tuloy lang [ang take]. Parang hassle lang kung nag-from the top pa kami. So, diretso lang, di ba?”

Diin pa ng press, kung kay AJ daw ba siya na-turn on?

Ang no-filter na si AJ ang sumalo: Sa akin po [siya na-turn on]...joke lang! Sean, kung na-turn on ka sa akin, thank you. At least nagawa ko nang maayos ’yong character ko.”

But it turned out, it’s not a joke.

Siguro dala lang din po ng emosyon kasi sobrang close na po namin ni Sean on and off cam,” dagdag esplika ni AJ. “Sobrang sweet po namin sa isa’t isa. Siguro normal nalang din po kay Sean na maramdaman niya ’yong gano’n lalo na po sobra po ’yong intimacy no’ng mga eksena namin.

“Parang hindi po normal na hindi siya ma-turn on...parang ’yon po ’yong hindi normal.”

Agree naman si Direk Roman sa sinabi ni AJ. Parang mas weird, no matter how professional they are, na hindi tablan.

“Na-turn on nga din po ako, e,” natatawang sakay ng kalog na direktor. “Natural ’yon. Natural naman ’yon dahil tatlong babae ang kaharap ni Sean... every two hours [sa shooting] meron siyang love scene. Natural ’yon sa lalaki. Talagang lalaban yan dahil siya lang ang lalaki sa mga characters. Kawawa naman siya kung hindi siya lalaban. Saka siya po ang pinaka-sugapang artista ngayon.”

Ang Taya ay magsisimula nang ma-stream this Friday, August 27, sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, at Vivamax.

Watch Taya and more blockbuster movies and shows when you subscribe to VIVAMAX. Subscribe using VIVAMAX app via Google Play Store and App Store. For only P29, you can unli-watch for three days, P149/month, and P399 for 3 months for bigger savings! You can pay through GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya or PayPal account that’s linked on your Google or Apple account. 

You can also subscribe at web.vivamax.net, select a plan and you can pay through EC Pay outlets: 7 Eleven, and All Day, or through PayMongo, GrabPay, and GCash or through PayMaya.

WATCH RELATED VIDEOS HERE:

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Exclusive: Taya star Sean De Guzman answers pikapika’s Random (naughty) Questions

Sean De Guzman, pinanghinayangan ang pagtaya sa isang no-label na relasyon noon

FOCUS | Sean de Guzman, tumaya—at nanalo—sa showbiz

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.