Sean de Guzman, espesyal na ba kung tratuhin sa set dahil sa dalawa niyang best actor awards?

Kahit nagka-award na s'ya, internationally, ayaw daw ni Sean de Guzman na magbago ang trato sa kanya ng mga kasamahan n'ya sa trabaho. “Hindi dahil hindi ko hinahayaang mag-iba ang tingin nila sa akin. Kasi, ano lang ako… Kumbaga, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” saad n’ya. 

PHOTOS: Vivamax

Kahit nagka-award na s'ya, internationally, ayaw daw ni Sean de Guzman na magbago ang trato sa kanya ng mga kasamahan n'ya sa trabaho. “Hindi dahil hindi ko hinahayaang mag-iba ang tingin nila sa akin. Kasi, ano lang ako… Kumbaga, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” saad n’ya. 

Nauisa ng entertainment press ang sexy-drama actor na si Sean de Guzman kung nagbago na ba ang pakikitungo sa kanya ng mga katrabaho n’ya sa set.

Naganap ito sa virtual media conference nila kamakailan para sa pinagbibidahan n’yang upcoming Vivamax movie na Lawa. 

Dahil nakagawa na rin ng pangalan si Sean sa industriya sa maikling panahon ay natanong ng press people ang aktor kung may changes na bang ipinararamdam sa kanya ang mga katrabaho n’ya sa set. 

Alam naman ng publiko na magkasunod na best actor awards agad ang nasungkit n’ya last year mula sa CHITHIRAM International Film Festival sa India, at sa Anatolian Film Awards sa Turkiye para sa movie n’yang Fall Guy.

Ayon sa award-winning actor, wala naman daw nagbago sa way ng pakikitungo ng mga co-stars n’ya sa kanya. At kung s’ya umano ang masusunod, gusto n’yang itrato daw s’ya na kagaya pa rin ng dati.

Para sa akin wala naman kasi unang-una, kung ano ’yong mga pinapakita ko doon sa mga nakakasama ko, ganu’n din nila ako paano tratuhin. Kumbaga, ganu’n ko gusto nila ako tratuhin, na walang mataas, walang mababa, pantay-pantay kami lahat, tropa kami lahat,” lahad ni Sean. 

Wala rin naman daw kasi nagbago sa kanya kahit pa puwede na siyang maihanay sa mga magagaling na artista ng bansa. 

Hindi dahil hindi ko hinahayaang mag-iba ang tingin nila sa akin. Kasi, ano lang ako… Kumbaga, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” saad pa n’ya. 

Wala naman ’yon [award] kinalaman sa pag-uugali, wala naman ’yon sa pakikisama. As long as may respeto sa isa’t isa okey tayo.

Sey pa n’ya, masaya s’yang makasama sa isang movie project ang mga kaibigan n’yang sina Josef Elizalde, Thor Gomez, Cara Gonzales, Jela Cuenca, at iba pa. Parang team building daw ang nangyari at hindi isang trabaho.

Sobrang nag-enjoy talaga ako sa mga kasama ko sa mga cast ng Lawa. Nag-enjoy talaga kami kasi naka-lock in kami sa Zambales,” pagbabahagi ng aktor.

Wala kaming choice kundi mag-happy-happy and mag-aral and mag-focus du’n sa ginagawa namin. Kaya sobrang nakakatuwa ako kasi parang ito na ’yong movie na ginawa ko last year para sa Vivamax”

Maganda din daw ang naging working relationship nila ni Direk Philip Giordano kahit na ito ang unang beses na nagkatrabaho sila para sa isang pelikula.

And speaking of pelikula, iikot ang kuwento nito sa karakter n’yang si Peter na mahilig namboboso sa intimate moment ng mga magkasintahan sa lawa na malapit sa kanila. Isang araw sa kanyang paninilip ay makakasaksi s’ya ng isang krimen at isang taong malapit sa kanya ang involve dito. 

Ito daw ang dapat abangan ng mga viewers para malaman nila kung magsusumbong ba s’ya sa otoridad o sasarilinin na lang n’ya ang kanyang nakita.

Tsika pa ni Sean, medyo naka-relate s'ya sa kanyang karakter.

’Yong role ko po dito may pagka…parang na-experience ko rin s’ya before. Parang binalikan ko lang ’yong pakiramdam, kung ano ’yong p’wedeng maitulong ko doon sa character. Sa tingin ko naman maayos ko naman nagampanan,” kuwento ng aktor. 

Pero agad na paglilinaw n’ya, “Hindi naman sa namboboso... ’yong feeling na hindi ka na nag-e-enjoy sa partner mo but ’yong iba nakikita mo. Parang ganu’n.”

Pagbibida pa ni Sean, mag-iiwan din umano ng lesson ang karakter n’ya para sa mga manood. 

Para sa akin, sa pelikula na ito pinapakita ’yong addiction sa porn, parang ganu’n. Pinapakita kung paano sirain ng mga sexy videos ’yong personality ng tao,” aniya. 

Kasi doon nagsisimulang mag-iba ang takbo ng utak natin, e. Marami tayong naiisip na kalokohan and then minsan naia-apply natin ’yon sa ibang tao na hindi natin namamalayan,” pagtatapos ni Sean. 

Mapapanood ang sexy-drama-thriller movie ni Sean na Lawa simula March 3 sa Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sean de Guzman, may hugot pa rin sa amang nang-iwan sa kanila; “Hindi pa po ako handang harapin siya.”

Jake Cuenca has an answer for the question: "masarap bang ka-halikan si Sean de Guzman?"

Hamon ni Sean de Guzman sa mga nagdududang prosthetic ang ipinakita niya sa The Influencer: “Panoorin n’yo ulit para makilatis n’yo.”

Exclusive: Iskandalo star Sean De Guzman gamely answers the second round of pikapika’s Random NAUGHTY Questions

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.