“Scissoring scene” nina Cindy Miranda at Rhen Escaño sa Adan, hindi na-gunting

Direk Roman Perez, Jr. says na improvisations lahat nina Cindy at Rhen ang mga erotic scenes mapapanood ng tao sa Adan.

Photos: Anna Pingol & Instagram

Direk Roman Perez, Jr. says na improvisations lahat nina Cindy at Rhen ang mga erotic scenes mapapanood ng tao sa Adan.

R-16 ang rating ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) sa erotic lesbian thriller na Adan na pinagbibidahan ng mga matatapang na aktres na sina Cindy Miranda at Rhen Escaño. 

[Ang R-16 rating restricts 16 years old and below from watching the movie.]

At ayon kay Rhen, kung may na-gunting o na-cut man daw ang MTRCB sa mga eksena ng movie, ay sa mga gory at violent scenes ’yon at hindi sa mga sexy/daring scenes nila ni Cindy.

Kaya hindi mabibigo ang mga fans ng erotic films dahil maging ang “scissoring scene” ng dalawa—o pompyangan in laymay’s term—ay in full glory mapapanood. At isa lamang ’yon sa mga maiinit at mapangahas nilang eksena sa pelikula na buong tapang ginampanan nina Cindy at Rhen.

Lahat daw ng mga erotic scenes nila ay take one lang lahat at walang rehearsals at all, even nga ang hot na hot na scissoring scene na kinunan pa sa mga batuhan near the falls. 

Pero ayon sa dalawang seksing bida, hindi daw sila nag-research at all about scissoring. In fact, sa tsikahan lang na ito sa special screening last weekend nila narinig ang term. Although sumenyas daw ng “gunting” si Direk Roman Perez at agad naman nilang na-get.

“Hindi po [kami nag-research], hahaha!” nagulat na natatawang tsika ni Rhen. “Hinayaan po talaga kami ng mga direktor namin na gawin kung ano po ’yong mga gusto naming gawin to the point na hindi po siya magmumukhang kalkulado or ni-rehearse kasi mas gusto din po namin ibigay ’yong natural sa mga tao....hindi nila isipin na choreographed.”

Agad namang nag-agree si Cindy, na parang mas litaw ang masculine side sa movie. 

“Parang kasi first time din namin talaga sa movie at ’yong characters namin mga inosente talaga, so, walang mali sa p’wede naming gawin,” paliwanag ni Cindy pertaining to sexual movements.

Bukod sa pag-sensyan ng “gunting,” simple lang daw ang naging instruction ni Direk Roman regarding that scene. He’s testifying na talagang improvisations lahat nina Cindy at Rhen ang mga mapapanood ng tao, hindi lang sa eksenang ’yon. Nagbiro pa nga ito na minsan ay akala niya, lalaki na nga si Cindy.

“So, ang galing ng dalawang artista,” say ni Direk. “Dini discuss ko lang ’yong structure kung ga’no nila kamahal ’yong isat isa at kung ano ’yong kaya mong gawin kapag nagla-lovemaking... bahala kayo. Sabi ko, ‘Bahala kayo.’ Aba’y ginawa nila! Hahaha!”

Indeed, binigay no’ng dalawa ang lahat nila for this movie. Kaya ang s’werte din ni Direk Roman na bukod sa magagaling, walang arte sa katawan ang dalawa. 

Katwiran nila pareho, they read the script and accepted the parts. And by accepting, wala nang hold back-hold back. Todo na.

Adan will have its red-carpet premiere tonight at the SM Megamall and it’s showing on Wednesday, November 20

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Adan ladies Cindy Miranda and Rhen Escaño bluff each other out with the Box of Lies game!

Okay lang daw kay Cindy Miranda kung itatakwil siya ng Bb. Pilipinas dahil sa pelikulang Adan

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.