Isang taon ng pormal na mother-in-law ni Sarah Lahbati si Annabelle Rama, ang Gutierrez matriarch na kilala sa pagiging feisty at walang-preno ang bibig.
But since ang panganay nila ni Richard Gutierrez na si Zion ay mag-e-eight years old na ngayong parating na April 29, eight years and more na niyang nae-experience ang pagka-lioness ng Gutz matriarch.
Pero tila sakay naman ni Sarah ang tinaguriang Tita Annabelle sa showbiz. Click naman sila at evident yon sa nasaksihan ng mga tao sa reality series nilang It Takes Gutz To Be A Gutierrez na napapanood noon sa Asian E! Channel at available pa in sa ilang streaming platforms.
Sa presscon kamakailan para kay Sarah na inihanda ng Viva Artists Agency, kung saan muli siyang pumirma ng management contract, natanong si Sarah kung may tip ba siyang mao-offer sa mga kagaya niya with regards sa pakikitungo sa mga in laws, particularly sa mga moms-in-law.
“My tip would be to not judge a book by its cover,” agad na sagot ni Sarah.
In her case daw kasi, napatunayan niyang misunderstood lang kadalasan ang kanyang mother-in-law na kapansin-pansing tinatawag pa rin niyang Tita. Ang best trick daw ay wag itong sabayan pag nasa moment ito ng pag-iingay.
“Kasi nga, as you said, we all know Tita Annabelle na masungit, mataray... this, this, this. But for me, the more I got to know her, the more I was patient and quiet kasi p’wede mo naman... you have option na diba? Sabayan mo ’yong level ng ingay niya or you know, beyond that same level? But for me, being patient and quiet and listening pays off kasi nga, you get to know the person more.”
Contrary sa image na kilala dito ng publiko, may taglay na sweetness at kabaitan daw si Annabelle Rama na na-a-appreciate niya. Hindi raw ito monster-in-law.
“Akala ko din nakakatakot siya... masungit, maingay... yes, sometime she’s still maingay. Pero more than anything napaka-thoughtful niya, napaka- bait.”
Sa sobrang thoughtful nga daw, pati kurtina ay pinapadalhan sila sa bahay.
“Minsan magpapadala sa bahay ng kung anu-ano... hindi naman namin binanggit na kailangan namin ng ganito, ng ganyan... magpapadala ng pagkain, minsan magpapadala ng kurtina... ’yong mga bagay na naaalala niya na kailangan sa bahay. You know, she is sweet in that way.”
Samantala, nangangako si Sarah na mas magiging visible na ulit siya sa showbiz this time at nagpapasalamat siya sa Viva sa pang-unawa nito sa kanya noon nang magpa-alam siyang magpo-pokus muna sa kanyang pagiging mom and wife.
Sa ngayon ay may bine-brainstorm daw silang project ni Richard para sa kanya at ilalatag nila soon sa Viva.
YOU MAY ALSO LIKE:
Sarah Lahbati, action ang gustong maging come-back movie
Ella Cruz, always willing gumawa ng horror movies basta walang manika involved
Sharon Cuneta showers Angel Locsin with praises after her donation to animal rescue group
Saloobin ni Kris Bernal sa panibagong lockdown: “Nakakapagod na. Paulit-ulit.”