Say ni Kim Molina sa mga mambabastos sa kanila ng nobyong si Jerald Napoles sa social media: mag-unfollow nalang kesa mambastos

PHOTOS: @kimsmolina & @iamjnapoles on Instagram

PHOTOS: @kimsmolina & @iamjnapoles on Instagram

Binuweltahan ng actress and singer na si Kim Molina ang isang basher na hindi nangiming mambastos sa kanya sa Facebook. 

Isang screenshot photo ang ipinost ng aktres sa kanyang verified Facebook account last May 5, kung saan mababasa ang komento ng isang basher na may pangalang “Joven” pero tinakpan na ni Kim ang profile picture at last name nito.

Tanong ng basher na si Joven sa kanyang naging comment, “Bkt kim anyare sa mata mo? May [offensive word].”

(Tinakpan din ni kim ang bastos na salita sa kanyang screenshot post.)

Hindi ito pinalagpas ng aktres. 

“Brush your teeth bruhh,” sarkastikong tugon ni Kim sa mapangahas na basher. “Ang bastos ng bunganga mong hype ka.”
 
To the rescue din ang nobyo ni Kim na si Jerald Napoles at kinastigo nito ang netizen.

“[H]oy girlfriend ko ‘yan,” lahad ni Je [palayaw ni Jerald]. “Bakit binabastos mo? Close kayo?

“P’wede naman katuwaan, wag lang bastos. Kaya mo bang sabihin sa personal yan?”

Naglintaya din si Kim sa isinulat n’yang caption at sinabing ina-accommodate naman daw nila ang mga ng messages at comments ng mga fans at followers pero hindi daw 'yon nangangahulugan na p’wede na silang bastusin.

“Public figures? Yes. Do we chat comment with our followers? Hindi man kayanin sa lahat pero YES we try as much as we can. Ganun pa man hindi ibig sabihin na pwede na kaming bastusin ng ganun ganun lang,” pahayag n’ya.

Pasalamat daw ang netizen at itinago pa rin ni Kim ang identity nito sa kabila ng ginawa nito. 

“Be grateful I crossed out your full name,” saad ng TV host-vlogger.

Sinabihan din n’ya na mag-unfollow na lang ang mga nagpaplanong mambastos sa kanila ng kanyang nobyo dahil hindi daw talaga n’ya ‘yon papalagpasin. 

“Next time someone acts disrespectful, better unfollow or I WILL CALL YOU OUT,” banta pa n’ya sa kanyang isinulat na caption. “I will not tolerate hate and negative influence on my page.”

Dagdag pa ng Viva artist, “Good vibes lang, bawal bastusan. This goes out to Jerald Napoles’ and our joint account KimJe as well. 

“Have a good day, mga lods #ThinkBeforeYouClick,” pagtatapos ni Kim.

 

Public figures? Yes. Do we chat comment with our followers? Hindi man kayanin sa lahat pero YES we try as much as we...

Posted by Kim Molina on Wednesday, May 5, 2021

Anyway, napapanood si Kim ngayon bilang co-host ni Billy Crawford sa reality singing competition produced by Viva Entertainment at TV5 na Born To Be A Star na mag-ga-grand finals na bukas, May 8. 

Bibida rin si Kim sa upcoming movie na Ang Babaeng Walang Pakiramdam na mapapanood simula June 11 sa Viva streaming app na Vivamax.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: The KimJe couple answers Pikapika’s Random Questions

Jerald Napoles on marrying Kim Molina: "We're still maximizing what we can do kasi s'yempre kapag [kasal na] ibang level na, e."

Pika's Pick: The #KimJe couple (Kim Molina and Jerald) gets their Silver Play button plaque from YouTube

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.