Say ni Annabelle Rama kay Gretchen Barretto: “Kung hindi siya tumahimik mas mahaba pa sasabihin ko.”

“Fresh lang ang sabi ni Ruffa, magagalit na siya? Kaibigan ko naman siya, e. Mahal ko yan, e. Pero hindi ko alam bakit nagalit siya?”

Photos: Anna Pingol & Instagram

“Fresh lang ang sabi ni Ruffa, magagalit na siya? Kaibigan ko naman siya, e. Mahal ko yan, e. Pero hindi ko alam bakit nagalit siya?”

Masayang-masaya kagabi si Annabelle Rama, who turns 67 today, sa kanyang salubong birthday party na ginanap sa Basement 1 ng Palm Grove sa Rockwell Center, Makati. Kabog ang debutante’s ball sa gayak at handa ng Gutierrez matriarch pero ang justification niya dito ay matanda na siya at eenjoyin niya ang pera niya. Ayaw daw niyang magaya sa iba na anak at apo ang nakinabang sa pinaghirapan niya. Siya daw muna, bago mga kamag-anak. Classic Annabelle Rama. Pero ang bawi niya, nakalaan naman na daw ang mga alahas at branded bags niya kay Ruffa, sa mga daughters-in-law niya at sa mga apo niyang babae.

Sa sobrang saya niya ay keber daw siya sa mga nega. In fact, ang paunang bitiw niya nang maiupo namin siya ni reporter colleague Allan Diones kagabi ay ito: “Lahat ng hindi ko kabati, pasensya na kayo, ’Day, ’no! Dapat kayo tumahimik na rin, mga naiinggit sa akin. Wala kayong magagawa, tuloy-tuloy ang swerte ko.”

Hindi na namin pinalagpas ang chance para hingan siya ng pahayag tungkol sa biglaang pagkakasangkot nila ng anak niyang si Ruffa Gutierrez sa ongoing at pinag-uusapan ngayon word war ng Barretto sisters (Gretchen, Marjorie, Claudine).  

Nagsimula lang ng ito sa simpleng pagko-comment ni Ruffa ng “Freshhhhhh” sa isang fresh-looking naman talagang picture post ni Julia Barretto, pamangkin ni Gretchen na anak naman ni Marjorie, sa Instagram last Octber 23.

Ruffa’s comment did not sit well with Gretchen. Marahil ay dahil si Julia ay anak ng mortal enemy niya ngayon si Marjorie at isa rin si Julia sa madalas nitong atakihin sa mga posts niya. Kaya biglang ki-noll out ni Gretchen si Ruffa sa Instagram stories post nito that same day at in effect ay sinabihan nito si Ruffa na “sawsawera” at nagpasaring pa sa 25-year-old issue ng 1994 Manila Film Festival fiasco kung saan nasangkot si Ruffa noon.

READ: Sagot ni Ruffa Gutierrez sa paratang ni Gretchen Barretto: “Gusto ko lang linawin sa lahat ng mga tao na wala akong kinakampihan, hindi ako sumasawsaw.”

Kalmado lang si Ruffa tungkol sa pasaring ni Gretchen. Ang mas naging mainit ay ang kanyang Mommy Annabelle Rama na kilala naman talaga sa pagiging palaban. Hindi nito pinalampas ang pasaring nito sa kanyang panganay at agad gumawa ng Instagram post, kalakip ng picture “Annabelle doll” na sumikat sa 2013 horror movie na The Conjuring. In the said post (which had since been deleted), pinasaringhan din ni Annabelle si Gretchen na “Kakawa ka naman” dahil wala na umano itong kakampi at “halos buong mundo, isinusumpa ka.”

That night, gusto na ring tuldukan ni Annabelle Rama ang issue.

“Ayoko nang magsalita pa kasi tumahimik naman siya, e, kung hindi siya tumahimik, mas mahaba pa ang sasabihin ko,” natatawang say pa ng birthday girl.

Aniya, wala daw siyang idea kung bakit nanahimik na si Gretchen. Pero ayos na rin daw iyon.

“I don’t know...ako excited na ako, lalaban. Kaya lang tumahimik na, wala akong magawa. Hahaha!”

Hindi naman daw kasi p’wedeng hindi niya ipagtangol ang anak niya lalo pa’t wala naman itong masamang intension.

“Of course, pinagtanggol ko lang anak ko kasi wala naman siyang masamang comment against anybody. Sabi lang niya fresh, di ba? Wala na, e, tumahik na...wala akong kaaway na.”

Ayaw na raw niya ng stress kaya buti nalang at kumalma na.

“It’s not worth it. Pero pag lumalaban siya, continue pa rin ako. Hindi naman ako magpapa-under maski kanino ‘no!”

Nagtataka lang din daw siya kung bakit nag-react nang ganoon si Gretchen gayong wala naman silang alitan ni Ruffa at maski daw siya ay kaibigan nito.

“Wala nga. Hindi ko alam bakit? Fresh lang ang sabi ni Ruffa, magagalit na siya? Kaibigan ko naman siya, e. Mahal ko yan, e. Pero hindi ko alam bakit nagalit siya?”

Sa huli ay tinanong namin kung dadating ba si Marjorie sa ongoing birthday party niya bilang um-attend ito at ang anak na si Julia sa pinaka-huling Gutierrez event last September, ang 16th birthday nang panganay ni Ruffa na si Lorin.

Present din that night ang barkada ni Marjorie na sina Pops Fernandez, Joy Ortega, at Alice Eduardo.

“Hindi daw dadating, marami daw press,” natatawang sabi ni Annabelle. “Hindi, sabi niya pupunta...hindi pumunta.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.