Sarah Lahbati, unbothered sa mga espikulasyon tungkol sa kumalat na litrato niya kasama ang isang mystery guy

Hindi umano naba-bother si Sarah Lahbati sa mga intriga at espikulasyon tungkol sa kanya, kabilang na ang kumalat na litrato kung saan makikitang may kasama s’yang lalaki sa isang restaurant sa Hong Kong.

PHOTOS: @sarahlahbati on Instagram & @OgieDiazShowbizUpdate1 on YouTube

Hindi umano naba-bother si Sarah Lahbati sa mga intriga at espikulasyon tungkol sa kanya, kabilang na ang kumalat na litrato kung saan makikitang may kasama s’yang lalaki sa isang restaurant sa Hong Kong.

Binigyang-linaw ng aktres na si Sarah Lahbati ang tungkol sa kumalat na litrato sa social media kung saan makikitang may kasama s’yang lalaki na kuha umano sa Hong Kong kamakailan.

Natanong kasi s’ya ng entertainment press about it kahapon, April 2, right after ng media conference proper at advanced screening ng upcoming action-drama series n’yang Lumuhod Ka Sa Lupa

Nai-spot-an kasi at nakuhan s’ya ng photo ng isang netizen kasama ang isang mystery guy. Dahil dito kung kaya’t lumabas ang mga haka-hakang may bago na s’yang idini-date ngayong hiwalay na sila ng asawang si Richard Gutierrez.

Una itong naibalita ng comedian-vlogger and showbiz insider na si Ogie Diaz sa online show nito on YouTube na Ogie Diaz Showbiz Update last Sunday, March 31.

Ayon kay Ogie, ipinorward daw kasi sa kanya ng isa n’yang source ang photo ni Sarah kasama ang isang mystery man. Kinunan umano iyon sa isang restaurant sa Hong Kong.

Nang matanong naman s’ya ng co-host n’yang si Mama Loi kung sino ang lalaking kasama ng aktres, sinabi ni Ogie na wala s’yang idea kung suitor ba ito o isang kamag-anak.

Hindi naman itinaggi ni Sarah na siya nga ang nasa larawan na nakuhanan nang magpunta s’ya sa Hong Kong recently para sa isang international art fair.

“I went to Hong Kong to experience and see Art Basel. It’s always been a dream of mine to check it out and I’m happy that I was able to go,” pahayag ng aktres.

However, nilinaw n’ya na ang sinasabing “mystery guy” na kasama n’ya sa nasabing photo ay isa lang sa marami n’yang kaibigan na kinatagpo n’ya noong nasa Hong Kong s’ya. 

“That photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and I ended up with different friends there,” she said.

Hindi naman daw s’ya naba-bother na may mga lumalabas na photo o intriga tungkol sa kanya. Single naman na raw kasi s’ya ngayon.

“Is it unfair? Is it bothering me? No. It takes a lot more for something to bother me, ’no?” saad n’ya.

“But I think, as women, we’re all allowed to have guy friends. But again, it’s okay to speculate ’cause again I’m single and it’s part of this whole new thing,” diin pa n’ya.

Bukod pa rito, sanay na rin daw si Sarah na madikit ang pangalan n’ya sa mga isyu lalo na ngayong nagbalik-acting na s’ya. 

Sanay na kasi kung matatandaan n’yo naman, ang buhay ko ay punong-puno ng makulay na intriga,” nakangiting sabi ng aktres.

Simula sa pagkapanganak ko kay Zion… Remember when that happened up to now parang hindi ako nilalayuan ng intriga. Haha!” 

Sa ngayon, masaya raw s’ya na patuloy ang pagdating ng blessings and endorsements sa kanya kasabay ng pagiging hands-on mom sa dalawa n’yang anak.

“I’m still trying to balance everything out. I’m doing so many things at the same time. But my number one priority is to be a mom. It’s never gonna feel stable but what matters is I’m happy,” pagtatapos ni Sarah.

Samantala, makakasama ng aktres sa kanyang upcoming TV5 series sina Kiko Estrada, Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, Rhen Escaño, at marami pang iba.

Mapapanood ang Lumuhod ka Sa Lupa simula ngayong Lunes ng Hapon, April 8 after ng Eat Bulaga sa TV5.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sarah Lahbati, nakalipat na sa bago niyang bahay

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, nag-unfollow-han na sa Instagram

Sarah Lahbati at Richard Gutierez, co-parenting sa dalawa nilang anak ayon sa ina ng aktres

Sarah Lahbati, ligtas matapos ma-involve sa isang car accident; "Today, we were given a second chance."

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.