Sarah Lahbati, action ang gustong maging come-back movie

Photos: @sarahlahbati on Instagram

Photos: @sarahlahbati on Instagram

Last March 26, humarap si Sarah Lahbati sa entertainment media via Zoom, para pormal na ipaalam ang pagre-renew niya ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Five years ang nauna niyang kontrata at ngayon ay nag-renew siya for another three years.

Ani Sarah, na-appreciate niya ang pag-unawa sa kanya ng Viva noong mga panahong hiniling niyang wag siya masyadong bigyan ng trabaho dahil gusto niya munang mag-pokus sa pagiging hand-on nanay sa mga anak na sina Zion, who is turning 8; at Kai, 3.

Pero sa pagpirma niya ng renewal contract, kasama rin daw ang commitment na ready na siyang mag-fullblast muli sa pag-arte and even sa hosting. 

Nag-usap naman na daw sila ng asawang si Richard Gutierrez na magsasalisi sila ng pagtanggap ng trabaho para may maiiwan pa rin sa mga bata. 

“Definitely po I’ll be on screen more...” paniniguro ni Sarah. “As you all know, I’ve been laying low and being a mom—which I love doing—but I decided na I’m ready to work again, to be visible on screen. I miss dancing, I miss my ASAP family and I miss acting also. So, I’ll be more visible and perhaps try hosting as well.”

Matatandaang isa sa itinuturing na dance royalty sa ASAP si Sarah. Sa pelikula naman, huli pa siyang naka-arte sa indie film na Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz na noong 2017 pa.

At ngayong raring to act nga ulit siya, tila gusto raw niyang subukan ang action genre. 

“Right now kami po ni Chard, we’re both brainstorming ideas on a film kasi excited ako bumalik and I wanna do an action film,” reveal ni Sarah sa Zoom con. “Hopefully, one day. So, kami ni Chard we’re brainstorming on ideas... we’re talking to some directors...hopefully we can present to Viva soon and I can get back on the screen very, very soon. We’ll see on which platform po...online or...it’s nice that we have different avenues for films and for series. So, exciting times ahead po.”

Hindi pa raw niya masagot kung siya lang ba ang magbibida sa bine-brainstorm nilang action project or kung kasama ba ang poging asawa niya. But exciting din daw kung ka-join si Richard dahil 2013 pa sila huling nagtambal sa Regal movie na Seduction.

At malamang ay kasahan naman ng Viva ang ilalatag nila dahil bagay naman sa kanya ang mag-action heroine. At kilala naman ang Viva sa paglikha ng mga female-centric action films gaya ng BuyBust ni Anne Curtis at Maria ni Cristine Reyes.

Dream daw talaga ni Sarah ang makagawa ng action movie. Bukod kasi sa agile at sporty siya, idol na idol pala kasi niya si Angelina Jolie na ilang beses nang nagbida sa mga hits action flicks sa Hollywood gaya ng Salt, Mrs. & Mrs. Smith, at s’yempre, ang Lara Croft: Tomb Raider.

“Ever since the day I decided I want to act—I think I was a teenager—I idolized Angelina Jolie for the longest time,” natatawang pagre-recall ni Sarah. “I remember watching one of her action films with my dad and thinking, ‘Gusto kong gawin kung ano ’yong ginagawa niya. Gusto kong maging kagaya niya.’ Maybe an action film or maybe a superhero na p’wedeng maging inspiring sa mga Filipinos especially now na madaming problema and negativity... parang we want to uplift and give hope sa mga Filipinos. Maybe something like that.”

Exciting times ahead nga!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Kakai Bautista's camp responds to demand letter of Mario Maurer

Kahit sumusunod sa mga safety protocols, Martin Andanar at Ted Failon kapwa nag-positibo pa rin sa COVID-19

Claire Dela Fuente passes away at 63 due to cardiac arrest

Andrea Torres, aminadong may pinanghihinayangan sa taong 2020

Rosanna Roces, saludo sa tunay na pagkatao ni Direk Darryl Yap: “Tutuparin n’ya ’yong mga pangarap n’ya pero kasama n’ya rin ’yong mga kasama n’yang nangarap [noon].”

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.