Sarah Geronimo’s first AsPin rescue effort, a success!

Nang mabalitaan ni Korina Sanchez na matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo—na isang certified dog lover—ang makapag-rescue ng mga aso, hindi na nagsayang ng chance si Korina na yayain at tulungang maisakatuparan ang dream na ito ni Sarah. In return, ang layon naman nila ay maka-inspire at makahikayat ng publiko na sumali sa kanilang advocacy.

PHOTOS: Anna Pingol

Nang mabalitaan ni Korina Sanchez na matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo—na isang certified dog lover—ang makapag-rescue ng mga aso, hindi na nagsayang ng chance si Korina na yayain at tulungang maisakatuparan ang dream na ito ni Sarah. In return, ang layon naman nila ay maka-inspire at makahikayat ng publiko na sumali sa kanilang advocacy.

Last October 16, naging saksi ang pikapika.ph sa AsPin (asong Pinoy) rescue mission ni Sarah Geronimo kasama ang Rated K team ni Korina Sanchez

Isa kasi sa mga advocacies ni Korina talaga ang pagre-rescue ng mga stray, abandoned, and abused dogs at bukod sa mga fund-raising efforts, malaking tulong daw ang maka-raise ng awareness tungkol sa pagre-rescue, pag-a-adopt at pagpapa-adopt ng mga nare-rescue, at generally, ang makahikayat na maging kind to all animals ang mga Pinoys.

Kaya naman nang mabalitaan ni Korina na matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo—na isang certified dog lover—ang makapag-rescue ng mga aso, hindi na nagsayang ng chance si Korina na yayain at tulungang maisakatuparan ang dream na ito ni Sarah. In return, ang layon naman nila ay maka-inspire at makahikayat ng publiko na sumali sa kanilang advocacy.

Sa tulong ng animal rescue advocate and expert from Animal Kingdom Rescue Foundation Rescue and Rehabilatation Center, ni-rescue nila ang isang asong gala na tila biktima ng hit-and-run dahil sa paika-ika nitong naglalakad sa very busy area ng West Avenue, Quezon City.

Game na game si Popster Princess sa pakiki-rescue at wala itong keber kung madumihan man siya. Hindi rin natakot si Sarah na hawak-hawakan ang babaeng AsPin na pinangalan niyang “Mochi.”

Nang fully calmed na si “Mochi” ay agad naman siyang dinala ni Sarah at rescuer na nagngangalang Allan sa veterinarian na si Dra. May Javier ng Pet Lovers Animal Clinic sa may Visayas Avenue, QC. Doon ay na-assured si Sarah na hindi naman masama ang lagay ni “Mochi” at agad itong makaka-recover after one week of medical care and therapy. 

Naka-alis na ang Rated K team at si Korina pero nagpa-iwan pa sa clinic si Sarah at bumantay pa kay “Mochi.”

Bukod doon ay narinig pa naming nagko-konsulta din si Sarah tungkol sa general ailments ng mga aso bilang marami nga din siyang alaga, kabilang na si “Sarah,” ang kanyang adopted AsPin na galing naman sa PAWS (Philippine Animal Welfare Society).

Narinig din naming tila gusto pang umulit ni Sarah na maki-rescue. She said she’s happy to have taken part in the effort at gaya nga ng sabi niya sa kanyang closing spiel sa Rated K, sana daw ay maging mapag-malasakit ang lahat kahit sa mga hayop gaya ng aso “dahil ang kabutihan, bumabalik one million times.”

Ang rescue effort ni Sarah ay ipinalabas sa Rated K kagabi, October 20. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sarah Geronimo’s Rio meets Korina Sanchez

Sarah’s Top 3 Unforgettable Moments

Directors Jun Lana and Perci Intalan talk about Sarah Geronimo’s journey as the childlike Jasmine in “Unforgettable”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.