Sarah Geronimo on being married: “It’s rewarding na challenging.”

PHOTO: VIVA TV on YouTube & @matteog on Instagram

PHOTO: VIVA TV on YouTube & @matteog on Instagram

Rewarding and, at the same time, challenging daw ang buhay may-asawa, ayon ‘yan mismo sa mag-iisang taon ng misis na si Sarah Geronimo

Sinabi ‘yan ng Asia’s Popstar Royalty sa online show ng Viva TV na Anong Ganap? hosted by Phoemela Baranda na in-upload as YouTube kahapon, February 14.

Natanong kasi ang 32-year-old singer-actress tungkol sa kanyang married life ngayong magse-celebrate na sila ng mister n’yang si Matteo Guidicelli ng kanilang first wedding anniversary. 

Matatandaan na ikinasal sina Sarah at Matteo noong February 20, 2020 in a civil wedding ceremony. 

And after one year, eto nga’t may patikim ang celebrated singer sa kaniyang mga naging adjustments sa bagong yugto ng kanyang buhay. 

“The marriage itself is a blessing,” lahad ni Sarah sa online show.  [It’s an] opportunity to, ‘yon nga, spend the rest of your life with your loved one, ‘yong napili mo talaga na makasama sa buhay. [Your] partner in life.”

At dahil nga sa mga adjustments, naging challenging din daw ito sa kanya.

“It’s rewarding na challenging,” pag-amin ni Sarah. “Challenging kasi sa situation ko po parang ito na ‘yong big leap ko papunta ng adulting. 

Sinasabi ko nga lagi na, na ano s’ya, na-expedite,” natatawang paglalarawan pa n’ya sa kanyang pinagdaanan. “Masyado na ngang ano, e… Anong tawag du’n? Long overdue. But I guess, ito talaga ‘yong plano para sa akin.

Maliban sa pagiging challenging, ito na rin daw ang masasabi n’ya na pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay.  

“Rewarding s’ya dahil ‘yon nga, kasama mo ‘yong mahal mo sa buhay. Tapos you have the freedom. You get to choose, decide not just for yourself. Pero ngayon dahil may asawa ka na, for the both of you. Parang you become one. As one na kayo,” pagtatapos ni Sarah. 

Pag-amin naman ni Matteo sa vlog ni Toni Gonzaga last December 2020, may nakaplano daw na second wedding sila ni Sarah na pero hindi ito natuloy because of the COVID-19 pandemic. 

“A week before lockdown, Feb. 20, 2020, we got married. A very small wedding. A week after, was supposed to be our wedding with our friends. But lockdown happened. Everything was planned, Toni,” pagre-reveal ni Matteo. 

Nabanggit din ng aktor sa nasabing vlog na masaya s’ya sa piling ng misis n’yang si Sarah mula nang ikasal sila. 

"Married life is so beautiful because you realize this is the person you're going to spend with the rest of your life. Not just that, but all your dreams and all your goals, you'll do it with this person,” lahad pa ni Matteo.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Matteo Guidicelli, naniniwala bang “Born To Be a Star” ang future baby nila ni Sarah Geronimo?

Matteo Guidicelli on having a baby with wife Sarah Geronimo: “I-pray n’yo nang mabuti. Sana next week.”

Matteo Guidicelli talking about love and married life with Sarah Geronimo gives kilig to AshMatt fans; says finding your partner “will bring you to incredible places.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.