Sarah Geronimo, aminadong nag-worry ding mawalan ng work dahil sa pandemic; kaya feeling blessed na may Tala The Film Concert

PHOTOS: @sarah_geronimo25 & @justsarahgph on Instagram

PHOTOS: @sarah_geronimo25 & @justsarahgph on Instagram

With positive mindset at feeling blessed si Sarah Geronimo dahil sa kabila ng ongoing pandemic ay makakapag-perform s’ya for her fans through Tala The Film Concert.

Ito ang ibinahagi ng Asia’s Popstar Royalty sa naging interview sa kanya ng online show na Anong Ganap? hosted by Phoemela Baranda na in-upload sa Viva TV YouTube channel last March 7. 

Sa video, ipinasilip ang unang araw ng rehearsal ni Sarah with the G-Force para sa hindi dapat palagpasing biggest concert experience of the year.

Matatandaan na sa exclusive interview ng pikapika.ph kay Paul Basinillio na s’yang direktor ng Tala The Film Concert, sinabi n’yang August 2020 pa lang ay niluluto na ang project na ito na magiging pasabog ni Sarah G this year in celebration of her 18th anniversary sa showbiz.

Aminado mang nag-worry noon sa kanyang work and future dahil sa pandemic, push na push daw si Sarah sa kanyang paparating na online concert. 

Sa buhay kasi kahit madami tayong pinagdadaanan noon na problema, lalong lalo na itong sitwasyon na meron tayo ngayon, pandemic,” panimula ng celebrated singer sa kanyang Anong Ganap? interview.  

“At first, napaisip din po ako. Nag-worry din ako [kung] paano na ang work ko,” pagpapatuloy n’ya. “Ang dami ko pang gustong gawin. Ang dami ko pang gustong ibahagi sa mga tao. Kumbaga, to give back po sa lahat ng mga blessings na naibibigay at tiwala sa akin.

Pagtitiyak pa n’ya, sumusunod daw sila sa health protocol at nag-undergo din sa COVID-19 test para masiguro na safe silang lahat sa rehearsals at shoots.

“At first, ayon nga po, medyo challenging kasi nga kailangan lagi kang naka-face mask and face shield,” pag-amin pa n’ya. “Pero we made sure na everyone is tested. Negative naman po lahat ng nandito sa studio. 

Medyo mahirap din kasi na nagda-dance ka nang naka-mask ka and face shield. So, social distancing pa rin,” dagdag pa ng multi-awarded Pinay singer. 

Kahit extra-challenging ang sitwasyon, feeling blessed pa rin daw si Sarah na makakapag-perform at makakapagpasaya uli s’ya sa kanyang fans. 

“I am grateful to our producers, sila Boss Vic [del Rosario], na sumusugal pa rin, no? Naniniwala pa rin [sila] na kaya [nating makapag-concert],” ani Sarah.  

Mas kailangan daw ng tao ng entertainment and, at the same time, inspiration, at mukhang iyon ang ibibigay n’ya sa mga manonood lalo na sa nakaka-stress na panahon ngayon.

At saka, all the more na kailangan po natin ‘yong mga ganitong klase [ng palabas] na nakikita, naririnig ng mga tao to give us hope, inspiration, and entertainment, happiness, joy,” pagtatapos ng singer-actress.

Last February 19 nagsimulang maging available ang tickets, priced at P1,500 for regular and P3,000 for VVIP, para sa upcoming concert ni Sarah na mapapanood worldwide sa March 27 via ktx.ph.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Sarah Geronimo’s Tala The Film Concert teaser drop sets the Internet ablaze

Fans show creativity with their own concepts of Sarah Geronimo’s upcoming Tala The Film Concert

Sarah Geronimo on being married: “It’s rewarding na challenging.”

AshMatt in Bliss: A year of exciting love for Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.