Sanya Lopez, willing mag-audition for Darna sa isang kundisyon

PHOTOS: Anna Pingol, @jakroberto, Twitter

PHOTOS: Anna Pingol, @jakroberto, Twitter

After ng tearful announcement ni Liza Soberano na igi-give up na niya ang iconic role na Darna last April, nagkanya-kanya na ng boto at suggestions ang mga Netizens kung sino sa tingin nila ang may “K” or karapatan ding gumanap sa classic Mars Ravelo creation.

At isa sa maingay na lumitaw na pangalan, bukod kay Nadine Lustre ng Viva, ay si Sanya Lopez ng GMA-7. Bukod kasi sa sakto sa tindig—she’s 5’6”—ay Pinay na Pinay ang beauty ni Sanya. Marami ring nase-seksihan sa 22-year old homegrown GMA star at may angkin itong tapang sa pagbe-bare ng skin, so, to speak, na isa sa mga tila unspoken requirements sa pagiging Darna.

Ilang beses nang rumampa in bathing suit si Sanya sa mga fashion shows ng clothing brand na Bench at napangatawanan din niya ang alindog at fighting stance ni Sang’gre Danaya (originally played by Diana Zubiri) sa Encantadia reboot noong 2016.

Nagtiyaga pang mag-photoshop ang ilang fans kung saan sinuper-imposed nila ang mukha ni Sanya over a body wearing the Darna costume to strengthen their lobby for Sanya. 

At nagkataon namang naka-red gown pa si Sanya sa grand media launch ng drama series niyang Dahil sa Pag-Ibig last May 15 sa GMA-7 kaya natukso siyang tila bagay nga siyang mag-Darna.

“Gano’n po talaga pag presscon,” natatawang sakay ni Sanya. “Laging naka-pula.”

Ayon sa dalaga, natutuwa siya sa mga nagro-root sa kanya na maging Darna. Flattered daw siya sa mga papuri ng mga Netizens sa kanya. 

“Ako po, I’m very happy na kino-consider nila ako,” say ng morena actress. “Kasi very empowered woman si Darna, sobrang strong ng personality and at the same time, icon na siyahindi lang siya basta superhero, hindi lang siya basta role na p’wede mong gampanan…so, kaya ’yong pagiging Darna malaking responsibility talaga…”

Open daw siyang mag-audition for the role kung sakali. Lalo pa’t nagpapahiram naman na ng talents ang GMA-7 sa ABS-CBN (or Star Cinema), the latest being Alden Richards na gumagawa ng movie ngayon with Kathryn Bernardo.

“Ang sa akin po, for me…kung magkaroon man sila [Star Cinema] ng invitation sa GMA at pumayag po ang GMA, why not? Basta may invitation.”

Pero bago pa man ang audition—kung mangyayari man—mas gusto ni Sanya ngayon na maging successful muna ang afternoon drama series niyang Dahil sa Pag-Ibig which is airing its pilot episode today (Monday, May 20). Bukod sa mga steamy love scenes at todo-todong pag-iyak niya, abangan din daw sana ng viewers ang magiging mga pagbabago sa character niya dahil ayon kay Sanya, “hindi na uso ang bidang inaapi.”

Directed by Ricky Davao, Dahil sa Pag-Ibig also stars Winwyn Marquez, Pancho Magno, Benjamin Alves, Sandy Andolong, and Tetchie Agbayani.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.