Sandy Andolong's 60th birthday is a thanksgiving celebration

(L-R) the celebrant’s husband Christopher de Leon, youngest daughter Mica, Sandy’s party-planner daughter Mariel, the birthday girl, Sandy’s sister-in-law Toni Abad (behind her), Lotlot and Matet de Leon.

PHOTOS & VIDEO: Anna Pingol

(L-R) the celebrant’s husband Christopher de Leon, youngest daughter Mica, Sandy’s party-planner daughter Mariel, the birthday girl, Sandy’s sister-in-law Toni Abad (behind her), Lotlot and Matet de Leon.

“My husband [Christopher de Leon] insisted na, ‘you celebrate your sixtieth birthday,’” bungad ni Sandy Andolong sa kanyang maikling opening remark noong gabi ng kanyang #Sweet60 birthday party na ginanap sa Sobremesa Bar & Resto sa Ortigas Center, Pasig noong January 19, or three days after ng kanyang actual birthday na January 16.

Patuloy niya: “And I really wanted to kasi this more of thanksgiving to our good and merciful God, our loving God for giving me sixty years and four years extension of life. So, this is more for thanking God for the gift of life and loved ones.”

Ang tinutukoy ng magaling na aktres na “four years extension of life” ay ang nalalapit na fourth anniversary ng kanyang kidney transplant noong 2015.

Pinasalamatan din niya ang anak na si Mariel dahil ito raw ang nag-aligaga para buuin ang party niya—“mula venue, to the food, to the décor, siya na rin nagtawag ng photographer…but I did not forget you, Mica, my baby. Thank you also. Finish your studies, okay?”

Katabi ng pikapika.ph si Miss Sandy habang inaawit ng mister niya ang Simply Jessie ni Rex Smith na ayon sa kanya ay theme song nila dahil na rin sa ganda ng lyrics nito particular ang stanza na:

“And I've known a girl or two
But none of them was you
And they could never be what you are to me.”

Nabanggit din niya na in October last year ay biglaan silang nakapag-renewal of vows ni Papa Bo (tawag ng mga malalapit kay Christopher) sa Vietnam. Inimbita raw sila para mag-shoot ng isang glossy wedding magazine pero hindi nila akalain na magse-setup ang mga ito ng tunay na wedding.

“Ayaw daw kasi nila ng mga bagong couples, gusto nila ’yong mga matatagal na para to inspire,” dagdag pa ng birthday girl. “So nag-set-up sila, ang ganda-ganda. Sabi namin, we might as well renew our vows.”

Isa pa rin daw ang marriage nila ni Christopher sa ipinagpapasalamat niya nang husto sa Diyos.

Two years from now ay ise-celebrate na nila ang ika-40th year ng kanilang kasal. They were wedded twice, first in a civil ceremony noong March 27, 1980, and second ay noong March 27 din 2001 na ginanap naman sa Caleruega church sa Batangas.

Hindi naka-uwi ang mga foreign-based de Leon boys—sina Rafael (na nasa New Zealand), Miguel (na nasa California), at Gabriel (na nasa New York) kaya on their behalf ay nagpasalamat naman ang mga girls na sina Mariel at Mica sa mga naglaan ng oras para sa “Nanay” nila.

Absent din si Ian de Leon dahil nasa Japan ito at ang kapatid nilang si Kenneth (na busy sa pagiging first-time daddy), pero represented naman sila nina Lotlot, Matet, at Kiko de Leon.

Hindi nakumpleto ang mga miyembro ng Legends, ang tawag nila sa four-decade barkadahan pero karamihan naman ay nandoon kabilang na si Lorna Tolentino, Amy Austria (at asawang si Duke Ventura), Gina Alajar, Laurice Guillen (at anak na si Ana Feleo), Edgar Mortiz (minus wife Millet), Fanny Serrano, at ang mag-asawang Tirso at Lynn Cruz. Namataan din ng pikapika sa party sina Malou Choa-Fagar (na adopted Legends member), Anthony Racquel, ang talent manager na si Noel Ferrer, showbiz writer na si Jojo Gabinete, ang aktres na si Maila Gumila, ang sister in law ni Miss Sandy na si Toni Abad, ang asawa ni Matet na si Mickey Estrada, at ang young star na Miles Ocampo na malapit sa mga Legends. 

Kabilang naman sa mga Legends members na hindi nakarating Ali Sotto, Isabel Rivas, April Cesar, Maritess Gutierrez, Telly Acuba (na base na sa Canada), at ang mag-asawang Melissa de Leon at Ronnie Joseph.

Matapos ang masaya at masarap na dinner ay kinuha ni Tirso Cruz III ang mikropono para simulan na ang “special number” na inihanda ng Legends para sa birthday girl. Pero humingi muna siya ng paumanhin dahil sa kabisihan ng lahat ay hindi nila na-memorize ang mga kanta at hindi rin sila nagka-oras mag-rehearse kaya kailangan nila ng “idiot board.” 

Sinimulan nila sa seryosong “You’ve Got a Friend” ang groups singing (through the guitar accompaniment ni Tirso) at nag-segue ito sa dalawang upbeat songs na Tinagalize at pinalitan nila ng angkop na lyrics para sa birthday girl. Ang una ay ang “Sisenta Ka Na” (to the tune of When I’m 64 ng The Beatles) at “Rocky Nanay Rock” (to the tune naman ng Rock Baby Rock ng VST & Company).

Tawa nang tawa ang birthday girl habang ninanamnam ang mga kwelang lyrics. At tunay naman ang sarap panoorin ng legendary barkadahan na ito na “through thick and thin” din ang samahan.

Naging simula na ito ng impromptu sing-along party na nakagawian na ng masayahing grupo na ito.

Narito ang mga lyrics ng dalawang kanta (na pinagtulungan ng grupo led by Sandy’s husband Boyet and Tirso Cruz), and further below is the video highlight of Miss Sandy’s 60th birthday bash. Happy watching!

“Siya’y Sisenta Na”
(to the tune of Beatles’s “When I’m 64”)

‘Di na siya bata, may edad na
Ngunit kay sexy pa
Babaeng mga Legends ay naiiba
Nananatiling magaganda
Ang nagdiriwang ng kaarawan
Ang halimbawa
Ang kilos kay yumi, ‘di masasabing 
Siya’y Sisenta na

Nanay star ka nga
Sa iyong pamilya
O nanay bida ka

Siya’y komedyante, naku kay saya
Kapag siya’y kasama 
Maaasahan mo totoong kaibigan
Lalo na sa kalokohan
Mga daliri’y hugis kandila
At may asim pa
Ang kilos kay yumi, ‘di masasabing
Siya’y Sisenta Na

Sa loob ay matatagpuan mo siyang nagpapahinga
Kung may oras siya
Si tatay kasama
Pagsapit ng gabi
Tatay! Lagot ka na!

Itong aming awit ay biro lang
Lambing kaibigan
Marami nang taon ang nakalipas
Pagsasama natin ay tunay at wagas
Mga pagsubok ay lalampasan
Kailan pa man
Hirap at ginhawa
Tayo’y magsasama
Kahit sisenta ka na

Oh Happy Birthday
Sa’yo Nanay Sandy
Dahil sisenta ka na!

Rock Nanay Rock
(to the tune of Rock Baby Rock of VST & Company))

Rock Nanay Rock, kay lamb ng beywang 
Rock Nanay Rock, dahan dahan lang
Buto’y nagtutunugan
Efficacent kailangan
May winter green ka ba dyan?
Ahhhhhhh

BOYET: 
     Sa bawat galaw ng iyong katawan
     Ako ay lalo nang nahihibang
     Come on and rock me tonight 
     Ako ay sayo forever
     Kaya’t ibuhos mo na
     Pagkat tayo ay together
     Rock Nanay Rock

Rock Nanay Rock, sayaw na’t humataw
Rock Nanay Rock, hot compress isapaw
Masahe ang kailangan
May Bengay pa naman dyan
Salonpas p’wede rin dyan
Ahhhhhhhh

Rock Nanay, Rock Nanay
Rock rock Nanay rock
Rock Nanay, Rock Nanay
Rock rock Nanay rock
Rock Nanay, Rock Nanay
Rock rock Nanay rock
Rock Nanay, Rock Nanay
Rock rock Nanay rock.

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.