Sakaling naging total strangers, Cristine Reyes at Diego Loyzaga, kapwa magpapakatotoo daw sa kanilang first “encounter.”

PHOTO: @cristinereyes on Instagram

PHOTO: @cristinereyes on Instagram

Halos magkatugma pala ang pinaka-ideal “encounter” ng magkatambal na sina Cristine Reyes at Diego Loyzaga sa Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Encounter (2018) na pinagbidahan nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum. 

Natanong kasi sina Cristine at Diego tungkol sa ideal encounter nilang dalawa sa video na in-upload kahapon, March 19, sa Viva Entertainement Facebook page. 

First question sa dalawang Viva artists na kunwari ay total stranger sila sa isa’t isa, ano daw ba ang naiisip nilang suitable place na mangyari ang kanilang first encounter except sa Ilocos kung saan nag-shoot ang kanilang teleserye.  

“For me, gusto ko sa beach or anything nature,” sagot ni Cristine. 

Sinigundahan naman ito ni Diego na gusto rin ang beach setting. 

Ako, para sa akin, beach talaga,” ani Diego. “Iba talaga ‘yong vibes ng beach tapos may sunset… Until night time.”

Hirit naman ni Cristine sa naging sagot ng binata, “Gusto ko daytime.”

 Inalam naman ng aktres kung magiging tapat ba si Diego sa first encounter nila. 

“So ikaw, Diego, pa’no mo ipapakilala ‘yong sarili mo sa’kin?” tanong ng 32-year-old award-winning actress. “Kunwari, ‘yon nga, sa encounter natin… Are you gonna introduce yourself or are you gonna pretend? Sasabihin mo ba ‘yong totoong age mo? Pangalan mo? Are you gonna give your real name?”

Sagot naman ni Diego sa kanya, “Ako, I think, from the start, dapat magpakatotoo ka.

“I love it,” komento naman ni Cristine sa sagot ng kanyang co-star.

Dapat wala kang itago. ‘Yong totoo lang talaga. Your name, age, everything,” pagpapatuloy pa ni Diego. “‘Di ba, the first time you meet someone it’s a big deal kasi. First impression lasts so better you be honest from the start para no hiccups along the way.”

Ganu’n din naman daw si Cristine kahit sa totoong buhay.  

Ako, lagi naman akong ano, e, straight to the point. Yeah. Kahit younger sa akin [ang guy],” natatawang pag-amin ng aktres.

At s’yempre, dahil tumatagal lang ng ilang oras ang mga chance encounters, natanong ni Diego si Cristine kung ano ang pinakagusto nitong gawin sa limitadong panahon na magkasama sila. 

Siguro, maganda kung may activities like, let’s say, anything na masayang gawin. Hiking, jet ski, basta mga fun things to do,” ani Cristine na sinang-ayunan din naman ni Diego. 

Na-curious tuloy ang aktres at tinanong si Diego.

Ayaw mo ng chill lang? Drink? K’wentuhan?” balik ni Cristine sa aktor. 

“For me, that’s parang nighttime activity,” saad ng 25-year-old celebrity hunk. “In daytime activity dapat may ginagawa kayo

S’yempre, kung by the beach, ‘yong mga water sports, water activities, anything possible na p’wedeng gawin. Kasi ‘yong chill time, usap time, there’s always naman time for that, eInuman time.”

Isa pa sa itinanong ni Cristine kay Diego ay kung ano ba ang naiisip nitong magandang souvenir o remembrance sa kanilang first encounter.  

“Remember si Selene at si Gino [characters nila teleserye]? Meron silang souvenir sa isa’t isa. So ikaw, ano ‘yong souvenir na maiisip mo sa first encounter?” tanong ni Cristine. 

“I guess a photo or a video,” tugon naman ni Diego sa kanya. “That would be the best kasi they last forever, ‘di ba? Unless they delete it. Feeling ko photo. That would be the nicest, sweetest thing.”

Ito rin daw ang hilig ni Cristine na naiisip rin n’yang swak na maging souvenir nila.  

“You know, mahilig ako sa pictures talaga,” pagbabahagi ng StarStruck Season 1 graduate. “Ever since na wala pang social media mahilig na akong mag-take ng photos for memories. Artsy photos, like family photos, [with] friends, ganyan. I think that’s the best souvenir.”

Tanong naman ni Diego kay Cristine, “How would like to end our first encounter?”

Para sa aktres, on the formal side daw s’ya pag dating sa mga ganitong sitwasyon. 

Gusto ko pa rin ‘yong proper goodbye. S’yempre, for formality, ‘di ba?” aniya. “Ako siguro, gusto ko ‘yong proper goodbye and kung same vibe kami sa isa’t isa and he wants to get my number… Of course, ‘di ba? Why not?”

Agree naman si Diego sa sinabi ng aktres dahil mahirap daw mag-assume at magkaroon ng regret in the end. 

Ako, the same. Dapat you’re on the same page para hindi malabo,” paliwanag n’ya. “Mahirap kasi kapag malabo. [Para] you both have an understanding on what you both want. 

“Kasi s’yempre, kapag goodbye-an na, if nothing said, parang parehas kayong aalis na parang, ‘Is this supposed to be something more? Bakit hindi s’ya nagparamdam? Bakit hindi ako [nagparamdam]?’ Baka mag-regret ka.” 

“Yes, pero I prefer pa rin ‘yong guy pa rin ang mauna,” hirit pa ni Cristine sa inilahad ni Diego. 

S’yempre, tama naman. Pero sana kapag nauna ‘yong guy, mag-reciprocate ‘yong girl,” hiling naman ng aktor. 

S’yempre, mapi-feel mo ‘yan sa vibe,” sey naman ni Cristine. 

Mapapanood ang Philippine adaptation ng Encounter starring Cristine Reyes and Diego Loyzaga simula ngayong gabi, March 20, 8PM sa TV5.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

10 times Cristine Reyes slayed with her stunning outfits in Masked Singer Pilipinas

Cristine Reyes, bad-ass ding manakot

Diego Loyzaga, wiling-wili na sa online gaming at streaming

Diego Loyzaga expresses happiness for former love team partner Sofia Andres who has recently entered motherhood

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.