Sagutan ng mga pro-Jason Hernandez at pro-Moira dela Torre, lumalala, humahaba

Matapos magsiwalat ng songwriter na si Lolito Go tungkol umano sa mga nalalaman niya sa hiwalayan nina Jason Hernandez at Moira dela Torre, dumepensa ang Cornerstone Entertainment, management firm ni Moira, para sa alaga nila. Hindi naman naduwag si Go na handa daw harapin kasong isasampa against him.

PHOTOS: @jasonmarvinofficial & @MoiraDelaTorre on Facebook

Matapos magsiwalat ng songwriter na si Lolito Go tungkol umano sa mga nalalaman niya sa hiwalayan nina Jason Hernandez at Moira dela Torre, dumepensa ang Cornerstone Entertainment, management firm ni Moira, para sa alaga nila. Hindi naman naduwag si Go na handa daw harapin kasong isasampa against him.

Kasunod ng paglalabas ni Jason Hernandez ng music video ng kantang “Ikaw Pa Rin” at pag-amin n’yang he’s “desperate to have her [Moira dela Torre] back” last week, heto’t pinagpipiyestahan na naman sila.

Isa kasing songwriter na nagngangalang Lolito Go ang naglabas ng mahabang salaysay tungkol sa mga umano'y nalalaman niya sa pagkatao ni Moira at sa paghihiwalay nito at ng asawang si Jason Hernandez.

Ayon kay Go, dati raw n’yang kaibigan si Moira. Kinuha pa nga daw nila itong ninang sa binyag ng anak nila ng asawa niya. 

“Moira used to be a friend to me. Absentee ninang ni Ludwig. She was proxied by her whole family nung binyag,” kuwento n’ya. 

At kahit na magkababayan daw sila sa Olongapo, nakilala lang daw n’ya ang pamosong singer-songwriter mula noong nagkasama sila sa grand finals ng multimedia songwriting and music video competition na Himig Handog way back 2017. 

“We were from the same city--Olongapo. But we only got to know more about each other during the grand finals of Himig Handog 2017, kung saan naging grand winner ang kantang Titibo-tibo, na personal song namin ni Libertine. Doon na rin namin nakilala si Jason at iba pang malapit sa buhay nila,” pagbabalik-tanaw ni Go.

Mula noon ay nagkaroon na raw sila ng ilang song collaborations. 

“The most recent was the song for presidential bet Leni Robredo. Mind you, I was not paid a single penny for the songs I wrote,” agad na paglilinaw n’ya. 

“There was an instance pa nga na I was not even included in the credits sa Spotify. Kung hindi ko pa pinuna, hindi nya pa ire-rectify. (Rhyme intended.)”

Kasunod nito ay ang paglalahad n’ya ng observation n’ya kay Moira na tila may kakaiba raw dito.

“It could be a mental health condition, I'm not sure. I could be wrong. Pero nahahalata ko na napapadalas ang pagsisinungaling nya,” walang -prenong pagbabahagi ni Lolito.

“Kung sa akin nagagawa nya ito, ano pa kaya sa mga taong mahal na mahal sya. (I have proofs in case I'll be asked to produce them.) Iniisip ko na lang, baka epekto ito ng stress dahil sa napakahectic nyang schedule. Or baka side effects ng mga meds nya for her conditions--pcos, psoriasis etc. (Which she publicly talks about naman.) In other words, I always gave her the benefit of the doubt,” pagpapatuloy ng songwriter.

Bukod pa dito, ilang ulit daw s’yang binigo ni Moira sa mga small requests n’ya, samantalang lagi n’yang pinagbibigyan ang mga request nito sa kanya. 

“I asked her kahit maikling video message for a Mental Health Awareness Campaign, which she allegedly champions, pero sineenzone nya lang ako,” tila sumbong ni Lolito. 

“Iniisip ko na lang, baka she just couldn't decide on her own. Lahat daw kasi ng kilos at galaw nya had to be coordinated with her management. Pero kapag sya may kailangan, she would call me, kahit alanganing oras, with matching iyak pa,” dagdag pa n’ya.

Isa pa sa isiniwalat n’ya ang tila credit grabbing na ginawa umano ni Moira sa kantang isinulat n’ya during the campaign period para sa eleksyon last year.

“When she asked me to write a song for Leni, she just edited some of the lyrics and it became hers na. She also asked me to pen the caption for her socmed posts about the song. Pero sa mga press release, she got the credits,” pahayag ni Go.

Inalok pa nga daw s’ya nitong naging ghostwriter nito pero hindi n’ya umano iyon tinanggap dahil sa mababang rate na in-offer sa kanya. 

“When Moira needs you, she will make you feel loved and cared for. Magaling sya mambola. She even asked me kung magkano price ko for ghostwriting for her last year noong nagkakalabuan na sila ni Jason. When I told her my price, tinawaran nya ako for 20k per month. I felt so insulted. But I just kept that to myself,” salaysay pa n’ya. 

Doon na raw nagsimulang masira ang friendship nila.

“When I finally had enough May last year, I blocked her in FB and messenger complete with a long breakup letter,” he said. 

“People are telling us, ‘walang Moira kung wala ang Titibo-tibo.’ But we never indulged ourselves with that idea. And we maintain that Moira is self-made. She has exceptional gifts and one way or another she'll make it to the top kahit wala ang mga komposisyon namin for her.”

Kasunod nito ay inilatag n’ya ang nalalaman n’ya tungkol sa hiwalayan nina Moira at Jason. 

Matagal daw s’yang nagpigil para ilabas ito at dahil na rin pinipigilan s’ya ni Jason. Gusto pa rin daw kasi nitong protektahan si Moira at ang image nito. Hanggang sa hindi na umano n’ya makaya pa ang mga ibinabato ng netizens laban sa kapwa n’ya songwriter na si Jason kaya minabuti na daw n’yang linawin ang isyu. 

“Hindi totoo ang kantang Eme ni Moira na ‘wala naman akong kasalanan’. Looks and voice can definitely deceive. This soft-spoken lady with a voice of an angel, who always seems to have a sunny disposition, and has a penchant for quoting the Bible, has a dark side unknown to many. (A wolf in sheep's clothing, ika nga.),” panimulang lahad ni Lolito sa topic ng hiwalayan ng estranged couple. 

Marami daw ang pumigil sa kanya na magsalita lalo na ’yong mga nakakaalam umano sa buong pangyayari. 

“But I refuse to be quiet. I refuse to be neutral. To be neutral in times of injustice is to take the side of the oppressor,” katwiran ni Lolito.

“In this case, Moira is more of an oppressor than a victim. Jason took all the blame, took all the bashing, in the name of love. That's how he was raised. To roll with the punches. To give the other cheek. Jason and Moira are both Christians, pero mukhang si Jason lang ang faithful with the teachings of Christ,” aniya. 

Totoong nagkasala naman daw si Jason at aminado ito sa pagkakamali nito. Pero may pagkukulang din naman daw doon si Moira kaya nagkaganu’n si Jason. 

“Pero walang third party on Jason's side. He never fell in love with anyone else. His only sin was he listened to the call of flesh and availed of illicit massage service because Moira couldn't fulfill his sexual needs,” pagsisiwalat pa n’ya. 

At bago pa umano umamin sa publiko si Jason sa kanyang kasalanan ay gusto na ni Moira na makipagkalas dahil nakahanap na umano ito ng ipapalit kay Jason.

“And even before Jason confessed to his sin, Moira already wanted out. Dahil nakahanap na rin sya ng pamalit. Someone who will ‘dance in the rain’ with her and call her ‘binibini’. I'll leave it to you to guess sino ang tinutukoy ko,” pa-blind item pa n’ya.

Masyado rin daw ginagatasan ng Kapamilya singer ang naging hiwalayan nila ni Jason “by writing awkward songs that only serve her interests and twisted sense of reality.”

He continued: “Yes, you can say that Jason is also trying to capitalize on the breakup, but not for clout. It is predicated on his desire to restore the marriage. While EME is mockingly lashing out on Jason, ‘Ikaw Pa Rin’ is a lowkey, heartfelt song that puts Moira on the pedestal of treasured memories. See the difference?”

Humanga daw s’ya kay Jason dahil pinanindigan nito ang kanyang pananampalataya bilang isang Christian, umamin sa kanyang kasalanan, at hinaharap ngayon ang lahat ng consequences na dala ng kanyang pagkakamali. 

“Samantalang yung isa, busy with grooming her image. Takot malaos. Will do everything and will step on the back of other people in pursuit of clout and longevity,” pasimpleng banat n’ya. 

Ganu’n pa man, umaasa daw s’ya nagkakaroon pa ng second chance sina Moira at Jason. Meron naman daw kasi na mas matindi pa sa pinagdaanan ng dalawa pero nagagawang maayos ang pagsasama. 

“Napatatunayan na ni Jason that he is willing to do his part to restore the marriage. Napatunayan na ni Jason that he can withstand the torrent of insults and hate. He never once defended himself the past year from all the lies made up about him being gay, pumatol sa may asawa, may kabit, manggagamit etc.,” lahad n’ya. 

Depensa pa n’ya kay Jason, ito umano ang nagsulat ng halos lahat ng kanta ni Moira.

“Fun fact, did you know that 95% of Moira’s hits were composed by Jason? Paubaya, Ikaw at Ako, Pabilin, EDSA, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Saglit, and the list goes on. Now tell me sino ang manggagamit,” pagpapatuloy ni Lolito.

“He was willing to go down history as the only bad guy, the only one who made a mistake. But Moira kept singing and releasing defamatory songs against Jason, filling up Araneta Colosseum and touring the world with one purpose for her shows: to get people’s sympathy.”

Samantala, nilinaw n’ya, na sa kabila ng kanyang mga isinapubliko, ay ang paniwala n’yang minsan din naman na naging mabuting tao umano si Moira. 

“I cannot discount the fact na nag simula siyang mabuting tao. She's just probably overwhelmed with success and the medications--a fatal combination. I hope she can still find it in her heart to forgive,” hiling n’ya.

“I hope mamayani sa kanya yung true nature niya na marahil ay nilamon na ng fame and fortune and everything that goes with it. (Sabi nga ni Freddie Mercury.)

“Ang pinakapunto ko rito, it's easy for us to root for someone at the expense of another. Sobrang olats talaga ng cancel culture. We hated Jason so much without knowing the backstory,” saad pa n’ya.

Naaawa din daw s’ya sa pamilya ni Jason na nakakaladkad din sa isyung ito.

“I feel sorry for his family. They didn't deserve to be dragged into this mess. I pray for their healing. At sana lang, this issue can be mended privately, instead of this never-ending trial by publicity,” sabi pa ni Lolito,

Sa dulo, humiling s’ya na sana ay kapwa matagpuan nina Jason at Moira ang healing sa kanilang mga puso. 

At para depensahan naman si Moira, lumantad sa social media ang vice president ng Cornerstone Entertainment na si Jeff Vadillo.

Ayon sa kanya, matagal na n’yang kilala si Moira at kapatid na ang turing n’ya dito. 

Kaya naman hindi n’ya daw mapapalampas ang sino man na gustong dungisan ang kanyang integrity bilang artist at songwriter. Nasaksihan daw kasi n’ya ang hard work nito mula pa noon. 

“This person claimed a ‘FUN FACT’ (which is really not fun at all) that 95% of Moira’s hits were composed by Jason Marvin. Paubaya, Ikaw at Ako, Pabilin, EDSA, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Saglit, and the list goes on. Then he added the question kung sino ang manggagamit? That statement is grossly inaccurate,” kontra ni Vadillo sa post ni Go. 

“Paubaya and Edsa were both composed by Jason (this is public knowledge. Actually Moira also helped In Paubaya), the other songs Ikaw at Ako, Pabilin, Patawad, Kumpas, Babalik Sayo, Patawad, Kumpas were composed by both by Moira and Jason (Moira even gave a bigger contribution to some of those songs). So as far as these songs are concerned, walang gamitan. Tawag diyan collaboration,” pagtutuwid pa n’ya. 

Iginiit pa n’yang hindi kabawasan kay Moira bilang isang artist ang pakikipag-collab sa sinumang songwriter. 

“Saglit is composed by Moira not to mention the entire Malaya album which includes the mega hits Malaya, Tagu-Taguan, Take her to the Moon, and Tagpuan. It is also worth noting that her debut album is what jumpstarted Moira’s career and put her on the map,” he went on. 

Kilala rin daw n’ya si Moira at ang husay nito sa pagsusulat ng kanta kaya hindi nito kailangang magkaroon ng ghostwriter gaya ng sinasabi ni Go sa FB post nito.

“With that in mind, I would also like to add that in the almost 20 years I’ve known Moira, she would never need the service of a Ghostwriter for her songs/Compositions (which this other person is claiming na tumawad pa daw si Moira to the tune of 20k). Masyado genius si Moira to need that,” pagbibida ni Vadillo.

“Why would she pay when she is more than capable of doing it herself. Hindi pa siya sikat, sumusuka ng Songs after Songs si Moira. Doon sa nag sabi nun - are you implying na mas magaling kang songwriter kaysa sa kanya?” tanong pa n’ya. 

“Stop invalidating the work of a hardworking woman. She does not deserve this,” he concluded. 

Hindi naman ito natapos doon dahil sumagot pa si Lolito sa mga puntong inilabas ni Vadillo.

“With all due respect, sir, di ko po sinabi sa open letter ko na better songwriter ako. At hindi ko po dinidiscredit si Moira. I actually mentioned na ‘exceptionally gifted songwriter’ at ‘self-made’ sya. Dagdag ko pa, one way or another, she'll make it to the top,” pagtutuwid n’ya sa panibago n’yang FB post. 

Hindi na rin daw n’ya gugustuhin pang maglabas ng screenshot photos tungkol sa usapan nila ni Moira about the ghostwriting job. 

“Sa issue ng ghostwriting, ayoko na pong magpost ng resibo rito. Alam kong inappropriate, if not illegal, maglabas ng screenshots ng private convos. Tanungin nyo na lang po si Moira kung totoong she asked for my services at kung totoong nagpresyo sya,” hamon n’ya. 

Hindi rin daw s’ya nag-claim na si Jason lang nagsulat ng lahat ng kantang pinasikat ni Moira.

Nag-ugat daw ang pagkukuwestiyon n’ya sa ibinabato ng bashers kay Jason na nakikisakay lang ito sa tinatamasang kasikatan ni Moira. Dahil ang totoo daw ay karamihan ng kanta ni Moira ay isinulat ng estranged husband nito. 

“Sa isyu ng collab nila ni Jason, I never said Jason wrote those songs ‘alone.’ I only said Jason wrote most of Moira's hits to drive home the point na he is equally talented at hindi nya kelangang makiride or manggamit ng talent ni Moira like a lot of people are saying in social media. Thus, the rhetorical question: ‘Sino ngayon ang manggagamit?’” paglilinaw pa n’ya. 

Sa usapin naman ng proper crediting, nagkaroon daw talaga ng ganu’ng issue sa pagitan nila ni Moira before.

“Sa isyu naman po ng hindi pagbibigay ng proper credit, di ko naman sinabing sa lahat ng instance ay hindi sya nag-aacknowledge. In one particular instance, my name was not included sa Spotify credit for a song na I wrote 95% of the lyrics and the melody of,” diin ni Lolito.

“Sabi nya, it was an honest mistake. Di nyo ako masisisi if I did not buy that alibi. Pakitanong na rin po sya tungkol sa bagay na 'yan.”

Ito na daw marahil ang huling beses na maglalabas s’ya ng salaysay tungkol sa isyu nila ni Moira. Inasahan na rin naman daw n’ya na dedepensahan ito ng Cornerstone Entertainment. 

“Maybe this will be the last time magsasalita ako sa isyu na to. I understand you needed to defend her image, her brand. Cash cow nyo yan eh. Pero wag din ninyong kunsintihin kung may nakikita na kayong red flags,” balik n’ya kay Vadillo.

“Believe it or not, I care for her. i am doing this para mauntog sya at mahimasmasan. Masyadong sheepish ang mga kaibigan at kamaganak ni Jason para ipagtanggol ang sarili nila. I took the initiative na kasi ganito ako noon pa man. I can't keep mum when injustice presents itself,” pagtatapos n’ya. 

Kasunod naman nito ay naglabas na rin ng pahayag ang lawyer at TV-movie producer na si Atty. Joji Alonso na siyang legal counsel ng Cornerstone Entertainment, Inc. 

Bagama’t wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang statement sa Facebook, ipinagpalagay na agad ng netizens na kaugnay ito sa paglalabas ni Go ng mga impormasyon patungkol sa hiwalayan nina Jason at Moira.

Ayon sa kanya, noon pa man ay pinayuhan na umano n’ya ang isang celebrity na huwag nang magsampa pa ng kaso laban sa kanyang asawa kahit na malakas ang ebidensya na magdidiin dito. 

“I have been advising a celebrity client not to pursue legal action against her estranged husband, despite strong grounds against him, and instead focus on the more important issue - where a Petition is set to be filed,” lahad ni Atty. Joji.

However, bigla na lang daw may naglabas ng “kasinungalingan” para umano siraan ang kanyang kliyente at hindi n’ya daw ito papalampasin. 

“Then today, someone writes a story filled with lies and decides to make it a ‘pinned post’, with no intention other than discrediting and maligning said client. No matter how much I believe in forging peaceful co-existence, this is not one we will let pass,” aniya. 

“This someone must be sued and take accountability,” banta pa ni Atty. Joji.

Sagot naman dito ni Go, willing s’yang humarap sa korte sakaling may magsampa nga ng kaso laban sa kanya. 

“When someone is getting sued, it doesn't automatically mean they're wrong. When someone is getting sued, it doesn't automatically mean they're getting locked up. Anyone can sue. And I am not someone you can intimidate by legal actions. I am willing to face the music,” matapang n’yang pahayag. 

Binanatan din n’ya sa isa n’yang FB post ang hindi pinangalangang TV network employee sa pagtawag nito sa kanya bilang clout chaser o desperadong sumikat kahit na nakakaapak na umano siya sa dignidad ng ibang tao. 

“Galing nyo rin ano. Halos ipagpatayan ko ilaban ang network nyo. Pero clout chaser ako dahil lang I aired my sentiments? Di ko pwede ipagtanggol yung taong kinakawawa at binubugbog publicly?”  sunod-sunod n’yang tanong. 

“Di ko pwede ipagtanggol ang sarili ko for being shortchanged? For being preyed upon by bigger artists? Hindi ako pwedeng maging tinig ng maliliit na composers who are being stepped on and used for corporate gains ng iilan?” pagpapatuloy ni Go. 

“I had already gone viral a thousand f*cking times fighting for other people's basic rights. Pati rights ng empleyado ng network nyo! Di ko kelangan ng clout!” pagtatapos n’ya. 

Bukas ang pikapika.ph sa panig nina Jason Hernandez at Moira dela Torre hinggil sa mga isyung nabuksan sa social media exchange na ito.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Moira dela Torre sa naging hiwalayan nila ni Jason Hernandez: “What did I do wrong? Saan ba ako nagkulang?”

Handler nina Jason Hernandez at Moira dela Torre, pumalag sa pang-iintriga ni Xian Gaza

Jason Hernandez, nilamon ng guilt kaya umaming "I have been unfaithful" sa asawang si Moira dela Torre; inanunsyo na ang kanilang paghihiwalay

Moira dela Torre, pala-utos daw according sa pala-sunod naman na asawa niyang si Jason Hernandez

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.